Maulan na umaga noisefamily! Maulan na din dito sa amin nagsimula kagabi. Kaya lalong ang lamig na panahon. Ito ang almusal namin at diretso na tanghalian dahil mamaya ay aalis si nanay. May kailangan siya puntahan para sa senior id niya. Babalik din daw siya kaagad dito sa amin pagkatapos kaya nilutuan niya na kami ng ulam. Nilagang manok ito pero nilagyan niya ng sari saring gulay para mas healthy kasi wala kaming pechay na maihahalo. May carrots, patatas at repolyo ito kaya sure na masarap at healthy. Medyo nahihilo na lang ako ng bahagya at masasakit ang kasu kasuan, kailangan ko na pa man din sana maglaba haay. Sana mag okay okay na ako para makapag asikaso na din. Mag almusal na po tayo!
5 comments
Happy eating sis sa maulang pnahon
sarap ng sabaw, sis!
Masarap kumain kapag maulan . Enjoy sis.
Perfect yan sa malamig na panahon sis. Sarap. ❤️🤤🤤
Dto khapon at kgabi paulan ulan. Now mainit n sis. Gandang umaga sa masarap n food mo