read.cash Log in
@ruby0622

Our baby Fluffy πŸ˜„ Nakakatuwa na minsan maiinis ka rin dito sa alagang pet namin na si Fluff 😁 Parang may baby talaga ako dito sa bahay ang kulit niya. Ang Christmas tree namin inaakyatan niya Kaya naglaglagan na lahat ng nakasabit haha pinaglalaruan niya mga Christmas balls na nalaglag. Ayaw ko ng ayusin ganun din naman guguluhin ng makulit πŸ˜… Kung saan saan nalang siya umaakyat kaya naglaglagan mga nakadisplay :) Ang harot masyado lalo na sa gabi gising siya manggugulo sa aming higaan pinaglalaruan buhok namin πŸ˜„ Yung matutulog kana gusto pa makipaglaro sayo haha. Kapag umaga tulog naman siya tapos gising siya ng hapon. Alam niya uwian sa school ng girls ko nagigising siya siguro dahil maingay na uli ang bahay πŸ˜… Ang ganda ng higaan niya sa ibabaw talaga ng tablet hahaha. Happy and blessed weekend to us! #MyKidsPet #Pilipinas

35 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.