read.cash Log in
@Pandariezl

@Pandariezl in August 2021

@Pandariezl

Nung nakaraan may nakita akong nagpost ng Buko Salad dito sa channel natin. Kaya super natakam ako at nagcrave. Haha! Kaya nagrequest ako sa Mama ko na igawa nya ako ng Buko Salad. At Charaaaan! Ginawa nga nya. Hehe! Ang sarap grabeee! Ang daming buko na nilagay, ang sarap sarap! Hihi Grabe! Cravings Satisfied talaga. Ang mga mama talaga ay the best! Hindi ka talaga nila matitiis! Gagawin ang lahat para sa anak basta makita lang na masaya. Tama diba? Osya kain na tyo.…

@Pandariezl

Lunchtime na po! Ang ulam namin ay Miswa with Meat Balls. Yiie! Sarap. Hehe! Simpleng ulam pero masarap. Madali lutuin at mura lang din. Konti lang ang sangkap nito. Giniling, Sibuyas, Bawang, Harina, Itlog at Miswa lang. Sa isang bowl, ilagay ang sibuyas, bawang at giniling. Lagyan ng paminta at asin pampalasa. Lagyan din ng harina at itlog, tapos bilugin lang para maging meatballs. Iprito ang lang ito ng bahagya hanggang magfirm. Tapos sa isang kawali naman ay maggisa ng…

@Pandariezl

Hayss! Walang tigil ang pagkain dito. Hahaha! So ayun nga, dahil may birthday kahapon kaya may ice cream. Hehe! Pistachio and Cashew ang flavor kasi nut lover kaming lahat. Buti nalang wala kaming gout. Haha! Sbayan nadin ng panonood ng movie, buti nalang may mga full movie sa youtube. Haha! Relax relax lang dahil sunday naman. Ito na ang totoong rest day! Hahaha! Happy rest day sa lahat! :)

@Pandariezl

Haha! Late post! Akala ko napost ko na kanina, hindi papala. Sa sobrang busy sa pagkain, nakakalimutan ko na kung anong dapat kong gagawin. Hahaha! So ayun nga, request ng Tatay ko na magHalo Halo kami. Haha! At ngayon nga ay natupad na. Grabe! May ice cream na tapos may halo-halo pa. Paano na ang lalamunan namin nito? Hahaha! Pero ang sarap nga naman kasi tlaga! Iba padin tlaga ang Halo Halo ng Pinas! So ayun, ang sahog namin ngayon sa Halo Halo ay Minatamis na Saging at…

@Pandariezl

On my way to office! Sana lang makalusot sa mga checkpoint kung saan man meron. Bgla bgla naman kasi nagdedecide sila na maglagay ng mga checkpoint. Eh ang dami daming tao. Nagcacause lang ng panic yung gnagawa nila eh. Hays! Dpat ilang days sinabi na may mangyayari na ganun para hindi na nagmamadali mga tao. Hindi yung punto por punto, yun na agad. Anyways, wag na magpakastress. Gaguide naman tayo ni Lord. Pray nalang! Ingat po ang lahat :)

@Pandariezl

Share ko lang yung inorder ko nung Pasko na Lechon Papay. Hahaha! Tinapay na korteng Lechon ito. Safe na safe dito kahit mga highblood. Haha! Kasi walang cholesterol dhil gawa lang naman sa tinapay. So ayun nga, niregaluhan ko din yung Tatay ko ng ganito. Hindi kasi sya pwede sa tunay na lechon kasi highblood sya. Masarap naman yung tinapay at sobrang siksik! Masarap sya itoast sa kawali at lalagyan ng butter. And ayun, breakfast na guys! Kahit tinapay at palaman lang keri…

@Pandariezl

So ayun nga, sa bahay ako dumiretso imbes na sa office kasi natatakot ako na baka binaha ang bahay namin dahil malakas daw ang ulan kagabi. Pagpasok namin di naman basa pero may parte na mga basa. Dahil kakatagas sa pader. Hays! Kaya linis nanaman ng bahay pati na ayos ng mga ibang kalat. Buti dumating last week yung mga storage na inorder ko atleast makaayos ng bahay. Dpa tapos kasi yung mga nilabhan kahapon inaayos ko padin. Pati na bumabalik din yung basa at dpa totally…

