Payday Grocery
Mapagpalang hapon Noise fam!
Dahil walang pasok mga kiddos ngayong araw sumama na maggrocery. May important meeting daw mga teachers kaya walang pasok.
Akala mo ang daming bibilhin at tig isang cart pa sila haha. Nag aagawan magtulak sa cart kaya para walang away ayan tig isa na sila π
Namili lang ng mga kakailanganin sa isang kinsenas mabuti ng may stock para hindi rin bili ng bili sa tindahan lalo na snacks ng ate at bunso ko.
Sa Robinson kami namili mas gusto kasi ni mister mamili doon marami daw pagpilian, bumili rin kasi siya ng pang diet meal niya. Parang wala naman nangyayari sa pagdadiet niya hindi parin mapigilan kumain ng kumain hahaha. May mga ulam na binili yung veggie meat minsan lang ulamin hindi daw masarap haha. Nahirapan talaga siyang magdiet mahilig kasi kumain eh π
ito lang bisyo niya pagkain haha.
Kumusta ang weather sa inyo?dito makulimlim na maaraw magulo parin hehe pero mabuti nalang hindi umulan kahit papano makatuyo sa aking mga nilabhan :)
It's Friday again, kaybilis talaga ng arawπ Enjoy your day noisers and stay safe!
Baguio Trip 2018
Mahigit apat na taon na pala ang nakalipas nito, ang bilis talaga ng araw ang liliit pa ng mga prinsesa ko dito π
Ito ang unang beses namin nagbakasyon ng Baguio kasama ang mga kapatid, pamangkin at mama ko.
Lahat kami first time nakarating ng Baguio yung driver/may ari ng van na Tito ng hipag ko ang nag guide sa amin sa lugar na pupuntahan. Ang saya ng bakasyon kapag kasama ang pamilya.
Ang hirap lang magbyahe kasi mahihiluhin mga anak ko. Kaya laging dala ang plastic para hindi magkalat hehe. Nung nagbyahe kami nito alas diyes ng gabi mahigit kami umalis dito sa cavite tapos nakarating kami sa Baguio mahigit alas kwatro ng madaling araw, nagrenta lang ng van kapatid ko.
Nakatatlong araw din kaming nagstay dito para sulit nagrenta lang kami ng bahay. Nakakapagod rin maglilibot pero enjoy ang tatlong araw na bakasyon π
Hoping soon makabisita uli dito mas mag enjoy na siguro mga kiddos ko hehe.
Anong meryenda nyo diyan?pabago bago ang panahon sobrang init kaninang umaga tapos ngayong hapon biglang umulan at ngayon maaraw na uli, ang gulo niya π Ingat ang lahat.
Have a great and blessed Thursday!
#MyPrincesses
#BaguioVacay2018
#Pilipinas

Bunso First Quarter Exam Result
Kahapon pag uwi ni bunso binigay niya itong mga test paper result nakaraang periodical exam nila. Mabuti pinadala ng mga titser para makita rin ng parents yung sa eldest ko pinakita lang sa kanila pero hindi na pinadala dito sa bahay. Ang Kay bunso pinadala para din daw mapirmahan ng magulang. Ang ibang subject daw hindi pa binalik ng subject teacher nila.
Proud mom naman ako sa result ng exam ng mga estudyante ko matataas naman scores karamihan ng exam nila lalo na si bunso ko :) Sulit ang effort pagreview π
Ngayon lang nakabisita nagkusot kusot ng kaunting labahin nilabhan ko rin kasi mga uniporme ng mga estudyante ko. Maganda ang sikat ng araw ngayon kaya sinamantala ko na π
Lunch time na ang bilis ng oras, 2hrs nalang hintayin at magsusundo na naman sa mga estudyante ko.
#MyYoungestExamResult
#ProudMom
#GloryToGod
Unitop Store mini shopping
NakarΓ ang araw pa ito na ganap kasama ang mga biyenan ko, napasama na rin kaming pumunta sa Unitop dahil bibili sana ng lenolyum pero iba naman ang nabili namin π
Itong dalawang anak ko picture daw muna sila :) ang ganda naman kasi ng background nila paskong pasko na.
