read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Ginisang upo po kayo diyan noise.app fam! Kamusta ang inyong friday? Nagdinner naba kayo? Kung hindi pa eh tara na po sabayan na ninyo kami maghapunan. Minsan sobrang aga namin maghapunan, minsan naman sobrang late. Depende din kasi sa oras ng meryenda nila minsan. Maaga aga pa itong hapunan namin ngayon para makapag pahinga din ng maaga ang mga bata. Kailangan bumawi sika ng husto ng lakas at sa lunes balik sabak nanaman sila sa eskwelahan. Hindi ko alam kung excited ba sila o natatakot na silang pumasok. Natatakot sila kasi baka mahawa ulit sila ng sakit doon. Ayun daw kasi ang nangyari nitong bago sila magkasakit dahil nga may kaklase silang pumasok na may lagnat,ubo at sipon. Nalaman lang ng teacher nung ng kaklase na sila kaya pinauwi, nag bababa pa daw ng facemask ang kaklase nila na yun kaya talagang marami sa kanila ang nahawa. Haay ito nanaman ang hamon sa amin, sana naman this time eh maging okay ang pagpasok nila.

13 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.