@Pandariezl

Isa sa matagal ng gusto itry ni Mister ay ang bumili at magluto ng steak. Mejo naaaliw kasi sya sa mga napapanood nya at gusto nya gayahin. At ngayon nga ay natupad na nya. So bumili kami ng Rib Eye Steak sa Super Market. Wala pang 150pesos ang isa nito. Mejo kinakabahan sya magluto kasi baka mag-fail. Kaya naghanap muna sya ng vids na paggagayahan. At luckily, yung gnaya nya ay okay naman. Ang sarap ng pagkaluto. Malambot at juicy din sya. 3minutes per side lang sya niluto…

@Pandariezl

Isa sa paborito nating mga pinoy ang ihaw ihaw. At isa sa paborito natin ihawin ay ang Hotdog! Mapa-bata o matanda, paborito ito! Masarap ito lalo kapag may outing sa beach, masarap kasi syang papakin. Pag may outing o may nag iihaw, hotdog talaga lagi ang hinahanap ko. Haha! Iba kasi yung lasa ng hotdog once inihaw mo sya. Karaniwan na pinapahid namin na sauce sa hotdog pag iniihaw ay mantika na may halong toyo, ketchup, asin, pamunta at asikal. Para kapag naluto na sya ay…

@Pandariezl

Grabe sobrang antok na antok na ko at masakit ang ulo. Kaya pagtapos kumain at maglinis ng katawan, mahihiga na agad at matutulog. Sobrang busy itong araw na ito na di ko maintindihan. Haha! Ang dami kasing kaganapan. Tapos dumadagdag pa nga yung pag ecq, at sabi sa news ay makakatanggap daw ulit ng cash assistance ang bawat household. Pero pagdating ng bigayan, hindi naman lahat nabibigyan. Kaya nakakaawa din tlaga ang mga kababayan natin. Pray nalang tayo na matapos na…

@Pandariezl

Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat. Natatakot ka ba o nalulungkot dahil sa mga nangyayari sa bansa? Nakakakaba no? Nakakapraning mag isip kung hanggang kailan ba tayo mahihirapan ng ganito. Pero chillax kalang, kaya natin ito. Hindi tayo pababayaan ng Diyos Ama sa kung ano man pagsubok na dumaan. Basta maniwala kalang, at magtiwala kalang. Mahirap man minsan kasi parang sunod sunod ang problema, pero nalalagpasan. Huwag kang sumuko bagkus isuko mo lahat sa Diyos lahat…

@Pandariezl

Yehey! Kahapon naiuwi ko na yung inorder namin ni Mister na Fully Auto Washing Machine. Grabe kasi yung nangyari na higit 3weeks na pag ulan. Talagang di kami makapaglaba kasi nga ulan ng ulan. So ayun, nagdecide na kami na bumili nito. Ito kasi isasalang mo lang tapos sya na lahat. Hindi mo na kailangan mag-mano mano na maglaba. May magagawa kapa na ibang bagay habang naglalaba ka. Hehe! Almost 50% discount ang nakuha ko dto, direct kasi sa supplier. Pero kung sa mall ito…

@Pandariezl

Lunchtime na! Kain napo tayo. Eto na ang mga naharbat kong pagkain sa Pantry. Hahah! Menudong Giniling with Egg at Ginataang Sitaw at Kalabasa na galing sa pa-free lunch ng Company. Yes! Araw araw yung free lunch para sa mga nasa office. Meron kaming in-house na cook at sya ang nagluluto ng aming pananghalian. Isa sa mga benefits ng company kaya malaking tipid din. Tapos yung ka-office ko may dalang shanghai at moron na hinati hati para bite size. Haha! Parang may birthday…

@Pandariezl

So ayun nga, nakagawian na sa bawat bahay na gumamit ng sipit para ipang-ayos sa ating mga kurtina sa bahay. O kaya minsan pa nga yung kurtina nalang mismo yung tinatali natin. Haha! Kaso nga lang, hindi maganda tignan no? Kaya kakascroll ko sa shopee, nahanap ko itong elegant looking na panali sa kurtina. Magnetize sya kaya magdidikit mismo yung dalawang bola. Mabilis lang sya ikabit at tanggalin kasi magnetize nga sya. Ang ganda tignan once nakakabit na sya sa kurtina.…