Si eldest ko namili na naman ng sandals at hindi talaga binitiwan kaya walang nagawa ang daddy kundi bilhin nalang hehe. Ang hilig talaga niya sa sandal na may takong, sabi ko yung silver nalang para bagay kahit anong dress niya, pero hindi talaga pumayag dahil pink daw talaga ang gusto niya. Ang girly talaga nitong panganay ko, ang hilig sa sandal na may takong, si bunso naman rubber shoes ang gusto haha. Ayan dalawang sandals sa ate parehas pink at kay bunso naman ang kulay cream mga rubber mga yan mura lang din nasa 88 lang kaya binili ko na maganda rin naman :) Ang may takong lang na sandal ang medyo mahal.
Nakuhanan pala ni hubby ang eclipse kanina akala namin hindi magpakita. Ang pangit lang ng camera ko kaya hindi maganda ang kuha ng litrato pagtiyagaan nyo na haha. Tiyak maraming magshare ng lunar eclipse ngayon hehe.
Mapagpalang gabi sa ating lahat π
Blessed morning noisers, share ko lang itong panganay ko na tuwang tuwa sa whole mirror na salamin at feeling baby parin talagang pinagkasya ang sarili sa laruan na sasakyan hehe.
Ito yung time pumunta kaming Unitop nakaraang araw, tuwang-tuwa siya daming salamin mahilig kasi talaga siyang manalamin π dito sa bahay half body lang ang salamin kaya sobrang tuwa dito sa store daming whole mirror hehe. Ang bunso ko walang hilig manalamin haha kikay lang din itong eldest ko gusto nakaayos o maganda siya, si bunso ko naman boyish lang walang pakialam sa ayos niya haha.
Ang ganda rin dito sa Unitop dami kang mapipili na bibilhin sobrang laki ng store. Balik nalang dito kapag marami ng budget yun lang kulang eh :)
Happy and Blessed Tuesday!
#MyEldest
#UnitopStore
#Pilipinas
Meryenda/Dinner
Nagpadeliver na naman itong asawa ko magugulat Ka nalang may dadating :) Katwiran niya gusto daw ng mga anak niya kaya nagpadeliver siya pero ang totoo siya yata talaga ang may gusto haha.
Ito na ang hapunan ko meryenda kasamang dinner na para tipid π Si panganay ko naman nagustuhan ang pansit, ito na rin daw ulam niya mamayang hapunan hehe. Feeling chinese/Korean itong eldest ko ang hilig gumamit ng chopstick haha parehas sila ng daddy niya. Ako hindi talaga marunong gumamit niyan π
ayaw ko na pahirapan sarili ko magkasundo rin kami ni bunso hehe.
Ang sarap na ng pansit sa chowking parang huling kain ko dati hindi pa ganito kasarap naaalatan ako sa lasa. Pero ngayon ang sarap na at malasa maraming gulay rin at sahog kaya sulit na sulit.
Kumusta ang maghapon nyo?
Back to School
Natapos na ang mahabang bakasyon kaya pasukan na uli ng aking mga estudyante. Umpisa na ngayong araw ang full face to face kaya sasabak na mga estudyante sa araw araw na pasok sa school kasali rin tayong mga nanay maghatid sundo sa ating mga estudyante :)
Mabuti nalang inagahan namin ang pag alis kanina 15 minutes before 10am papuntang school hindi late mga anak ko. Pahirapan na kasing sumakay ngayon sa daming estudyante na papasok lahat nagsipasukan na sa school wala ng set A o set B na schedule. Hindi naman pwede maglakad mga anak ko sobrang tirik ang araw baka ligo na sa pawis pagdating ng room.
Back to normal na talaga ang sitwasyon siksikan na sa loob ng room uli mga estudyante wala ng distancing.
Sobrang hot ang weather ngayon :) Happy and Blessed Monday noise app fam!
Blessed Sunday Noise app fam!
Ito ang ganap namin ngayon araw, bumili ang aking mga biyenan ng foam at tela para sa kanilang furniture shop na gagamitin. Mas mura kasi dito dahil supplier ng uratex foam kaya dito sila bumibili.
