read.cash Log in
@ruby0622

PTC/Parents Teachers Conference Ito yung ganap kaninang umaga, nagmeeting ako kay bunso at si mister naman sa panganay namin. Tumagal rin ang meeting ng isa at kalahating oras (9:30-11am) last part ay bigayan ng temporary card. Sobrang happy at proud mom here, mataas ang grades ni bunso ang sabi ng adviser niya ay very good daw siya sa class behave lang at talagang nagpa participate 😊 Sa kanilang klase dalawa lang daw sila ang nakakuha ng average grade na 90+. Kaya nakakatuwa at nakakaproud bilang magulang 😁 Sa panganay ko naman hindi man kasing taas sa mga grades ni bunso ay sobrang proud mom parin dahil matataas parin ang grades niya. Ang akala ko highest grade niya ay math dahil madali lang daw o fave subject niya. Nadismaya siya, sa mga grades niya dahil mas mababa daw kumpara sa kapatid niya. Kaya pinapayuhan ko na ang pag-aaral hindi competition na ipakitang mas magaling ka kumpara sa iba. Ang importante you did your best at may natutunan sa mga lessons 😊 Sinabihan ko na rin na huwag mahiya na magparticipate kasi mataas ang makuha na grades sa participation, mas mahiyain kasi ang eldest ko hindi kagaya kay bunso talagang malakas ang loob hehe. Sabi ko nalang din generous lang talaga magbigay ng grades ang mga teacher ni bunso πŸ˜… Isang maulan na araw uli ang lamig ng weather kahapon ganito rin ang panahon. Stay safe ang lahat. Blessed weekend to us 😊

48 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.