Fluff vitamins/first Deworm Kaninang uwian sa school dinala sa clinic ang pet namin na si Fluff, gusto kasi nilang sumama sa daddy nila pagpunta sa veterinary clinic, para magpadeworm. Ito ang unang beses ng deworming ni Fluff :) Hindi na ako sumama sa kanila dahil marami rin akong tinatapos na gagawin Kaya walang picture sa loob ng clinic π Ang gastos pala ng may pet haha wala akong magawa kasi gusto ng mag-aama ko lalo na ang bunso kong napakahilig sa pusa π Itong si Fluff kitty na ang bunso namin sa pamilya haha. Ayaw ng bunso kong anak na magkaroon ng kapatid kasi hindi na raw siya ang bunso, pero pumapayag siya na itong si Fluff ang bunso namin at tinatawag pa niya na bunso sa tuwing hinahanap niya π Binigyan siya ng vitamins at gamot sa tainga dahil may ear mites daw yun ang sabi ng vet doctor. Ang akala ko Persian ang father ng pet namin Himalayan pala ang gulo kausap ni mister ko haha, ang mother lang niya ang Siamese. Nadagdagan ngayon ang bibilhan ko ng vitamins hindi lang ang girls ko π Happy and Blessed Monday everyone! #FluffKittyVitamins #MyKidsPet
21 comments
Wow may vitamins c fluff.
May bibilhan akong dagdag vitamins sis haha
Magastos talaga sis pag may pet hihi pero ok lang nakakatuwa naman sila.Kami na lang din nag deworm sa kanila yung kumpare kasi namin yun nagtuturo samin kong ano mga gagawin namin para iwas nadin sa gastos.
Kaya nga sis, magastos pero totoo nakakatuwa naman sila. Mabuti sis may kakilala kayo na marunong magdeworm nakatipid din :)
Buti nlng sis ndi ngaaral Ang iyong bunso kundi sobrang gastos p nyan pag lumaki. Pero mas Mahal Ang gatas nyan ah. Hehehe
Nag-aaral na rin bunso ko sis hehe. Hindi naman umiinom ng gatas ang kitten namin sis :) Gandang gabi sis.
Si hipag may vitamins din tas sinanay nyang magpupu sa catlitter tas pinakapon nya may sarili din minsa hahaluan nya ng gulay walang alat mahirap pagnasanay sa lasa baka hanap-hanapin para hindi ma UTI magastos talaga para kang nag-alaga ng anak.
Sanay naman din ito sis magdumi sa litter box niya kaya hindi ako nahirapan hehe. Kaya nga sis maganda may gulay at walang lasa na pagkain niya. Para talagang may baby kami sis haha
Ganyan talaga magastos ahaha parang nagasawa ka hindi puro sarap dahil may kaakibat na responsibilidad geh sis good night:)
Kaya nga sis, ito ang bunso namin sis any kulit tinago ko na Christmas tree namin inaakyatan niya haha trip niyang paglaruan mga Christmas balls nakasabit parang may bebe kami na makulit sa bahay haha. Good night sis.
Paano malalaman kapag may ear mites sis?
Magcheck up kasi siya ng vet doctor kanina sis ayun nakita kaya pinabilhan ng gamot. Gandang gabi sis.
You wanna deworm your dog right? Thatβs cool
Its a kitten friend, her first Deworm :) Have a great day!
Kaya pass muna ako sa pets tlga sis ksi parang tao din yan na di mo pwede pabayaan. Magastos Ako dati ksi dlawa aso ko. Japanese phitz at askal.
Gustong-gusto talaga ng mag-aama ko sis pet lovers sila lalo na bunso ko hehe. Kaya kahit magastos pagbigyan sa kanilang hiling π maayong gabii diha sis!
kya kmi hangang aspin at pusakal lang eh hahha
Kung ako lang masusunod sis yun din ang gusto para walang gastos haha.
kya nga eh. di pa maselan sa food heheh
Masaya ang mga kids mo niyan, mate, kasi pareho silang mahilig sa pusa. Hehe! Kita ko sa mga post mo sa noise noon.π
Kaya nga sis, ang hihilig talaga nila sa pusa gusto niya kargahin palagi ang pusa. Kaya lagi naming napagsabihan na wag laging buhatin kasi mamayat ang kitten.