Biglang dumating kagabi mga biyenan ko kaya hindi nakagamit ng selpon nakakahiya naman kasing panay dotdot habang nandiyan sila pakitang gilas din kasi minsan lang sila makauwi dito sa bahay π
Kaninang umaga, after ng breakfast umalis na kami para sa kanilang bibilhin na tela at foam. Sumama na kami sa kanila kasi pagkatapos nilang mamili punta daw kami sa Unitop mas mura at maraming mapipili na gamit doon plano ko kasing bumili ng linoleum. Bibili din daw sila ng shirt para ipamigay sa mga workers nila sa shop sa darating na pasko.
First time ko talagang makapunta ng Unitop marami ngang mapipili sa dami ng display yung budget mo lang talaga ang kulang hahaha at sobrang laki rin pala ng lugar. Kahit medyo malapit lang ito sa amin kanina lang talaga nakapasyal doon :)
Nakakapagod ang magbyahe at maglilibot alas tres mahigit na kami nakauwi dito sa bahay hinatid lang kami ng mga biyenan ko at umuwi na kaagad sila sa Tagaytay.
Anong ganap nyo today?hope nag enjoy kayo this weekend bukas pusakan na uli sa eskwela at trabaho kaya sobrang abala na naman :)
Kids Bible Class
Ito yung ganap kaninang umaga, tuwing Sabado may Bible class/study ang mga children sa church. Tamang-tama natapos ang paglalaba ko kanina ng alas otso mahigit nagkoko crunch nalang dalawang anak ko sa breakfast mabuti may natirang Koko crunch sakto sa breakfast nila. Inalok ko sa froot loops ayaw dahil may Koko crunch pa naman siguro kakainin rin nila itong froot loops kapag wala ng ibang choice kung hindi ako talaga kakain nitoπ
Alas nuwebe ang umpisa ng Bible class kaya tama lang hindi late mga estudyante π mabuti nalang behave mga bulilit na binabantayan ko kanina sa church hindi pinahirapan ang nagbabantay alam siguro nilang pagod ako haha.
Ito yung meryenda nila kanina biskwit at yakult. Pagkatapos kumain ng meryenda pahinga saglit at naglalaro na mga bata habang hinihintay ang mga susundo sa kanila.
Sobrang nag enjoy sa paglalaro pati mga anak ko halos ayaw ng umuwi maglalaro pa daw sila :)
Makulimlim ang hapon ngayon mabuti nalang hindi umulan hindi kagaya mga nakaraang araw na pagsapit ng hapon umuulan.
Kumusta ang maghapon noise app fam nakapagmeryenda naba? Kami biskwit at tubig lang busog naman naπ
#KidsBibleStudy
#BlessedSaturday
#ForGod'sGlory
Early Laundry
Blessed morning noise.app fam!
Kapag Sabado halos lahat laba dami ang mga ina ng tahanan. Ngayon lang uli ako nakapaglaba ng Sabado, tuwing Sabado kasi may Bible class mga anak ko sa church kaya binago ko araw ng paglalaba dahil nag aassist o nagbabantay rin sa mga kabataan sa klase, tambak na ang labahin kaya hindi pwedeng ipagpabukas at lalong matambakan.
Kaya ngayon inagahan ko na paglalaba siguro tapos na ako nito ng alas nuwebe :)
Habang nagpapaikot ng labahin nagkakape rin para mainitan ang tiyan mamaya kaunti magbabanlaw na.
Hoping wag umulan ngayong araw sa tuwing hapon pa naman naulan dito sa amin.
Ang lamig ng umaga, dama mo na paskong nalalapit kaylamig ng simoy ng hangin :)
Happy and Blessed weekend sa ating lahat! Stay safe all.
#LaundryDay
Rainy Afternoon again
Sobrang tirik ang araw kaninang umaga tapos ngayon maulan na naman kahapon at nakaraang araw ganito rin ang weather pagsapit ng hapon kaya dapat nakaready palagi sa tuwing aalis ng bahay.
Hinatid ko ang pinsan ko sa sakayan papuntang Batangas hindi niya kabisado ang sakayan Kaya hinatid ko na para hindi maligaw ngayon lang siya nakarating ng cavite galing siyang Gensan at nagwork dito.
