read.cash Log in
@ruby0622

My Homemade Chicken Nuggets Isang mapagpalang umaga Noise app fam! Monday again, umpisa uli ng araw ng mga estudyante at mga nanay maghatid sundo sa school. Gumawa akong chicken nuggets pambaon ng mga estudyante ko. Naisip ko mas makatipid kung ako nalang gagawa ng nuggets pambaon kaysa bibili. Nung naggrocery kami nakaraan, isang maliit na pack lang nabili dahil wala yung flavor na gusto ng mga anak ko. Kaya ito naisipan na ako nalang gagawa tipid pa, gusto rin naman nila chicken nuggets na gawa ko 😁 Bumili lang akong chicken breast fillet binabad sa kalamansi, asin at paminta pagkatapos nilagyan ng breading mix. Ibabad naman sa binateng itlog at i-coat sa bread crumbs. Ito ang baon ng mga estudyante ko ngayon aabot siguro ito ng tatlo o apat araw na baunan dinamihan ko paggawa ilagay lang sa freezer :) Malapit na ang oras maghahatid sa mga estudyante ko asikasuhin ko muna baon nila at gamit nila. Balikan ko kayo mamaya :) #KidsLunch #Pilipinas

27 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.