Belated Merry Christmas and Happy Holidays to all!
Nahuli ako ng ilang minutes at 26th na pala. Grabe ang ka busyhan at di na mag kanda mayaw sa mga gawain kaya di na din ako naka bisita. almost two weeks since my last post and namiss ko po kayong lahat. Minsan na lang ako nakaka dalaw at nakaka puso sa iba.
Sharing my two daughters po pala, ayan at may pamana na dress ang kanilang tita, buti at nagkasya kasi nung pinapunta kami doon sa kanila ay wala sa hinagap naming aalis pala hehe buti at meron talagang nagkasya sa mga bata.
Medyo masama naman ang pakiramdam ni aling maliit ko, kanina kasi medyo hindi yata natunawan sa kinain niya. Habang kumakain daw pala si ate Jem eh nagpasubo itong si Ela ng pansit bihon medyo naparami kaya kanina nagsuka ng nagsuka si Ela. pinainom ko na rin ng maligamgam na tubig at ayun medyo kumalma na at naka idlip na.
Anyways, ingat po tayong lahat parati and goodnight.
Tulala Yarn!
Goodmorming noise family! Si Aling maliit ko tulala hehe pagkagising, pinalitan ko na ng damit inipitan pero tulala pa rin haha.
Pasensya na mga sis and brother at ngayon lang ako ulit nakabisita dito. Medyo naging busy at may mga inasikaso nung nakaraang araw. pero pagkatapos naman nun ay namaga ang aking kanang talampakan. Kaya ngayon pahinga mode naman sana, pero mamaya doon kami tatawid kila mother earth.
Magiging masaya at magulo mamaya dahil nandoon ang tito nila na tatlo. Bumisita kila mama kaya sumakto naman na bibisita din kami kasi wala ng pasok ang mga bata.
Nilagang kamote
Magandang umaga noise.app fam!
Nilagang kamote po kayo diyan, ito ang inalmusal namin kanina at memeryendahin na rin. Manamis namis po ito kasi bagong ani lang bago itinda. Taga dito pa sa amin ang nag tinda kaya naman medyo mura lang.
Nagbaon din ang mga estudyante ko nito para daw pag recess nila kakainin nila. Kahit si mister ko ay nag babaon nito sa trabaho niya. Natutuwa naman ako bilang nanay nila, napaka simple ng kaligayahan at di namimili. dahil naalala ko noon na ang ibang bata na kaklase ko eh nahihiya kapag kamote ang baon nila, pag tatawanan daw kasi sila. Pero ako dati kahit nilagang gabi nag babaon ako. Masarap yun kapag nilalaga ni lalagyan ko lang ng kaunting asin, masarap meryendahin.
Tara po kape tayo at kamote!
Naging instant Tatay ka Smigol ano!
Umiiyak kasi itong dalawang tuta kanina. Isa lang talaga ang sa amin pero dahil maliit pa sila isinubok lang muna na dalhin dito sa amin kung hindi iiyak. Maghapon ay okay naman sila, kakain, lalaro, dudumi at iihi tapos matutulog. Nitong gabi dahil lumalamig na naku ayan na umiiyak na. At dun pumapasok sa eksena itong aming Smigol haha.
Sinubukan ko lang na ilagay siya kung aawayin niya ba or imemeet niya naman ng maayos itong aming bagong furbabies. Una ay okay naman pero pag sumisiksik na itong tuta ayaw na niya. talagang naku ramdam at rinig mo ang galit niya haha.
Cute nga nila eh, agree ba kayo?
Tuyo po kayo diyan!
Kakatapos lang kani kanina ng meeting kaya ngayon palang makakapag lunch. Doon kasi ako naki meeting kila mother earth para medyo tahimik ng kaunti hehe at si Ela kapag kasi nasa meeting ako online nakikisilip din haha. Relate ang ibang momsh dito na nag wowork online na may toddler.
