read.cash Log in
@ruby0622

Happy December 1st 😊 Pa-Throwback muna :) Ito yung time nagbakasyon kami ng mga anak ko sa probinsya nakaraang December doon kami nagpasko at bagong taon. Nagkasundo kaming magkakapatid na umuwi dahil kaarawan ng mama namin ng December 21 ang bunsong kapatid lang namin ang hindi nakauwi, kaya pito lang kami hehe walo kaming magkakapatid masaya raw kapag marami haha. Ang bilis talaga ng araw mag isang taon na pala itong bakasyon namin. Ang saya na malungkot para kay bunso itong swimming namin dito nasugat kasi siya sa talaba. Ang saya pa ng papunta dito sa dagat dahil nakasakay sila sa bangka hehe. Mabuti pauwi na kami bago nasugatan si bunso nag enjoy muna siya haha. Kaya ayaw na talagang bumalik ni bunso sa dagat na'to haha doon lang daw kami magswimming sa walang mangrove haha. Ang purpose kaya dito kami nagswimming para manguha ng shells naglalabasan kasi sila pagkatapos ng bagyong odette na dumaan dahil sa baha. Ang saya parin ng bakasyon namin mahigit isang buwan din kami sa probinsya daming adventure mga kiddos halos everyday swimming hahaha. Kahit walang kuryente ang bakasyon namin mahigit isang buwan sobrang enjoy parin mga kiddos sama-sama silang magpipinsan 😁 Hoping soon makapagbakasyon uli pero ayaw ko ng umuwi ng pasko hindi makagala palaging naulan hehe. Blessed Christmas month to us 😊

26 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.