At sa isang pirasong papel isinulat ang lahat ng gustong sabihin sa iyo. Mga salitang hindi masabi ng harapan dahil natatakot na mas masaktan pa. Siguro ay nagsawa na sa sakit o maaaring hindi na kaya ang panibago pang sakit kaya nag desisyon nalang na isalin sa isang papel ang lahat ng nararamdaman upang mailabas lahat at matuloy na ang balak na pag bitaw. Bibitaw kahit sa una palang walang dapat bitawan dahil hindi naman tinaggap ang kamay na pilit na iniaabot upang sana'y hawakan. Ilusyon lang ang lahat at mananatiling ilusyon iyon.
Hindi tinanggap, hindi nilingon, masakit pero walang katugon. Katotohanan ay iyon at kailangan ng tanggapin dahil iyon lang ang makapaghihilom - ng sakit na walang may ibang dulot kundi sarili. Pinilit pang makadama ng saya kahit pa alam ng panandalian lang ito. Alam na ang magiging resulta pero tinuloy pa rin. Bakit nauso pa ang katigasan ng ulo sa mundo sa tapos huli'y pagsisisihan din naman matapos masaktan ng todo todo. Bakit kailangang masaktan ka muna bago mo tanggapin sa sarili mo na hindi pwdi, hindi maaari at malabong mangyari!?
Bakit nong una palang na hindi pa ganon kalala at nakita mo ng malabong may mangyari ee hindi kana umatras? Anong dahilan? Dahil ba napapasaya ka? Dahil mas naiinspired ka? Or dahil umaasa ka na sa huli ay magkakaroon ng "kayo" at magiging happy and ending nyo na katulad ng isang storya na mala fairy tale ay magkakaroon ka rin ng isang bonggang happy ever after? Sa pelikula at libro lang posible yan mare. Meron silang mga author na maaaring magmanipula ng magandang ending sa kanila. Wala ka sa aklat o palabas dahil nasa totoong mundo ko. Iwasan ang mag ilusyon.
Maaaring nagkaroon ng happy ever after ang iba pero magkakaiba ang kapalaran ang tao. Hindi pare pareho ang nakasulat sa palad nila kaya maaaring iba iba rin ang kwento. Ang iba'y naging masaya at nakahanap ang para sa kanila, meron namang pinilit hanapin ang para sa kanilaa pero sa huli'y nasaktan lang at lumuha pa ng malala at meron namang pinili ng mag isa dahil sa tingin nila ay yon ang kapalaran nila. Hindi maiiwasan ang masaktan oo, lalo sa pag ibig. Pero, pag alam mo na, pag halata mo at malinaw pa sa sikat ng araw na malabo talaga ee bakit pa itutuloy?
Maiiwasan sana ang mas masaktan kung mas pinairal ang malinaw na pag iisip at hindi ang kilig. Masyadong nasilaw sa kung anong maaaring maging epekto sayo kaya ni-grab mo. Hindi mo naisip na maaari kang masaktan at maaari kang lumuha ng malala. Mas naniwalang mas maganda ang resulta hindi naisip ang posibilidad na maaaring maligwak ganern pak. At nong nangyari na ang lahat, ang ending na inaasahan ay isang malaking drawing pala. Nakulayan ng kunti pero hindi ng buo. Nakulayan lang pero hindi pa rin magiging kayo.
Nasaktan ka ngayon dahil din sa sarili mo
--
So, yeah I just decided to write using our language or Tagalog just for a change. It's been what, I feel like it's been ages since I last wrote using our Language. So sorry to my Non English friends. You can still try to read it though if you will use the translator above or that globe logo just beside the BOOST.
I'm just not sure why I wrote this kind of article I mean what's inside in this or the message. I just suddenly thought of it while I'm in the middle of writing a story, that story that I failed to finish again. I'll try my best to finish it soon. So, I just thought of it and then I just let my fingers type everything.
And here's the result.
I hope you read it?
Eh di don't.
Lead Image from Unsplash
--
Recent Article
Read these to Start in Club1BCH
January 18, 2022
--
Ang Ganda naman ng mga pagkatugma ng mga salita Ma'am Ruffa.