@Pandariezl

Isa pa sa mga nabili ko sa shopee ay itong pepper grinder. Si mama kasi mahilig gumamit ng pamintang buo! Ang pangit pa naman ng lasa once makagat mo yung paminta. So ayun, upon browsing, nakakita ako ng murang pepper grinder. Nasa 50pesos lang yata ito. Yung ibang pepper grinder kasi mejo may kamahalan e. Pero ito swak lang sa laki at sa halaga. Tinest naman namin at okay ang paggrind nya. Hehe! Ang ganda din ng itsura, simple pero elegant at malinis tignan. Yun naman ang…

@Pandariezl

Just got home! At ayun, dinner time na nga! Ang ulam namin ay ang embutido na bigay ni Mama. Bumili sya sa paninda ni Kuya. Sila kuya kasi nagtitinda ng embutido at relyeno. Nagpabili din ako kay Hubbybi ng catsup. Mas masarap kasi ang embutido kapag may catsup. Haha! Pagtapos nito ang panghimagas naman ay buko salad na ginawa ni Mama. Nag uwi ako dto sa bahay. Hehe Take out kumbaga, ako naman nagrequest nun eh! Charr! So tara na guys, lets eat! At ingat naman sa mga pauwi…

@Pandariezl

Dati naadik ako sa pagkain ng Salted Egg Chips. Kapag kasi uuwi yung ate ko from Singapore, marami syang dala na gnyan. Dto sa Pinas sobra mahal nyan kaya hindi ako makabili. Haha! Kaya everytime na nag uuwi sya, super kain talaga ako. So kahapon, nung nagpunta kami sa supermarket, bgla kong nakita itong Salted Egg Chips na ito. Nacurious ako kung ano lasa kaya nagpabili ako. So ayun, kagabi tinikman ko sya. Pasado naman din sa panlasa! Though hindi sya sobrang kalasa nung…

@Pandariezl

Umaga nanaman! Nagising nanaman ako ng wala sa oras. Naunahan ko nanaman yung alarm. Gulo gulo nanaman yung body clock ko. Hehe! Tapos mamaya sasakit nanaman ulo kasi parang kulang sa tulog. Dibale, isang buwan nalang naman ang aantayin. Hehe! Dalawang araw nalang din, ECQ na sa Metro Manila. Ano kaya mangyayari no? Magiging mahigpit kaya talaga? Tapos may bagong virus nanaman daw. Sa totoo lang, minsan talaga yung mga tao ayaw na maniwala sa mga balita at gobyerno no?…

@Pandariezl

So nung birthday din ni Kuya natupad ang cravings ko sa Chicken Wings. Haha! Bumili din kasi ako ng Chicken Wings Bilao nung birthday nya. Oh dba? May handa na nga tapos na cravings satisfied pa. Haha! Ang bili ko ay 600pesos for 32pcs. Ito na yung pinaka mura na nakita ko sa nagbebenta ng mga wings so grinab ko na. Up to 6flavors ang pwede mo piliin na flavor. Pero ang pinili ko ay ang Buffalo na spicy sya pero mild lang naman. Teriyaki na malalasahan mo pa yung ginger. Soy…

@Pandariezl

This photo was taken sa Madamme Tussauds Wax Museum last 2019. Haha! Di ko idolo si Lady Gaga pero atleast nakapagpa-picture ako sakanya kahit sa wax lang na kawangis nya. Grabe, kahit hindi sila totoo, kapag nakita mo sila dun sa museum ay ma-Starstruck ka! Sobrang kamukhang kamukha kasi nila eh. Bawat detalye sa wax figure ay magaling na nailagay. Sobrang detailed nung mga wax figure. Di ko lang sure kung pati yung height nya ay ganyan din. Pero kung yan ang tunay na…

@Pandariezl

Share ko lang yung isa sa mga nabili ko pa sa Shopee. So eto naman yung lagayan ng condiments na meron ng kutsara sa loob. Usually kasi kapag maglalagay tayo ng pampalasa sa niluluto, ginagamitan natin ng kamay/daliri. So may contamination na nagaganap. Hehe So para maging malinis at maayos ang pagkuha, atleast meron ng nakafix na kutsara sa loob. Malinis na tignan, sure pa na malinis pag ginamit. Tsaka kung di naman din kamay ang gamit mo, atleast makakasave kana sa paulit…