Nagluto daw si nanay ng gulay pero mas bet ko itong tuyo eh, nakaka miss ito. Tsaka siguro nag tataka kayo bakit 3 lang haha. Kasi 3pcs for 10 pesos na po ito eh. Masyadong mahal ngayon ito lalo na nag uulan ulan.
Tara po kain tayo.
Gulay Mode
Late lunchies po muna tayo noise.app fam. Naglunch naba kayo diyan? Pang chopsuey cut yung nabili pero nauwi sa ginisa. Masarap na din naman lalo na at half cooked lang. Malutong lutong at manamis namis.
Makulimlim pa rin ngayon dito sa amin, kagabi din ay inabot na kami ng ulan. Mabuti na lang at walang kasamang hangin kasi mas delikado kapag may hangin eh.
Sana ay okay lang po ang lahat lalo na sa mga lugar at kunag saan palaging umuulan. Kamusta po diyan sa inyo?
After Gala Look
Antok muchiee yarn? Smigol looks exhausted when he got home. Hubby just came home from work at kasunod niya si Smigol na dumating. Aba ang lolo niyo eh busy gumala diba. Hapon pa siya umalis, kaya lang eh umulan kaya siguro natagalan umuwi.
At natuklasan ko din na dito sa kalapit bahay namin siya pumupunta. May babae silang pusa na talaga namang kamukha niya. Taga doon pala yung pusa na pumapasyal dito dati. Siguro nagusap sila na si Smigol naman ang papasyal ngayon haha.
Kung ano ano na nasasabi ko, magkape na nga lang ako at mag lalaba pa ako hehe.
Panganay at bunso
Silang dalawa talaga ang mahilig na mag picture eh hindi kagaya nung dalawang nasa gitna hehe. Ang pinaka ate at ang bunso talaga mahilig kasi sila madalas na may mukha dito sa cellphone ko.
Lunch time na noise.app fam kaya lang wala pa ako sa bahay kaya di ko napicturan ang aming pananghalian. Sana mamaya eh makauwi na rin ako agad at miss ko na agad ang mga chikitings.
Magandang tanghali at enjoy po sa inyong lunch.
Makulimlim na umaga noise.app fam!
Kuha ko itong dalawa na ito ng magkaibang oras but same spot. May 30 minutes lang na pagitan. Ang galing ano, may moon pa rin kahit anong oras na at kitang kita pa siya kahit maliwanag na at sumkmag na ang araw.
Mamaya ay mangunguha kami ng kahoy na panggatong sa bandang ibaba ng bahay kasi naubusan na kami ng gasul. Mahal pa rin masyado ang gasul kaya nga kahit na mayroon eh tinutulungan namin ng kahoy pero siyempre dadating ang oras na mauubos at mauubos pa rin.
Nasa 880 pesos pa rin daw ang gasul dito. sa inyong lugar ganun din po ba?
Hindi na Sleepyhead ang Smigol ko
Nakaupp din ang inday ninyo hehe at nakatapos na maglaba. Inagad ko na ang labahin para ma kusot ko lang at tipid sa kuryente.
Galing nanaman ito sa kanyang Jowa. Ngayon lang nakaalala umuwi hehe. Kung dati puro tulog lang talaga siya, naku ngayon nasobrahan na sa gala. Kapah tinatawag namin at hinahanap, aba nawawala na lang bigla. Mag tataka ka kasi palagi yan lalapit na kaagad rh kapag tinawag.
Nakakalibang talaga ang mga alaga natin. Nakakabawas ng stress. Kaya minsan bukod sa mga anak ko eh itong mga furbabies ang nag papabawas din sa stress.
Magandang gabi po, nagdinner naba kayo?
Kitty Cat
Sinend ito ni brother sa gc namin. Aba nga naman oo, busy maglaro si Kitty ng tali na straw π
. Pagod much yarn!? Basta mga ganyang tali tali naku mahilig talaga sila at di nila titigilan hanggang mapagod sila.
