read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Ginisang sitaw at kalabasa! Nag lunch naba kayo noisefamily? Kami ay mag la lunch palang din. Ito po ang pag sasalu saluhan namin ngayon. Dahil bawal sa mga bata ang malalansa kaya kailangan eh mag gulay gulay na lang muna, bawal na muna ang fish. Mas lumala ang nararamdaman kong bigat ng katawan ngayon. Kanina kasi noong nakaginhawa ako after pagpawisan, sinubukan ko mag imis imis, at mag tupi. Si biyenan ko na ang nag walis sa labas. Pero ngayon ito nanaman. At ang isa pa ay si jemjem ko na siyang tangi na lang na nakakapasok sa school ay nilagnat na rin kagabi. Pero good thing ay si Missy at Mj hindi na nilagnat maghapon kahapon nung nakapag antibiotics, may kaunting ubo at sipon na lang pati si Ela. Hindi sila sanay sa dami ng gamot kaya parang naluluwa luwa pa. Haay thank You Lord okay na po ang dalawa ko. Sana po ay gabayan niyo din kami lahat. Salamat po ulit sa prayers ninyo. God Bless you all po!

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.