read.cash Log in
@ruby0622

Pancake requested by bunso 😁 Blessed morning noise app fam! Nagrequest ang aking bunso ng pancake for breakfast, nagsawa na siguro sa itlog everyday haha. Ang aga pa nagising samantalang ang ate niya naghihilik pa 😁 Maaga rin akong nagising dahil maaga natulog kagabi ang sakit ng ulo ko kasi kaya hindi muna naggadyet at nagpahinga ng maaga. Thank you Lord, paggising maayos na ang pakiramdam ko, tulog lang pala ng maaga ang kailangan :) May Bible class mga anak ko mamayang alas nuwebe kaya aga gising ni bunso ayaw daw niya ma late hehe. Tuwang tuwa naman paggising niya nagluluto ako ng request niya na pancake. Ito maagang nanood bunso ko habang kumakain, nanood ng Bible stories. Ang bilis weekend na kaagad mabuti nakapaglaba ako nakaraang araw kaya pahinga sa labahin today :) Blessed Saturday everyone and enjoy 😊

36 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.