read.cash Log in
@JhennyDR more from that month

Pigil na pigil ang antok baby ko ah! Ang Aling maliit ko, sleepy mode na pero pinipilit pigilan kasi hanap niya pa din si papa niya ih. Kinakausap ko nga siya sabi ko sleep na muna gigisingin ko na lang siya mamaya. Pa out na din ang papa namin ngayon kaya lang nakakauwi siya after 2 to 3 hours pa. Kahit kasi malapit lapit lang kami ang matagal ay ang mag hintay ng jeep at trike dahil sobrang daming pila ng pasahero. Pero kung sa dati na nakakapag motor siya wala pang 45 minutes ay nandito na siya. Kaya pag susumikapan namin talaga ulit na makakuha si mister ko kahit second hand lang na motor. Ilang weeks palang pero ang laki na ng ibinagsak ng katawan niya kasi kulang na kulang na ang pahinga niya at tulog. Minsan ang tulog niya wala pang 5 hours pero sagad sagad ang trabaho. Haay isa yan sa pangarap ko ngayon ang makapundar kami ulit ng service niya after maka ahon ahon sa aming mga bayarin. Kapit lang tayo papa namin, at pag tutulungan natin yan. Dalian mo na umuwi hehe kung pwede lang lumipad eh, Si Ela waiting pa rin sayu papa.

14 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.