Makalat, makulit malikot Parents: Mas okay na ganyan na lang ang mga anak natin kaysa naman may nararamdaman sila. Ang hirap pag may sakit. Itong dalawa ko kahit papano okay okay na. Kuha ko ito kahapon, pero kagabi nagsimulang sumakit ang paa ni Mj at binti. Ang hirap niyang tumayo at hindi makalakad. Kaya ngayon mas lalong natuliro ang isip ko sa mga nangyayari kasi ang panganay ko na okay naman kahapon, kagabi nilagnat din. Kanina pagkakain nagsuka na siya at masakit din ang binti at paa. Ang sabi niya nag garden daw sila sa school. :( Pagaling na kayo mga anak ko. :(
14 comments
Ay bongga ang kalat
Hehe oo nga sis, kasi po may sakit ang kuya niya matagal tagal na hindi nakapag laro. Ang nagbuhos ng mga laruan ay yung bunso play daw sila. After naman po ng laro sila din ang nag liligpit kasi tinuturuan ko sila na kapag ang mga laruan dapat nasa basket na kung hindi na lalaruin
Ang daming laruan na nakakalat hehe basta huwag lang mag away.
Nagbuhos niyan sis itong si aling maliit. Kasi namiss niya makipag laro sa kuya niya. Matagal tagal kasi na may sakit mga kapatid niya kaya kahapon nagka time sila kaso kagabi sumama nanaman ang pakiramdam ni kuya niya at sumabay pa ang ate nila
Hala bakit kaya sumasakit ang mga paa at binti Nila, kahit sinong Magulang sis matutuliro kapag ganyan na may nararamdaman ang mga Anak. Ipatawas mo kaya sila sis?
Oo nga sis kinontak na ni mama yung kakilala niya sis kasi ako wala akong kakilala eh. Kasi nga sabi ko baka napapaglaruan itong mga ito lalo na dito sa amin pa bundok pa naman
Tama sis ipa Tawas mo muna,ganyan dito samin ipapatawas muna bago ang Doctor.
Kaka stress ang ganyan pero pede rin naman maturuan magligpit hanggat bata.
Ay opo sila din po ang nag liligpit nitong mga laruan nila after sis hehe. Tinuruan ko na po sila kahit pati ang bunso ko na 2 years old kumakanta pa yan nh clean up song hehe. Hinayaan ko lang sila mag laro ay ibuhos ang laruan kasi para malibang ang kuya niya na may sakit. Kaya po sabi ko nga mas okay na ganyan yung makalat yung mag lilikot sila kaysa yung may sakit
Oo nga eh nakakawa paga maysakir parang itong aking pamangkin na si bulilit para sampu ang kasama sa bahay kung makapagingay pero pag maysakit ang tahimik naman ng bahay:)
Kaya nga po eh. Mas gusto ko ng maingay sila at magulo kapag nag lalaro kaysa may mga sakit ang tahimik nila.
Sana gagaling na ang anak mo. Sis. Ingat ka po
daming laruan oh. totoo mas okay na gnto sila kesa magkasakit.
Ganyan din dito sa bahay na min makalat pagnaglalaro