Saturday Bible Class Ito ang kaganapan kaninang umaga sa church, may activity pinagawa ang titser. Pinakulayan ang mga armor of God(Ephesians 6:14-17) na drawing at pagkatapos gugupitin ikabit sa katawan ng tao na kinulayan din nila :) Sobrang nag enjoy mga bata sa activity pagandahan ng kulay hehe. Pagkatapos ng klase, tuwang tuwa din sa kanilang meryenda may tinapay, hotdog at itlog ng pugo kinulang pa sa kanila ang serving kaya nanghingi pa haha. Natapos ng alas onse ang Bible class, at bumili ako ng lulutuin nagrequest mga anak ko tinolang manok daw, mas mura ang papaya kaysa sayote Kaya dun ako sa mas mura hehe mas gusto ko rin papaya itong asawa ko lang mas gusto sayote pero dahil ako magluluto kaya ako ang masusunod hahaha. At syempre mas masarap ang tinolang manok kapag may malunggay sayang namatay ang tanim ko na tanglad pambango din sana yun sa tinola. Natagalan ako maghimay ng malunggay halos isa isahin ko kasi pagtanggal sa tangkay niya maarte lang haha. Nakakain naba ang lahat? Enjoy your weekend noise app fam 😊 #KidsBibleClass #LunchTime #Pilipinas
22 comments
Naalala ko noon nag attend din ko ng Sunday school. May iba't ibang activities kami na ginagawa sa church.
Maganda talaga bata pa lang ma train na mga kabataan sa pakikinig ng Word of God.
Good afternoon.
Mapagpalang hapon din :)
Mainam ung may ganyang aktibidad na ginagwa ng mg bata malaking bagay yan para maging pokus din sila sa religious activity
Totoo yan, maganda habang bata pa lang ma train na sila sa pakikinig ng Word of God. Maging gabay sa kanilang paglaki.
You are a teacher my dear friend? Wao that’s cool
I'm not the teacher my friend. Just assisting if the kids need something 😊
Oh Alright that’s cool Have a great day
Have a great a blessed day!
You too my dear.
Your babe would love you so much for doing what she wants.
Ang galing Ng mga Bata..Lalo na may libreng meryenda sila
Kailangan talaga may meryenda sis para magsipag ang mga bata mag attend :) Magandang hapon sis.
Ah mura na pala ang papaya. Lagi sayote kasi binibili ko. Ang tyaga mo maghintay sis hehe. Sa una isa isa ako kaso kapag napagod isang tangkay na hihilahin ko hehe.
Yup sis mas mura ang papaya ngayon kaysa sayote :) Ayaw ko kasi sis ang may malalaking tangkay parang tinik kapag kinain kaya tiyaga ko talagang himayin na maliliit nalang naiwan hehe.
Ay nakaka aliw naman activities ng mga bata
Oo nga sis nakakatuwa activities ng mga bata kanina sa Bible class nag enjoy silang magcolor :)
Godbles po
ang ganda naman nang mga activities nila jan sis para lang silang nag aaral sa school galing naman
Oo nga sis nag enjoy sila sa activities kanina parang school lang din hehe. Good night sis.
Blessings