@Pandariezl

Last week pa ko nagkecrave sa Mozzarella Sticks. Grabe! Kaso mag ECQ nanaman, hindi naman basta basta makakapasok sa mall. Mahilig kasi ako sa cheese, super cheese lover ako. Minsan nagpapabili lang ako ng keso at pinapapak ko. Last week, sinubukan namin gumawa ng Fried Cheese gamit ang Eden Cheese. Msarap naman sya pero hindi sya kasing lasa ng Mozzarella Sticks na nabibili sa Chizmozza. Hehe! Kasi siguro magkaiba yung variety ng keso na ginamit. Yung Eden Cheese kasi ay…

@Pandariezl

Kamusta ang lahat? Pauwi na! Salamat at nagbalik na si Haring Araw. Nakaramdam na ng katuyuan ang paligid. Hehe! Okay lang naman umulan, pero wag na sana yung ktulad nung nakaraan na almost 3weeks at ang lakas lakas. Marami din kasing kawawang kababayan natin ang naaapektuhan. Pasalamat tayo kung meron tayong maayos na tirahan at makakain sa hapag. Pero paano naman yung mga nasa mababang lugar at nagpapakahirap kumayod para may maihain sa mesa nila diba? Mejo pahirap talaga…

@Pandariezl

Narinig nyo na ba yung drink na Milo Dinosaur? Nakatikim na ba kayo nito? Ang sarap sarap no? Gustong gusto ko ito lalo kapag malamig na malamig. Ang sarap nya kasi tlaga inumin. Sa paggawa nito, kailangan natin ng Milo, Gatas, Asukal at Yelo. Paghaluin lang ang mga ingredients. Tapos yung ibabaw punuin lang ng Milo Powder. And that’s it! Haha! Anyways, itong picture na ito ay kinunan nung kumain kami sa labas. Sa isang game-themed restaurant kami kumain nito. Nung nakita ko…

@Pandariezl

Ako lang ba yung nanay na excited sa birthday ng anak nya? December pa birthday ng anak ko pero ngayon palang pinaplano ko na ano ung mga bibilhin na pang dekorasyon. Haha! Eh kasi naman, Unico Hijo ko sya eh. Pati na gusto ko talaga kapag masaya sya sa nakikita nya. Hehe! Tinanong ko sya kung anong gusto nya sa Birthday nya. Every year kasi may theme yung birthday nya. Para cute tignan. Ngayon ang gusto nya ay Minecraft Birthday. So hanap ako ng hanap sa Shopee ng mga pang…

@Pandariezl

Umagang makulimlim! Heheh Di ko alam kung uulan pero wag naman sana. Sa araw araw na pumapasok ako, ito ang bumubungad sakin. Kailangan itapat ang pulso para makuhanan ng temperature. Pero mejo duda din ako sa pagkuha nito ng temperature eh. Parang wala pa tong nadetect na may lagnat or what. Hehe! Madalas kasi low temperature lang kapag nag iingay ito. Yun bang pagkagaling mo sa malamig na kotse, tas nagscan ka kaya malamig yung nakukuha nya na reading. Pero dko pa to…

@Pandariezl

Nung birthday ni Kuya, umorder ako ng Pizza sa Angel’s Pizza. Marami kasing nagsasabi na masarap yung Pizza dun na ang flavor ay Spinach Dip. So ayun nga, pagkabukas ng Pizza Box mejo excited ako. Gusto ko kasi ma-try kung totoo ba ang chismis. Hahahah! At totoo nga! Ang yunmy nya! Ang sarap nung flavor nya! Dko alam ano yung white na parang cream or cheese ba yun pero ang sarap nya! Yung spinach di mo malalasahan na gulay. Parang okay lang kahit makain mo sya. Kung dka…

