Welcome to your New Home Fluff π Sobrang tuwa ng mga anak ko, kaninang pag uwi galing sa school may surprise ang daddy nila na bagong alagang kitten. Ang bunso ko ang nagbigay ng pangalan na Fluff dahil fluffy daw siya haha. Nasa 2 months mahigit na daw ang Siamese kitten na'to:) Ang alaga kasi nilang pusa dati na si Owen ay nasa kapitbahay na nakatira ayaw ng ibigay kaya nalulungkot mga anak ko lalo na si bunso dahil wala na silang pet. Ang hihilig talaga nila sa pusa. Naawa naman ang daddy nila kaya naghahanap ng mabibilhan na kitten, sabi ko nga kay mister maghanap nalang siya ng ligaw na pusa at yun nalang ampunin hahaha. May nakita akong post ni sis @Janrich akala ko binibenta dahil yun nalang bilhin namin hindi pala hehe sobrang cute kasi ng kitten niya at ang lusog hehe. May matatawag na talagang sariling kitten ang dalawang dalaga ko kaya sobrang tuwa nila. Parang may bagong baby kami nito dagdag budget at dagdag din sa aalagaan ko haha. Isipin ko nalang happy naman nga kiddos ko kaya happy na rin ako π nakakatuwa rin may alagang pet nakakatanggal ng stress :) Maambon ambon na hapon ngayon, stay safe ang lahat. Happy and blessed Monday everyone! #MyKidsNewPet #SiameseKitten
40 comments
Maamo naman siguro yan, baka mangalmot hehe. Maganda pa naman ang cat ni sis Janrich.
Oo nga sis maamo naman siya sinabihan ko nalang din mga anak ko mag ingat baka makalmot sila. Ang ganda nga ng pusa ni sis Janrich hindi raw binibenta tinanong ko ayaw ng mag ama niya sobrang cute naman kasi hehe. Gandang hapon sis!
Bakit ayaw na ibigay ng kapit bahay si owen sa inyu sis?
Hindi kasi sa amin yun sis pusang ligaw lang inampon namin tapos inangkin ng kapitbahay namin ayaw nalang namin makipag away kaya hinayaan nalang namin sa kanila.
Ah inangkin pala nila. Sige lang sis atleast yan ngayon si fluff wala ng pwedi mang angkin pa hihihi sa dalawang dalaga mo lang talaga yan
Tama sis, wala ng umangkin nito hehe. Kaya sobrang saya ng mga dalaga ko pangarap talaga nila magkaroon ng sariling pet :) Gandang gabi sis!
Tuwang tuwa nga sila makita ang bagong pet nila.
Ang cute Naman.
Tuwang tuwa nga mga bebe ko sa new pet nila.
Ay wow!may new fur baby na kayo sis.Ang cute kaya ng siamese kitten.Gusto ko nga pa breed din sa ganyan para magkaron ako himalayan.Yung eyes kasi nila tiyaka nose ang cutie.Playful pa yan baby pa kasi.May bago kana din aalagaan sis.Hello fluffy!
Sobrang saya ng mga anak ko sis sa new pet nila. Hindi daw pala ito pure Siamese sis ang mama lang daw, ang papa ay Persian daw hehe. Napakaplayful nga niya sis hehe. Ang bait din marunong ng umihi at magdumi sa litter box niya π
Cute ng pusa nyo sis...
Ang cute nga sis kaya sobrang tuwa mga anak ko sa new pet nila :)
Hang cute ni Fluffy bagay nga sa kanya name niya
Sobrang cute nga sis ang playful baby pa Kasi mabait din marunong ng gumamit litter box niya dun magdumi o ihi siya :)
amg cutie niya sissy .. parang kamukha ng dati kong pet na si snow
Ang cute nga sis,napakaplayful din kaya ito tulog napagod kakalaro hehe. Gandang gabi sis
wow ! looking good did. sana di makalat anag kitten na yan sa kanyang litter
Hindi naman magkalat sis, ito tulog na siya napagod kakalaro hehe
Mabuti nama kung hgnaun sis. Yung iba kasi dugyut
Oo nga sis , mabuti ito na train na siya alam na niya siya magdumi o umihi hindi na ako pinapahirapan hehe.
Yan nga ang importante sis.. Mahirap pag dugyut ang alaga. Ang hassle
Totoo sis, naapkahassle talaga, mabuti nalang itong new pet namin alam saan cr niya nakakatuwa hindi ako pinapahirapan :)
Oo nga sisnakakatuwanpag ganyn
May breeding ang new pet nyo sissy,lumipat na pla sa kapitbhay si owen nyo sissy ok lang yan at least happy sila sa new pet nila now at sosyalin pa hehe
Oo nga sis, sobrang saya ng dalawang makulit dito may sariling pet na sila hehe. Sosyalin nga sis, sabi ko maghanap nalang ng pusang ligaw at yun ampunin namin hehe ayaw naman nila. Pero mabait ito sis alam niya saan magdumi at ihi hehe.
Wow. Maganda yan at may pagkakaabalahan na naman. Nakakatuwa at nakakatanggal stress nga yan
Oo nga nakakatuwa siya parang may bagong baby kami dito sa bahay haha. Sobrang tuwa mga mga bebe girl ko hehe. Good morning!
Pwede magpaalaga din hehehhe
Tama na itong isang alagain wag ng dagdagan haha
Hahaha tutulong naman po sa gawaing bahay hahaha
Hahaha ang galing mangumbinsi lang hahaha
Hahahahaha. Para maalagaan din haahha
This is a cat right?
hala sayang naman si owen sissy bakit naman ayaw ibigay
Kaya nga sis nag aaway lang mga anak at itong batang kapitbahay namin kasi kapag papasok si Owen sa bahay kukunin siya ng bata. Kaya iiyak nalang itong bunso ko. Naawa ang daddy nila kaya bumili nalang talaga ng sariling pet :) magandang morning sis!
Ang cute naman sis ni muning Naku nkk good vibes tlg ng mg pusa sis llo na ganyang ka cute :) Enjoy na enjoy mga anak mo sis (sis nde pa den kita ma follow sa fb aigoo ππ)
Ang cutie nga niya sis napakaplayful din haha Kaya tuwang-tuwa mga anak ko sa kanya π parang may baby kami dito sa bahay sis π (Public ko nalang account ko sis π Hindi ko alam paano kasi kaya ipublic ko nalangπ)
Ang cute! Iba ang bahay kapag may pet may extrang kaligayahan
infairness may lahi hehe