Hanggang gabi na naman ito paulan ulan pero maganda rin naman ganito ang weather medyo tipid sa kuryente hindi magrequest ng AC ang mga bata dahil malamig naman ang panahon :)
Anong weather update sa inyo?maulan din ba...Stay safe ang lahat.
Hawak kamay π
Blessed morning to all, Friday na kaagad kaybilis ng araw :) weekend again! Thank you Lord for today and everyday!
Ang cute lang tingnan ng dalawa sobrang sweet magkahawak kamay pa hehe. Ito yung time na nagjogging kaming maaga kasama si mister hindi na uli naulit night shift na Kasi ang work time ni mister. Gustong-gusto ng dalawang anak ko magjogging Kami, pagkatapos kasi ng jogging diretso sa mcdo magtake out katapat lang kasi kung saan kami nagjojogging. Kaya hindi rin maganda kasi napapagastos ka haha.
Sa gawaing bahay nalang talaga exercise ko at hatid sundo sa mga bata :) Pero nakakamiss rin ganito maagang nagpapawis kasama ang pamilya bonding time rin namin.
Sobrang abala ko kahapon dumating yung pinsan ko galing Gensan mahigit dekada rin kaming hindi nagkita Kaya daming tsika hehe. Hindi tuloy nakasilip dito bawi ako today :) Ako'y maghahanda muna ng aming almusal na masarap hehe ganyan tayo eh kapag may bisita dapat masarap nakahain kapag kami kami lang back to normal uli haha.
#SistersSweetMoment
#Jogging
#ThrowbackMemories
#Pilipinas
My Hometown Province
Nakabidyo call kami kanina ng kapatid ko sa probinsya. Siya ang naiwan sa mama namin sa probinsya may asawa na rin pero sa bahay namin siya nkatira dahil walang kasama si mama. Nakakatuwa kasi pwede na kami magbidyo call dati kasi halos walang signal talaga mahagilap kahit yung selpon nun na de antenna pahirapan talaga hehe.
Nasa tabing ilog siya nakatambay sa waiting shed ng Tito namin, malapit lang din sa bahay namin dahil malakas daw ang signal. Sa bahay namin meron narin pero hindi ganun kalakas ang signal kaya dito yung kapatid ko tumatambay sa waiting shed tabing ilog. May peso net na din sa katapat ng bahay namin tawid ng ilog yun din madalas gamit ng kapatid ko para makapag internet.
Namiss ko ang probinsya namin kaya sabi ko sa kapatid ko magpicture siya sa paligid kaya yung ilog at ang munting palayan namin ang kinuhaan niya :) Wala na palang tanim na palay nung April pa sila nagharvest sayang walang tanim hindi na nila maasikaso taniman. Tuwing December o Enero lang tanim namin ng palay once a year wala kasing irrigation Kaya umaasa lang kami sa ulan o rainy season lang makapagtanim ng palay.
Makulimlim uli ang weather pero sobrang init kaninang umaga baka uulan na naman ito mamayang hapon. Anong lunch recipe natin siguro nakapagluto na ang iba, ako'y nagluluto pa lang :)
Happy and Blessed Thursday!
#Province
#Surigao
#Pilipinas

Diet Dinner π
Ito ang hapunan namin ni mister lettuce at meat semi samgyup daw haha wala nga lang side dish itong kulay pula lang na parang bagoong pasensya na hindi ko alam ang pangalan hindi ko mabasa haha. Tingnan nyo nalang pangalawang photo π ang hirap basahin diba π
Ang dalawang chikiting lang nagkanin sila tapos ito ang ulam. Bumili si mister kanina ng pork strip sa meatshop tinimplahan lang niya ng kaunting asin at paminta tapos grilled.
Itong lettuce nakaraan pa ito binili kaya sabi ko kainin na baka masira kung ma stock sa fridge sayang ang mahal pa naman.
Late post na ako tulog na yata ang ibang noisers :)
#Dinner
#GrilledPorkStrip
Froot Loops
Isang maulan uli ang hapon dito sa amin akala ko kanina tuloy tuloy na ang ganda ng panahon. Ang ganda kasi ng sikat ng araw kaninang umaga yun pala ay prank lang haha.
