Malling after Christmas Party Nagyaya ang dalawang girls ko na pasyal daw kami sa mall after Christmas party nila. Sobrang abala ngayong araw, naglaba ako kaninang umaga pinaikot na ni mister sa washing machine habang nakaduty siya work from home. Sabi ko maaga akong gigising para matapos ang labahan ng 8am pero alas siyete na ako nagising haha. Alas nuwebe kasi ang Christmas party ng panganay ko hanggang alas dose samantalang bunso ko ay 10am-2pm. Kaya nauna kong hinatid ang eldest ko pagbalik ko galing maghatid inayusan naman ang bunso. Pagkahatid ko kay bunso sa school tinapos ko ang aking labahin dahil magsusundo naman sa panganay ko ng alas dose mabuti natapos ako ng onse pa lang. Pagkasundo ko Kay eldest ng 12noon hinintay na namin si bunso hanggang 1:30pm tamad na akong bumalik kaya hintayin nalang hehe. Pag uwi naman galing Christmas party nila nagpunta kaming mall grabe ang trapik din kaya ang tagal nakarating kahit medyo malapit lang. Naglaro sa arcade ang girls ko tapos ikot-ikot naπ nagmeryenda pagkatapos mag-ikot nagutom haha. Nakauwi kami dito sa bahay ng 6:30pm ang trapik din pauwi lahat yata nasa galaan mga tao kaya ang trapik at ang daming tao rin sa mall π Kumusta kayo noise app fam ang tagal ko rin nagpahinga o nanahimik dito marami lang talagang pinagkakaabalahan sa buhay π ilang tulog nalang pasko na kaya lalong busy ang karamihan sa atin π Happy and Blessed Friday everyone!
22 comments
Ang pretty naman nila parehas.
Salamat po :)
Enjoy your evening sis.
Sayo din sis, happy Friday π
happy Friday as well π€
Pagod much today sis kaya ipahinga na ang likod haha. Good night sis.
Naku madami talagang tao dahil sa Christmas party. Mabuti nag enjoy ang two girls mo.
Kaya nga sis, halos lahat ng school ngayong araw ang Christmas party kaya daming gumala sa mall hehe. Pinagbigyan ko nalang ang girls ko sis kahit pagod much hehe
Okay lang two weeks naman tayo pahinga. Pahinga nga ba haha
Pahinga lang tayo sa paghatid sundo sis haha sa mga gawaing bahay walang day off buhay nanay nga naman mahirap na masaya π
Tama laging kumakaway ang gawaing bahay haha.
Kaya nga sis, wala tayong day off diyan haha. Atleast makapagpahinga ng dalawang linggo maghatid sundo sis hehe
Wow ,nag ganda ng mga ngiti ng mga chikitingπ
Ganyan kapag nakagala sa mall sis happy mga kiddos lalo na kapag nakapaglaro sa arcade hehe. Gandang gabi sis.
They are just adorable! When we go out to eat somewhere delicious, we call it "belly feast" π Happy Friday night @ruby0622!
Thank you friend. We just ate simple snacks, lasagna and pizza :) Blessed Friday to youπ
Busyness si
Kaya nga sis, halos lahat yata ng mga nanay busyness always hehe
Sila niece naman natagalan umuwi dahil ang tagal dumating ng jobbee nila pero nagdala parin yong mga parents ng mga pagkain .Sa mga mall lng mafefeel ang christmas good morning:)
Ang daming delivery no jobee sis kaya natagalan hehe. Kaya nga sis feel na feel ang Christmas sa loob ng mall.
musta ka na sis? Miss you. Sensya na na busy na ang lola mo dito aigooo
Oo nga sis pansin ko nga sobrang busy mo na haha same here lang din sis daming ganap hehe