@Pandariezl

Its lunchy lunchy again! Ang free food ngayon ay Sarsiadong Galunggong at Sopas. Meron din yatang ginisang upo pero di ako kumuha. Di kasi ako kumakain nun. Hehe Halo halo na yung pagkain ko, nakasanayan ko na kasi talaga na ganyan. Dyan nga din nawiweirduhan sakin yung mister ko, kasi ano daw lasa ng halo halong pagkain. Sabi ko naman ay masarap. Haha! Pinaka favorite ko ay adobo at sinigang na pinaghalo. Ang sarap ng combination. Haha! Gusto ko din yung sinigang tapos may…

@Pandariezl

Share ko lang a week ago nagpadala si Meralco sa Company naming ng gifts. Meron yatang mga seeds at plants, at meron din mga pagkain. Binigay ng boss naming yung mga pagkain para imeryenda namin. May macaroons, crackers, mushroom in olive oil at ito ngang Caviar Pie. Kadalasan sa mga movies ay maririnig mo ang pagkain na Caviar. Kapag sinabing Caviar, unang papasok sa utak mo ay MAMAHALIN at PANG MAYAMAN. Hahaha! At sobrang nacurious ako sa lasa nito. Di naman kasi ako…

@Pandariezl

#Throwback! Share ko lang yung mga drawings ko noon. Mahiig kasi ako sa Anime kaya puro anime character ang dinodrawing ko. That time nagpapractice palang ako magdrawing. Nagdodownload ako ng mga images from google tapos sinusubukan kong gayahin. Dahil nga Gaming and Animation ang course ko kaya talagang kailangan ko matuto magdrawing, kumbaga requirement nadin. Marunong naman ako magdrawing nung bata pa ako pero hindi ganun kaganda at kagaling. Kaya nung nag aaral ako, need…

@Pandariezl

#Throwback! Share ko lang itong ginawa namin noon na Shrimp Tempura. Usually ang ginagamit na breadcrumbs sa tempura ay yung Panko Breadcrumbs o yung mejo mas flaky. Pero sa tempura na ito ay sinubukan namin yung Fine Crushed Breadcrumbs. Yung parang nilalagay sa pandesal na breadcrumbs. Hehe So ayun nga, may gusto kasi ako i-achieve na itsura ng tempura pero hindi naming nagawa using yung fine breadcrumbs. Yung parang mga tempura na makikita sa anime pero di nagwork yung…

@Pandariezl

#Throwback! Share ko lang yung handa ni Hubbybi parang 3yrs ago na yata to. Hehe 3 lang kami sa bahay so kapag may birthday talaga, simple lang ang handaan. Unless, pupunta kami sa bahay nila Mama. So ayun nga, simpleng handaan lang pag kaming tatlo lang. That time bumili lang ako ng 1 bucket ng Chicken Joy, Spagetti at isang box ng Pizza sa SNR. Pwede pala na half-half yung flavor sa SNR basta ioorder mo sya ng Advance. Tapos yung cake naman ay Yema Cake na nilagyan lang…

@Pandariezl

Umagang maulan nanaman! Alahoy! Eto nanaman si Rainshowers. Hehe! Pwede alis kna? Pls? Hehe! So ayun nga, sobrang sagana ng ulan ngayon no? Talagang tag-ulan na. Grabe nga hanggang sa panaginip hinahabol ako ng ulan na yan. Grabe daw yung ulan tapos nagkaflashflood. As in, lahat ng tao tinangay daw ng sobrang lakas na baha. Tapos yung asawa ko daw, almost nalunod. Buti nalang nahatak ko sya. Nung mejo bumagal yung current ng baha, hinatak ko sya sa mejo flat surface. Hindi…

@Pandariezl

#ThrowbackUlam Share ko lang tong niluto ni Mama nung birthday ni Kuya. Ang mas healthier version ng sisig, ang Tofu Sisig. Masarap sya! Kaya nga lang, nung sinerve to ni Mama samin mejo malamig na, kaya siguro yung Tofu ay di na gaanong crunchy. Masarap kasi tlaga ang sisig kapag may crunch sya at sizzling pa. Pero masarap padin naman, sguro kasi ilan oras na sya naluto nung nakain namin. Kasi maaga nagluto si Mama that time. Mas masarap sguro ito kung bagong luto sya…