Ito pala ang meryenda ng ate at bunso ko furit loops binili ng daddy nila. Nagtry si mister bumili ng froot loops kapalit ng Koko crunch. Ang laki pa ng binili niya para maiba naman daw matikman din ito ng mga bata. Pero ayaw ng dalawang maarte na bata hindi raw nila gusto mas masarap daw ang Koko crunch π
Ang laki pa naman ng binili ng daddy nila hindi pala magustuhan ng mga kids wala rin daw kasi maliit na pack nito :) Ako nalang kakain nito kung ayaw nila haha.
Happy afternoon π
#AfternoonSnack
Walang Pasok
Ang tuwa na naman ng mga estudyante dahil naextend ang long weekend, next week pa ang pasok uli. Siguro hindi lang mga bata natuwa na walang pasok pati na rin mga nanay isa na yata ako doon haha. Mahaba-habang bakasyon ng mga estudyante pati na rin mga nanay pahinga sa paghatid at sundo sa mga anak :)
Kagabi ito sinend sa GC, nagremind na rin adviser ni bunso na magpraktis sa pagbasa at pagsulat ang mga bata habang mahaba ang bakasyon. At ganun din sa basic health protocols, umpisa next week full face to face na sila araw-araw na ang pasok. Kahit marunong na magbasa mga anak ko kapag wala na silang ginagawa pinapabasa ko palagi sa ingles at tagalog para masanay at dapat naintindihan din ang kanilang binabasa kasi may question and answer kami pagkatapos magbasa π
Happy and Blessed morning noise.app fam π
#NoClasses
#Cavite
#Pilipinas
New Profile Pic :)
Dahil first day of the month, naisipan kong baguhin aking profile picture :) Para bago naman sa inyong paningin haha.
Ito yung time na kasal ng aking in-law kasagsagan ng pandemic nakaraang 2020 ng June ginanap sa Tagaytay. Medyo payat pa ako dito ngayon hindi na kasya ang damit na'to sa akin haha. Mahilig pa ako nun mag exercise pinaghandaan rin ang kasal para seksi naman tingnan haha.
Siguro ngayon na everyday pasok na mga estudyante ko mabawasan na si bilbil π
Ang bilis ng oras hapunan na naman :)
Paulan ulan talaga buong araw pasilip silip lang si haring araw magtatago kaagad π
Masayang gabi sa ating lahat!
#UpdateProfilePicture
Full face to face
Nagremind ang teacher ng aking bunso starting bukas full face to face na mga estudyante. Magkakagulo na mga estudyante nito at wala ng distancing dahil sama-sama na ang set A at set B tuloy na talaga ang everyday pasok sa school.
Kaya everyday na rin ang aking walking exercise nito hehe. Pag uwi maghatid at papuntang magsundo sa school lakad lang para tipid pamasahe kung sisipagin mga estudyante ko lakad lang din sa uwian nila :) Siguro mabawas bawasan na kabilbilan nito lunes hanggang biyernes walking hehe.
Medyo nagpakita na si haring araw ngayon pero parang ayaw ko pa rin ilabas mga sinampay ko baka pagurin ko lang sarili ko kapag biglang umulan kaya stay nalang sa loob ng bahay.
Kumusta ang weather sa inyo?
Simpleng Agahan :)
May naglalako kahapon nitong kamote kaya napabili dahil plano ko itong agahan ngayon Kaya ayan na natupad na rin ang aking hiling na breakfast :) laking probinsya ako Kaya masaya ako sa ganitong mga simpleng almusal lang. Nagtimpla na rin ng black coffee partner sa aking kamote :) Kaya kapag bumili kami ng kape hindi 3in1 dahil ko gusto rin ganito lang walang creamer pero si mister hindi niya type walang creamer hindi raw masarap. Mas masugar din kasi ang 3in1 kaya mas maganda ikaw magtimpla para bawas asukal hehe.
Isang maulan ulan na morning ngayon kaya ang aking nilabhan kahapon hindi ko mailabas. Hindi nakatuyo kahapon dahil paulan ulan pagsapit ng hapon. Mabuti nakabili na si mister nung foldable sampayan hirap kapag naulan walang masampayan sa loob ng bahay kung saan saan lang nakasabit hehe.