Si Smigol ko naman di naman na siya gaano malaro ngayon, ang gusto na madalas eh gumala at manligaw hehe. Aalis ng malinis at mabango, aba pag uwi niya minsan kulay itim itim yung balahibo niya tapos minsan amoy putik pa hehe. Kung saan saan sumusuot talaga.
Ang mga pusa naman ni mother earth eh hindi talaga nalabas ng bahay hehe. Ang mga pusa ba ninyo kamusta po?
Selfie mode ni aling maliit
Ngayon ko lang nakita sa gallery ko itong mga selfie ni aling maliit. Nag picture picture pala sila ng mga ate niya. Kaso di ko lahat mailagay hehe share ko na lang later ang iba pa nilang pictures.
Goodmorning goodmorning goodmorning everyone! I hope you're all fine. Alam kong may kanya kanya tayong buhay at problema. Hindi man pare pareho ang pinag dadaanan natin pero malaking tulong ang pag dadamayan. Salamat po kay God sa buhay nating lahat at sa lahat lahat ng pag papala na binibigay niya sa atin.
#spreadlove
#staystrong
#positivelangtayo
Nakalabas dinπ
Tuwang Tuwa ang mga chikitings!
Mula umaga eh nasa labas kami kaya naman enjoy na enjoy sila tapos dito din kami kumain kanina. Kaya ngayon lang nakapag update ay nag family day muna kami kahit na may pasok si mister tinuloy ko pa din kasi nung mga nakaraan ay naging abala ako at di ko na sila na aasikaso. Time naman para makabawi diba!
Dahil marami talagang problema at pagsubok medyo natuon ang pansin ko doon kaya halos negatibo nanaman ako pero salamat kay God at di ako pinang hinaan ng tuluyan dahil din sa mga kapatid ko dito mga ate at kuya kilala na ninyo kung sino kayo. Salamat po!
Anyways highways, ano kayang meryenda naman hehe. nag meryenda naba kayo?
Sopas Mode
Dahil walang hotdog o chicken itlog ang sahog hehe. Madalas ko itong gawin pang almusal, pwede rin hapunan or meryenda. Kasi minsan gusto talaga nila ng may sabaw pero dahil wala naman kaming stock at mahal ang sahog kaya itlog ang nilalagay ko. Nasubukan niyo na din po ba yung ganitong luto sa sopas?
Today is holiday kaya naman walang pasok ang mga bagets. Makakalabas kami ngayon ng bahay para makapag bonding naman din.
Magandang morning!
Turks
Treat daw ito kila mister kahapon pero inuwi niya na lang. Kaya lang anong oras na yun kaya ni ref na lang daw niya. Heto nga at kakatapos lang namin kainin ni Ela, kinuha niya lang ang pinaka wrapper tapos inunti unti ko subuan nung nasa loob haha.
Buti na lang at di maanghang kasi di makakakain si Aling maliit ko. Salamat sa nagtreat sa kanya at salamat kay God.
Kamusta po kayo diyan? nag hahanda na din ba kayo ng tanghalian?
Almusal!
Magandang Magandang Morning!!
Happy Wednesday everyone, What's up! What's up!
Just prepared my students meal at kakain na sila maya maya dahil nakatapos na sila maligo.
Wala na akong pasok ngayon sa tupad kaya makakagawa na ng mga gawain sa bahay ulit. Ang kailangan kong gawin mamaya ay mag agiw haha, kasi parang pang Halloween pa rin kahit na tapos naman na. lols.
π€ buti na lang nakaya nila maligo kahit super lamig hehe, ako di ko pa kaya, mamaya na lang ang mama π€«
Itsurang Mahaba haba ang tulog haha!
Kanina itong umaga, may pa selfie este pa groufie muna kami pero di ako nakita haha. Mahilig na sila ngayon mag picture minsan pagka gising pero everytime bago matulog kasi sinesend namin kay papa namin.
