read.cash Log in
@ruby0622

Grocery day! Pagkahatid sa mga bata kaninang alas diyes sa school ay diretso na kami ni mister sa Robinson supermarket para maggrocery sa isang kinsenas namin na budget. Mas mabuti ng may mga stock para hindi na pabili bili sa tindahan lalo na mga snacks ng mga bata. Akala mo ang daming nabili halos mga de lata at noodles lang mga yan haha at saka frozen goods. At mga biskwit o meryenda ng mga estudyante ko :) Tiyak happy na naman mga anak ko nito dami nilang pagkain na stock sana lang umabot hanggang sahuran uli may ice cream pang binili daddy nila buy one take one nakaraang araw pa kasi si bunso nagrequest ng ice cream :) Maulan kaninang umaga, mabuti maaraw na ngayon susundo na ako sa mga estudyante ko. Mamaya nalang ako magbabalik ng puso sa inyo 😊 Happy and Blessed Friday everyone!

37 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.