Isang mapagpalang umaga sa ating lahat.
3 R's Task
Sobrang busy today, pagkatapos ng laba dami kaninang umaga nag assist naman dito sa dalawang estudyante ko. Medyo marami pa pala silang hindi nagawa na activities sa LMS tapos yung iba performance task kaya tatagal ka talaga kapag bidyo ang gagawin. Naging abala kasi sa exam nakaraang linggo kaya na pending mga activities hindi sila nakasagot.
Itong 3 R's na task ni panganay mabuti pictures lang hiningi ni titser at hindi bidyo. Start na kasi ng kanilang second quarter kaya dapat natapos na rin mga activities o performance tasks sa first quarter.
Ako'y napagod dito sa dalawang estudyante ko sabi kasi nila kaunti nalang daw pending nila tapos nung double check ko medyo marami pa pala. Inaasar tuloy ako ni mister kapag tumaas boses ko dito sa dalawang makulit, sabi sa dalawang anak namin wag daw ako galitin, stress daw ako dahil hindi nakababad dito sa noise π mapang asar lang kahit totoo naman hahaha.
May time na uli magbabad dito :)
Blessed morning!
Habang naghihintay sa nakasalang na labahan. Ako'y magkape muna. Hindi pa nagpakita si haring araw hoping makisama si weather ngayon para makatuyo ako sa mga nilabhan.
Ito yung final laba ko, partial lang yung nilabhan ko kahapon hehe pinaikot ni mister kaninang maaga habang hindi siya busy sa work niya. Ito yung maganda kapag work from home siya nakakatulong pa siya sa akin kapag hindi busy :) at syempre tipid pamasahe at baon na rin.
Magbabanlaw muna ako muli tapos na ang pinaikot para ako'y matapos rin ng maaga :)
Happy and Blessed Monday sa ating lahat.
Emergency Lamp
Share ko lang itong binili ni mister kahapon na emergency lamp. Nagpaalam na may bibilhin daw siya sabi ko wag ng umalis at medyo malakas ang ulan at hangin pero tigas ng ulo umalis talaga dahil importante daw bibilhin niya.
Pagbalik ito ang bitbit, ito pala ang binili kaya sumugod sa ulan at hangin. Kaya sabi ko ang mahal yata niyan dapat kandila nalang binili mo haha. Alam naman tayong mga ilaw ng tahanan matipid tayo. Kung gaano ako katipid kabaliktaran dito sa mister ko galit yata sa pera ayaw magkeep :)
Sabi ko pang malaking bahay lang kasi ang ganyan ilaw maliit lang naman bahay natin haha. Huwag na daw ako magreklamo dahil magagamit naman din namin ito para daw kahit brown out parang mag ilaw parin bahay namin diba ang galing ng rason hehe.
Hindi rin namin nagamit ito kagabi dahil awa ng Diyos hindi naman nawalan ng kuryente mabuti nalang kasi may work from si mister.
Hope you enjoy your weekend noise.app fam :) Blessed Sunday.
#EmergencyRechargeableLamp
Partial laba
Medyo may araw na nagpakita ngayon pero ang bilis din magbago aambon na naman siya.
Tambak na ang labahin kaya unahin ko na yung mga kukusutin lang mga uniporme ng mga estudyante ko sama na rin ibang damit na hindi masyadong madumi mabawasan man lang labahin ko bukas.
Ito ay partial pa lang, bukas na talaga ang totoong labahin haha agahan ko nalang bukas para makapagsampay ng maaga rin :)
Ang daming linisin sa aming kusina kailangan magmop sa mga kasulok-sulukan ang hirap din daming gamit kailangan ilipat para maayos paglinis.
Habang nakababad ang aking labahin, ako'y babad din muna dito at makipagchismisan i mean makipagkumustahan sa inyo haha.
Kumusta kayong lahat okay na rin ba panahon diyan sa inyo?
Kumusta ang lahat sa inyong lugar hope safe kayong lahat. Grabe ang lakas ng hangin at ulan ngayon dito sa amin talagang ramdam mo bagyo kung kailan gabi na saka mas lumakas pa. Mabuti hindi bahain dito sa lugar namin pero dito sa loob ng bahay namin sa kusina kung hindi mo bantayan babaha talaga ang daming tulo dumadaan sa wall kaya hirap magsahod. Kailangan bantayan mga nakasahod na batya at sabayan ng mop palagi ang sahig para hindi stock at dadami ang tubig.