Ang nangyayari kasi mula nung mag training si mister sa manila eh pagbalik dito gabi na talaga siya nakak uwi at ibang iba sa dati, ngayon di na talaga siya kayang antayin ng mga bata dahil madalinv araw na siya nakakauwi. Kaya bagk matulog nag sesend sila ng picture sa papa nila parang goodnight na din nila. At pagka umaga naman papasok silang tulog pa si papa nila kasi 9am naman pumapasok si mister.
Anyways makaka bawi bawi din kapag nagkaroon na ulit ng pag kakataon na makakuha ng service pero sa ngayon ay tiyaga tiyaga lang muna talaga.
Magandang hapon, kamusta po ang maghapon ninyo diyan?
Adobong sitaw Tiyak energy mo ay lilitaw!
Iba talaga nagagawa ng puyat hehe, kung ano ano na naiisip ko noise.app fam. Goodmorming Goodmorning kamusta po kayo! Tupad day today nanaman at last day na namin ng pag lilinis.
Pero bago ang lahat, kumain muna para may laman ang tiyan at mahirap mag trabaho ng gutom tayo.
Sabi nga ni Aling maliit ko, Dapat, tummy, happy π
Tupad Mode
Kanina dito kami naglinis noise.app fam. Medyo malayo at mataas ang inakyat namin pero worth it at ang ganda na nung na linisan at wala talagang natira sa pinaka round ng balon.
Hindi pa nakikita diyan banda kung nasaan ang balon kasi natatakpan hehe pero nung malinisan ay talaga naman na ang ganda at mapresko pa ang hangin doon dahil sa mga puno.
Magandang gabi po, kamusta naman po ang inyong monday diyan, busy ba or hayahay po hehe.
Enjoy na Enjoy Sila Kahapon sa pagpunta namin kila lola nila. May nag duduyan, may nag hahabulan at ang isa naman eh busy mag pa picture oh!
Haay kakauwi ko lang ngayon noise.app fam galing sa pag work sa tupad. Pakarga naman si aling maliit kaya nakabisita ako dito at nag browse ng ibang pictures. Kahit na marami at sunod sunod ang problema eh laban lang at makita ko lang din silang masaya at nakakapawi na ng pagod.
Fight fight lang! Hello po sa inyo from my aling maliit.
Turon
Pwedeng almusal at pwede ring meryenda!
Kaya 2 in 1 na, pang almusal na namin at pang baon na din para sa meryenda. Maaga akong nag gayak ng pagluto nito kasi may pasok si inday sa tupad ngayon hehe. pang 9 days na namin today, parang kailan lang sisimulan ko palang hehe ngayon patapos na.
Goodmorning and happy Monday po sa ating lahat!
Pancit po kayo diyan
Ito na, luto na ang meryenda! Salamat ng marami kay God sa blessings at dito sa aming pagkain. Medyo kaunti lang ang nailagay naming gulay kasi sa mahal ng bilihin hehe, mahal pa rin ang gulay to da max na ang presyo.
Magandang hapon sa inyo diyan noise.app fam, kung kanina sobrang lilim at malamig, ngayon naman ay sobrang init hehe kaya nag iisip pa ako kung mag kakape ba ako ulit haha.
Meryenda time na noise family, kain po!
Happy Sunday
Coffee muna po tayo habang nakapamintana. Sarap ng simoy ng hangin ngayon kasi makulimlim. Buti na lang at hindi umaambon pero hindi na din ako nakapaglabas ng sinampay kasi baka biglang umulan.
Tara kape?
Ampalaya with Egg
Ang bilis ng oras, 9am na pala kaagad noise.app fam. Happy sunday sa inyong lahat, kamusta po ang panahon sa inyo? Dito sa amin sobrang makulimlim at kagabi ay umulan.
