Dalandan Napapanahon nanaman ang dalandan. Ang daming nag titinda nito ngayon, sa school nila last week meron ng nag titinda, sa mga tindahan, at lalo na sa palengke. Ito ang pinag kakaabalahan ngayon kainin ng aking chikiting maliban kay Ela. Hindi pa sila bati ng dalandan. Maliliit lang ang pinili ko nung makapunta ako ng bayan 3 days ago nung bumili ako ng mga gamot nila. Ito ang palatandaan ko sa matamis or medyo hinog na, Sa dalandan kasi madalas kapag yung makapal ang balat hindi matamis ang nakukuha ko, parang hindi siya ganun ka hinog pa kaya itong mga maninipis ang pinili ko kahit medyo maliliit. May palatandaan din ba kayo sa dalandan kapag namimili kayo?
4 comments
Akala ko merong manipis na maasim din, at may makapal naman ang balat na matamis din at meron ding maasim o matabang pa nga minsan haha!
Vitamins C iyan sis
I love dalandan sis. ❤️🥰
Pag makinis ang balat sissy matamis raw heheh