Ito pala yung nasa probinsya kami nagbakasyon nakaraang december na binagyo din lugar namin.
Ang bahay namin yung sa likod ng kalabaw kulay blue ang bubong at sa tito ko naman ang kulay pula na bubong. Ganyan bahay namin sa probinsya nasa gitna ng palayan at katabi diyan ilog sa likod ng nipa hut. Malayo din ang mga kapitbahay kaya ang tahimik lalo na kung gabi :)
Tuwang-tuwa lang diyan mga chikiting kakalaro habang naghihintay kami ng tricycle papunta kaming dagat ng oras na yan kaya nakapangswimming attire na sila pero bago makarating ng dagat nagtampisaw na mga makukulit diyan haha. Naranasan namin pala maligo dito nung pagkatapos ng bagyo walang linya ng tubig mabuti hindi kami nangati lalo na mga anak ko haha. Nung bumagyo pala sa lugar namin, ilog na ang paligid ng bahay dahil sa baha wala ka ng makikita na daan dito. Mabuti hindi pumasok sa bahay namin ang baha.
Hoping and praying umalis na si paeng ang dami na niyang napinsala. Nakakalungkot ang nakikita mo sa social media dulot ng bagyo :( Mag iingat po tayong lahat at patuloy na manalangin. God is our Protector and comforter!

Scrabble Playtime
Ayaw matulog ng dalawang anak ko ang tagal kasi nilang nagising kaninang umaga napasarap ang tulog malamig ang panhon. Kaya ngayon scrabble nalang sila namiss daw nilang maglaro nito ngayon lang uli sila nakapaglaro dahil naging busy sa mga activities nila sa school at exam :)
Hindi na sila nakaligo nawalan ng tubig kaninang umaga pa mabuti nakapag ipon na ako ng tubig. Sabi ko malamig naman wag ng maligo bukas nalang kung may tubig na hehe.
Kapag may bagyo nawawalan talaga ng tubig dito sa lugar namin kaya nag iipon na kami. Lumakas ang ulan at hangin umpisa kaninang umaga mabuti ngayon humina hoping magtuloy tuloy at tuluyang umalis na ang bagyo.
Patuloy nating ipagpray ang mga kababayan na masyadong naapektuhan ng bagyo. Keep safe all. Let's all pray together.
#SistersBonding
#PaengSignalNumber3
Oatmeal for Breakfast!
Ito muna ang breakfast for today oatmeal diet muna si inday :)
Kagigising lang, nag alarm ako ng alas kwatro dahil gusto kong gumising ng maaga pero super antok pa kaya balik tulog lang. Sobrang lamig ni weather kaya sarap matulog, paggising ko ang akala ko alas singko pa lang yun pala 7:30am na ang dilim kasi ng panahon.
Nag umpisa ng humangin at mahina na rin ang tubig paggising ko kaya nag ipon na baka mawalan, yun pa naman mahirap mawalan ng tubig.
Mabuti nalang itong si mister work from home pinayagan ng boss niya, dapat sa workplace siya kagabi magduty. Naintindihan naman ng boss niya dahil malakas na ang ulan kagabi pa lang signal no. 2 na dito sa amin. Mabuti nalang talaga mabantayan din ni mister itong kusina naming tumutulo. Ang hirap pa kasi sa wall ang tulo ng tubig kaya nagtape ako ng plastic para doon dumaloy ang tubig tapos nakasahod ang batya.
Pero thankful kasi ganito lang, walang wala sa pinagdaanan ng mga nawalan ng tahanan dahil naanod sa baha o yung iba baha ang buong bahay nila. Kaya let's pray sa mga kababayan natin na apektado ng bagyong paeng lalo na sa mga bahain na lugar. Prayer is the powerful weapon sa panahon ngayon.
Blessed morning noise.app family! Keep safe tayong lahat. God Bless and Protect us all!