@Pandariezl

Eto yung isa sa nakalakihan kong snacks nung bata pa ako. Pilipit ang tawag namin dito. Kasi parang pinilipit sya na tinapay at tinusta. Binili ito ni Kuya nung ihahatid na nya kami pauwi. Masarap sya, malutong at sakto ang tamis. Meron syang lasa ng pagkatusta na lalong nagpasarap sakanya. Hindi sya sunog, tamang tusta lang talaga. Mejo nakakaadik sya kainin kasi malinamnam sya. Naubos ko nga mag isa yung isang balot nito. Tuloy tuloy lang kasi ako sa pagsubo. Haha! Mejo…

@Pandariezl

Share ko lang itong Mickey Mouse Fruit Gelatin na inorder namin nung magpunta kami sa Hong Kong Disneyland. Di ko na matandaan kung magkano pero alam ko may kamahalan. Syempre ang binabayaran lang naman natin jan e yung fact na galing sya sa Hong Kong Disneyland. Hehe Dinaman talaga yung lasa nya. Pagkatanda ko meron pa ako inorder noon na pizza at chicken pero dko na makita yung picture. May kamahalan ang pagkain sa Hong Kong Disneyland pero sinubukan namin for experience…

@Pandariezl

Minsan mahirap maging sobrang masaya no? Kasi out of nowhere may dadating na bagay na bigla nalang sisira ng kasiyahan mo. Bakit kaya ganun? Hindi pwede na laging masaya lang. Hindi pwede na okay lang. Bakit kailangan may kalungkutan? Minsan mapapaisip ka pa, galit ba sakin ang mundo? Gusto ko lang maging masaya, pero bakit parang amg hirap? Papasayahin nga ako pero grabe naman yung kapalit na kalungkutan pagkatapos. Ang sakit, pero wala ka magagawa. Tuloy ang buhay. Ganyan…

@Pandariezl

Isa ito sa mga nakalakihan ko din na pagkain nung bata ako. Lagi may pasalubong si Tatay na ganito tuwing uuwi sya lalo pag sweldo nya. Sarap sarap nito kasi may malambot na marshmallow sa ibabaw. Usually, inuuna ko kainin yung marshmallow, tapos yung biscuit binibigay ko na kay Mama! Hahahaha! Ayoko kasi ng biscuit nung bata ako. Di ako mahilig dun. Haha! Tas yung foil nito imomold ko sa ngipin ko kunwari naka-braces! Haha! Kakamiss ang pagkabata!

@Pandariezl

#FoodIsLife Kadalasan tyong mga Pinoy kahit gabi na ay kain padin ng kain. Kumbaga, mahilig tayo sa Midnight Snack. Kaya marami din tlaga sa atin ang patuloy na tumataba eh. Haha! Parang hindi kasi tyo nabubusog o baka kasi libangan lang tlaga natin ngumuya. Kapag nagpupuyat kasi ang isang tao, mas nakakawala ng antok ang pagkain eh. Minsan chichirya lang ang midnight snack, meron din naman na kung ano ang matripan. Kaya eto ngayon ang midnight snack natin dito sa NC.…

@Pandariezl

A pleasant Saturday morning everyone! Nasa company service na papasok. Yehey! Last working day for this week. Lez do this mga kapatid! Mejo nakakatamad bumangon dahil mas masarap matulog. Haha! Pero need padin e. Kaya eto tayo haha! Sipagan nalang natin lalo at wag na isipin ang katamaran sa buhay. Haha! Kaya natin to, go go go! Wag mawalan ng pag-asa, dahil ang bawat umaga ay isang pangako at blessing sa atin ng Panginoon. Ingat po ang lahat sa kanya kanyang gagawin ngayong…

@Pandariezl

#ShareKoLang Ito yung isa sa mga struggles naming nagsusuot ng salamin. Kapag lumabas kami sa malamig na sasakyan, paglabas namin puro moist na yung lens ng eyeglasses, at ang labo na nya. Wala ka ng makikita! Hahaha! So need mo pa huminto at punasan. Lagi ko itong naeexperience kapag sumasakay ako dati ng bus. Sobrang hirap na hirap ako bumaba ng bus. Kasi nga expect ko na ganito ang mangyayari. Kaya minsan hinuhubad ko bago bumaba kaya lang sobrang labo ng mata ko.…

