read.cash Log in
@ruby0622

Christmas Party Sandal/Exchange Gifts Sobrang busy buong araw, Kaya ngayong gabi lang nakadotdot haha. Pagkahatid kaninang umaga sa school ang mga bata nagpunta kami ni mister sa Unitop para bumili ng sandal ni bunso sa kanilang Christmas party at pang-exchange gift nila. Ang panganay ko may sandal ng nabili nung huli namin punta sa Unitop napost ko rin dito before ganito rin siya kulay pink lang na ma-glitters siya. Ganun din sana ang bilhin ko kay bunso kulay silver lang pero naubos na pala kaya ito nalang (second photo) maganda rin naman bagay kahit anong kulay ng damit :) Ito ang nabili ni mister na pang exchange gift ng girls namin. Siya na pinabili ko dahil busy ako kakapili ng sandal ni bunso at damit na susuotin sa Christmas party sa church. Sinabi ko nalang ang amount sa exchange gifts nila. Ang hirap din kasing mamili na magustuhan ng bata ang ibibigay 😄 Si bunso halagang 100 pesos at ang 150 pesos ang exchange gift amount. Sabi ko kay mister lagyan nalang din namin ng bente pesos na cash yung bagong bente para matuwa ang bata na makatanggap may pambili siyang kendi 😂 Late pa pagsundo sa mga estudyante kanina trapik kasi kaya napagalitan ako ng dalawa, why it take so long daw hahaha. Pag uwi galing magsundo naglalaba naman sa mga uniform nila dahil wala ng maisuot bukas buhay nanay nga naman 😅 Happy and Blessed Tuesday!

11 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.