Mamaya ay tatawid kami kila mother earth para makapag bonding naman din at bukas eh monday na kaagad agad hehe. Mag luluto daw kami ng meryenda at pananghalian kaya tuwang tuwa na kaagad ang mga bata. Sayang lang kasi si mister ay may pasok pa rin ngayon, hindi daw muna siya nag pa day off para makabawi bawi sa mga deductions niya. Pero sabi ko nga kahit isang araw lang para makapahinga naman din siya.
Anyways highways, mag almusal po muna tayo. Hindi ito gaano mapait na ampalaya, tara na kain na!
Lowbatt si aling maliit!
Ang aga aga niya kasing nagigising, kahit na antok na antok pa eh gusto palaging sumasabay sa akin bumangon kaya ayan wala pang alas dose, plakda na ang baby.
Maaga din kaming pinauwi kanina nung pumasok kami sa tupad, kaya medyo maaga akong nakauwi ngayon compared sa mga dating oras namin.
Magandang tanghali po sa inyong lahat, kamusta po ang Saturday natin diyan? Nag lunch naba kayo?
Ginataang Isda
Nag try kami na lagyan ng gulay na ampalaya yung ginataang isda, buti na lang hindi siya pumait hehe. Kasi kapag sobrang pumait hindi kaya ng mga chikiting.
Sanay lang ako mag lagay sa paksiw pero first time itong ginataan na may ampalaya hehe. Kayo po ba naglalagay din ng gulay sa ginataang isda?
Kamote po kayo diyan!
Nakaka antok na hapon noise.app fam kaya lang ay di makatulog hehe. Nilaga ko na lang ito para mamaya eh pag uwi ng aking mga estudyante may meryenda na sila. Si aling maliit kasama ko sa labas habang nag lalaga pero ngayon ay nakaramdam na ng antok at nakatulog na.
Kamusta po ang inyong maghapon? Ako na bubusy dahil sa pag sali ko sa tupad pero ilang araw na lang din at matatapos na kami kaya makakabalik na sa dating gawi at medyo nag tatampo na si aling maliit kapag umaga, naiiwan kasi siya hehe.
Anyways kape na tayo sabayan ng kamote!
Goodmorning noise.app fam
Sarap ng tulog nitong aming Smigol oh, akala mo talaga sobrang hinhin at mabait oh kapag tulog hehe. Pero kung gising naman, ay, lahat na yata ng kakulitan alam.
Hello hello pilipinas at hello world, kamusta na po kayo? Madalang na makapag update ang inday sa sobrang busy, pero makakabawi din ako 4 days na lang π
Siguro ang mga momshies ko diyan ay gising na at nag aasikaso na, ang iba naman mga papasok sa work oara di maabutan ng traffic pero may kagaya ko din na hindi pa natutulog for sure, diba po?
Kaway kaway sa mga di pa rin nakakatulog! at Goodmorning sa mga gising na diyern!
Happy Birthday sa aking kapatid!
Siyempre Happy na, birthday pa!
Magandang hapon po, at meryenda mode po muna tayo. Nagpaluto si mother earth ng spaghetti dahil para sa birthday ng kapatid kong bunso. May handa pero wala ying selebrante hehe kasi naka duty pa sa work.
Anyways, mamaya ay meeting mode naman ng parents para sa aking grade 3. Sana ay maging maayos naman ang meeting mamaya.
Kain na po tayo.
Magandang Magandang morning!
Happy December First everyone! Palitan na muna natin ang negativity at let's spread positivity. Coming from me talaga anu po hehe, medyo nahimasmasan ako at talagang God is good. Maraming struggles pero marami din good ang nangyari.
Anyways, Baon at almusal ay maagang naka ready dahil may tupad ako today hehe. Buti na lang ay nandito si nanay kasi may mag titingin kay Ela. Nasa four hours din akong mawawala hehe.
Goodmorning ulit, and let's fight fight fight!