read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Ganda ng gising ng aking little bossing! Walang S! Magandang morning po from our little one Ela. Medyo tinanghali ng gising ang bebe namin kasi gising kami kaninang 4am. Nagising siya ng alanganin at aba, naglaro pa kami nun ha hehe. Ang nakakatuwa sa kanya kapag nagigising ng alanganin hindi naman siya yung umiiyak wag lang yung may nararamdaman siyang sakit or what. Talagang mag papa cute na kaagad at mag hahanap ng lalaruin hehe. Ano pong ganap sa inyo ngayon noisefamily? Dito sa bahay, nandito ngayon si mister ko, meron kasi siyang aattenand na Orientation mamaya para sa pag sisimula ng pag apply abroad. Kaya nagpa day off siya ngayon. Matagal niya na itong balak pero ngayon may free orientation daw. Gusto niya maka alis kahit isang kontrata lang daw para maka ipon. Ang mga tatay talaga, gagawin ang lahat para sa pamilya. Ayaw niyang ako ang mag apply kasi mas okay daw na ako ang maiiwan para sa mga bata at lalo na nag aaral na sila. Sana daw palarin siya..

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.