Class Suspended
Nagmessage sa GC kanina bago mag ala una ang mga adviser ng anak ko na suspended daw ang pasok. Ang panganay ko pinapasundo ng adviser ng ala una hindi na pinatapos ang exam sabi ng panganay ko MAPEH nalang daw ang hindi nila na take na exam next week nalang daw. Ang bunso ko ala una medya na pinasundo ni titser dahil pinatapos ang exam. Kaya sinundo ko sila ng 1:15pm sa pagitan ng out nila hehe.
Mabuti nalang pagsundo ko walang ulan ambon ambon lang himala nagyaya pa bunso ko na maglakad lang daw kami pauwi pabor naman sa akin yun nakatipid ako hehe. Hindi naman ganun kalayo ng school sa bahay keri lang lakarin madalas lang talaga tinatamad maglakad mga anak ko hehe. Naaawa rin naman ako kapag naglakad pagod na sa klase nila pero dahil sila naman nagyaya kanina pagbigyan pabor sa akin hindi nagamit ang budget ko na pamasahe hehe pambili nalang namin ng meryenda.
Mabuti nalang nasuspended ang pasok pagkauwi namin mamaya kaunti malakas na ang ulan hanggang ngayon malakas parin.
Dahil tapos na exam relax na mga chikiting nood nood nalang hehe

Rainy
Nag umpisa ng umulan dito sa lugar namin. Nakapananghalian naba lahat kami tirang ulam kahapon na adobo ang ulam, magluto nalang siguro ng spicy noodles para my sabaw, mas masarap humigop ng spicy ngayon maulan. Kapag ganito ang panahon masarap kumain at manood ng movie habang nakahiga haha.
Hoping walang ulan mamaya pagsundo ko sa dalawang anak ko. Kumusta kaya ang exam nila ngayon hope so nakasagot ng tama hindi nakalimutan mga ni-review :) naalala ko yung nabasa ko sa post ni sis @peechay na parang nagtake lang ng board exam ang mga anak sa sobrang kabado sa exam nila haha.
Parang mas kabado pa ang mga nanay kaysa mga anak na mag exam haha.
Magluto muna akong noodles hehe. Stay safe all :)
Blessed and Happy Friday!
My Girls Lunch
Blessed morning noise.app fam!
Last day of exam ng mga estudyante ko ngayon, ayaw nilang magbaon ng kanin. Nagrequest kagabi na sandwich nalang baon nila for lunch kasi may soup naman daw sa school. Kaunting oras lang daw lunch break nila kaya sandwich nalang para mabilis kainin tapos soup busog na daw sila niyan. Pinabaunan ko na rin ng mga biskwit. Pakainin nalang mamaya ng kanin pag uwi.
Tig dalawang sandwich sila, isang ham & cheese at ham & egg mabubusog na rin siguro sila niyan. Itong bunso ko yung bread niya pinatoasted pa Kaya ininit ko nalang saglit sa air fryer naisip ko baka tumigas mamaya ang bread dahil malamig, masarap kasi kung mainit crunchy.
Makulimlim ang panahon parang babagsak na ang ulan hoping hindi kami abutan ng ulan paghatid ko sa dalawang anak ko. Mag iingat tayong lahat lalo na sa mga apektado ni paeng.
My Twinnie Princesses
Pa-Throwback muna sa aking mga prinsesa :) sobrang busy buong araw kaya ngayon lang nakasilip. Hindi ako makapagconcentrate kanina sa pagreview sa mga chikiting ko dahil sa hindi magandang balita na aking natanggap masakit sa kalooban. Pinipilit kong wag isipin pero hindi mapigilan huhu.
Sa oras na ganito ang ating mga anak ang nagbibigay saya sa tuwing tayo'y malungkot. Sa kanilang ngiti ikaw rin ay napapangiti. Napapaemote tuloy ako, pagpasensyahan nyo na minsan lang naman haha.
Mahigit dalawang na pala nakalipas sa picture na'to ng mga dalaginding ko :) reunion ito ng pamilya ng aking biyenan na babae nag overnight sa isang resort sa Tagaytay. Hindi mawawala ang mga apo dapat present sila hehe. Sila pa lang kasi ang mga apo ng aking mga biyenan kaya spoiled din yan sila sa Lola nila :)