Vegetable Soup (Sinabawang Gulay) Nakapaglunch naba ang lahat?Kami ito kakataos lang sa aming simple and healthy dish. Medyo matagal na huli kong luto nitong laswa o law-oy sa bisaya hehe. Paborito rin ng mga anak ko ang ganitong luto pure gulay lang talaga yan walang sahog na isda o karne, dried hipon lang na maliliit sahog ko 😁 Gustong gusto ng dalawang anak ko may kalabasa tapos dinudurog sa sabaw, sayang lang walang malunggay na tinda. Kaya alugbati, saluyot, okra, talbos ng kamote at kalabasa lang yan. Dahil kami lang mag-iina mananghalian ito naisipan kong lutuin night shift si mister kaya tulog, ayaw kasi ng ganitong luto hindi daw siya sanay. Ako laking probinsya kaya sanay na sanay sa mga ganitong ulam. Kaya sa mga anak ko sinasanay ko rin sila sa pagkain ng ganito kaya tuwang-tuwa mama ko sa probinsya kapag nagbakasyon kami kasi hindi daw sila maarte 😄 May tuyo din na tira kaninang umaga at yung dried hipon na maliliit hindi ko nilagay lahat sa sabaw kaya yung iba nilagyan kong itlog. Busolb na ang aming lunch sarap higop ng sabaw. Happy weekend and stay safe to all!
19 comments
sarap nmn sis kame sardinas itlog dna ka punta palengke naglalaba ako ahahhaha
Masarap din yan sis sardinas may itlog paborito namin mag iina maarte kasi itong mister hindi namin kasundo sa ulam haha. Tapos na ako naglaba kahapon sis nakatuyo na rin tinamad pang magtupi as always 😂
laswa din tawag namin dito sis, at if yan ang amin menu ako nag luluto yan at masarap yung sabaw kase ang lapot yung dahon parang crampled paper hahaha pasenxa di ko alam sa tagalog yung term yan. healthy lunch sis, good afternoon
Magaling Ka pala magluto nito sis at nakain Ka pala nito. Si mister hindi namin kasundo madalas Ng mga anak sa ulam maarte kasi hehe. Happy afternoon sis!
same ky hubby medyo hindi niya bet ang laswa, pili lng yung alam kong lutuin sis, pero mga prito si hubby na yan nagluluto sis. salamat sis.
Ganun yata mga mister sis mas maili sa ulam kaysa atin sis ganyan din asawa ko hehe. Good morning sis. Have a great and blessed day!
late reply naman ako sis baka nga hehhehe ako minsan kahit ano okay ako ulamin, baka nga ganyan sila hehhehe Good afternoon sis have a great Sunday
Ito kadalasan niluluto ng mama ko law oy
Kapag sa probinsya sis ganito madalas ang ulam hehe
Ang healthy nito sis. 🤤❤️
Healthy talaga sis at masarap ang sabaw :)
Kakatapos lang sis hehe same tayo ng ulam.. sarap ng kain pag may sabaw lalo pag lunch 😁 Eat well po.
Kaya nga sis nag sarap talaga Ng Kain kapag may sabaw lalo n mga bata hilig sa sabaw din. Salamat sis :) Gandang hapon!
Ang sarap ng bulanlang n gulay friend.
Sarap Ng higop ng sabaw sis masustansya din :)
kalami ba ana sissy uy partner talaga yan sila sabaw at prito
enjoy sis sarap nito lalo na malamig panahon :) swak na healthy pa Happy Sunday sa inyo sis😊
Sabaw sabaw
Sarap ng soup na ganyan :)