read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Pauwi na rin sa wakas! Kamusta po kayo noise.app family? Nilutuan ko kanina ng patatas ang mga bata bago ako umalis pero nag send si biyenan ko ng picture na hindi naman daw nakakain sila ate Missy ko. Gusto nila akong hintayin at para daw makakain sila ng apple. Mabuti nalang at nakabili ako ng 3pcs na Apple. Haay. Ang init grabe, kaya mas masarap manirahan doon sa may sa amin kasi malilim lang. Sa kasamaang palad hindi ko pa nabili ang lahat ng gamot. Yung mga antibiotics muna kasi ang mahal talaga ng isa. Ang mahalaga may mainom na muna ang mga bata, at gagawan na lang ng paraan ang susunod. Sa mga kapwa ko parents na may nararamdaman or ang anak nila eh may sakit, laban lang po tayo! Sa lahat din po ng nag memessage sa akin salamat po sa inyo. Na aapreciate ko po lahat ng iyon thankful po ako na nandiyan kayo para magpayo. Magandang hapon po!

8 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.