read.cash Log in
@ruby0622

Blessed New Year 2023 Napakasaya ng new year ng girls ko rich na daw sila hahaha madami daw silang natanggap na pamasko 😅 Every new year sama-sama kasi ang relatives ng biyenan kong babae at may mga palaro at namimigay ng cash na pamasko ang mg tiyuhin at tiyahin ng husband ko. Ginanap ang new year namin sa isang resort sa Tagaytay at dun na rin nag overnight kinabukasan na kami umuwi. Hindi namin nakasama si mister dahil may pasok parin siya kahit bagong taon pero work from home lang naman kaya okay na rin hindi lang namin siya nakasama sa celebration dahil wala naman maayos internet connection sa resort. Alas kwatro ng hapon nandun na kami sa venue kaya nakapagswimming pa ang dalawang girls ko kasama ang pinsan nila. Kahit malamig ang panahon hindi magpapapigil sa swimming kaya pinagbigyan ko pero isang oras lang ayaw pumayag ng 30 mins lang 😅 How's everyone, it's been a long time akong hindi nakabisita dito. Hope you have all a blessed and happy new year! #NewYear2023 #TagaytayManhansResort #Pilipinas

16 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.