read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Recess time nanaman daw si kuya MJ Pagkadating ayan agad ang hinawakan niya pagkabihis niya. Mag practice ng cursive,yan daw ang bilin ng teacher. Mabuti na lang at may biscuit sila ulit, bigay ng aking ate. Salamat Ate, Salamat din sa Diyos sa lahat lahat! Oo nga pala, noise family, familiar ba kayo sa tupad? Meron din po ba nun sa lugar ninyo, yung mga nag ko-community service. Nag lilinis ng mga daanan. Nag try kasi ako mag apply dahil sabi nung nakaraan pwede daw mag apply lalo na wala naman akong work. Sinabi ng mama ko i try ko, kasi di pa ako nakakapunta doon sa Lugar kung saan talaga ako dapat mag aapply. Sana ay matanggap ako 10 days daw yun na mag lilinis, pwedeng mag damo, mag tabas or mag walis. Sana palarin ako na matanggap. Dalawa kami ng kapatid ko nag apply. Mamaya ay lutuan time nanaman nga pala, nakaisip naba kayo ng uulamin? Kami tinapa na tamban! Yehey! Namiss ko yun kaya mukhang mapaparami ang kain mamaya.

25 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.