read.cash Log in
@ruby0622

11.11 Sale Parcel Received Ang bilis dumating ng inorder ko nakaraang sale. Ito lang ang binili ko sa 11.11 sale, mga kakailanganin lang talaga hindi na ako nagpatukso sa iba haha. Nasira na yung payong na ginagamit ko sa tuwing susundo sa mga estudyante ko kaya bumili akong bago hindi pwede walang payong kakailanganin talaga yan sa tuwing aalis ng bahay lalo na at pabago bago ang panahon. Para maiwasan magkasakit dapat healthy and pretty always kaya kailangan talaga ang payong at ng hindi rin mabilad sa araw ang beauty 😅 Bumili rin akong water bottle sa dalawang estudyante ko akala ko malaki laki maliit lang pala siya :) pwede na rin may water dispenser naman sa labas ng room kaya salinan nalang kung maubusan. May cashback pang nakuha sa inorder namin, malaking tulong na rin makakatipid sa susunod na bibilhin. Kumusta ang inyong weekend Noise app fam?hope you enjoy. Have a great and blessed day!

18 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.