read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Sa wakas nakauwi na rin si Mister Nakakain na rin siya ng hapunan, kapag ganito mas hinihintay ko siya kasi nawawalan siya ng gana madalas kumain kapag mag isa lang siya kakain. Kaya hanggat mahihintay ko siya ganun ang ginagawa ko. Ang tagal kasi ng biyahe talaga lalo kapag ganitong oras na dito sa lugar namin, kanina nag message siya 10:13 pm nasa paradahan na siya ng jeep pero mahaba daw ang pila (nasa second pic) tapos nung siya eh makarating na dito sa kanto sa may sa amin wala pang tricycle. Nagsi garahe na yata ang mga namamasada kasi maulan. Medyo marami rami din silang pasahero, tamang tama at may mabuting puso na nagsasakay naki angkas na si mister ko para makauwi lang din. Nilutuan ko siya ng noodles pang dagdag sa tinapa. Namiss namin ito pero hindi na masyado na enjoy ang pagkain dahil hapong hapo na siya sa biyahe. Bawi na lang bukas sa pagkain sabi ko sa kanya. Ang laki ng sakripisyo ng ating mga mister at maging tayo rin na mga nanay para maitaguyod ang pamilya kaya saludo ako sa mga magulang mga nnays at tatays! Ate at kuyas! Bilib po ako sa inyo sa walang sawa po ninyong pagtaguyod ng pamilya, Maraming Maraming Salamat po! Salamat din kay God sa mga buhay po natin! Nagkakape lang kami ni mister pagkatapos ay makakapag pahinga na rin at bukas panibagong araw at hamon nanaman ang haharapin!

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.