@Pandariezl

#ShareKoLang Ito yung niluto at dinala ko nung mag-get together kami ng friends ko. Pizza Rolls at Corndog. Haha! Kami lang yung nagprepare at nagluto, mas nakakatipid kasi ng kahit konti kapag sariling gawa eh. Best ito lalo kapag bagong luto. Super sarap kasi ng Pizza Rolls pag bagong luto, melted pa yung cheese nya! Tapos yung corndog naman masarap with ketchup at mustard (naks, pang american!) haha! O di kaya ay mayonnaise. Yiiiie! Nakakagutom. Haha! Madali lang din…

@Pandariezl

#ShareKoLang Share ko lang tong mga matchy matchy stuff namin dati ni Mister. Haha! Etong toothbrush parang nakita namin nung naggogrocery kami tapos nakatuwaan namin na bilhin. Ang cute kasi ng design na tag-kalahating puso. Yung coinpurse naman ay nabili namin habang namamasyal yata kami or namamalengke. Sabi ko kasi kapag nakakita kami ng coin purse bili kami para may lalagyan ng barya. Sakto naman kasi may panda na pang boy and girl. Mahilig kasi talaga kami sa Panda…

@Pandariezl

#ShareKoLang #ThrowbackOnly Ito yung isa sa favorite ko talagang Japan Products. Ang legit na Nissin Seafood Cup Noodles. Sobrang sarap nito, grabe. Bet na bet yung lasa. Yung pagka-seafood nya kasi ay di malansa. Yung lasa nya ay malinamnam. Ang sarap sarap ng sabaw. Kapag ito tlaga ang kinakain ko na noodles, pati sabaw nauubos ko eh. Pero kapag yung local noodles lang hindi ko masyado nauubos yung sabaw. Feeling ko kasi puro vetsin lang ang content ng local noodles natin…

@Pandariezl

#ShareKoLang #BalikTanawLang Nung nagbubuntis ako, nagkaroon ng time na nagcrave ako sa isang certain chocolate bar na hindi ko matandaan ang tatak pero alam ko yung itsura. Hindi ko matandaan kung part parin ba yun ng paglilihi ko pero ayun nga, parang hindi ako matahimik kung hindi ko sya mahahanap at makakain. So ayun nga, pumunta kami that time sa Puregold para maghanap ng Unknown Chocolate Bar na kinecrave ko. Hanap kami ng hanap pero hindi ko sya Makita. Up to now…

@Pandariezl

Magsikain napo ang lahat! Tiklop muna ng mga sinampay bago kumain. Mejo busog pa kasi kumain kami ng French Fries. Ang ulam namin ni Mister ay Kanto Fried Chicken at Lucky me Noodles para panabaw. Haha! Katamad magluto kasi wala naman yung bulilit namin dto. Nandun sa mga lolo at lola nya kaya kahit ano nalang ang ulam namin. Osya, magsisimula na ko magtiklop ng matapos na agad. Baka dpa makakain kaka-NC eh. Haha! Happy Eating sa mga nagdidinner na! Ingat everyone.

@Pandariezl

Share ko lang yung Giant Mango na binigay sa hipag ko. Haha! Now lang ako nakakita ng ganitong kalaking mangga sa buong buhay ko. Mas malaki pa sa kamay ko eh. Nakakatuwa lang tignan. At sobrang bigat nya. Di ko tantya kung nasa 1kl ito o baka higit pa nga. Nung bnalatan namin ito may part na mejo bulok na. Nung binalatan at hiniwa na, napansin namin na para syang Indian Mango. Giant version siguro ng Indian Manggo. Okay naman ang lasa nya at matamis sya. Yung ibang part ay…

@Pandariezl

Sunday Morning! Eto hirap sakin kapag walang pasok, mas maaga ako nagigising. Ang weird lang talaga ng katawan ko eh. Pero pag may pasok, halos ayaw naman magising at bumangon. Hahaha! Dibale, gagawin ko nalang yung mga ibang gawain para maaga nalang matapos at mamaya makapagpahinga din agad. Kaloka yung body clock ko kasi, ang gulo gulo. Gising nadin ba kayo? Sguro madami din kayo gagawin kaya maaga kayo nagising no? Tara simulan na natin!

@Pandariezl

#ShareKoLang Yung mother-in-law ko mahilig magpadala sa amin ng mga Ready to Bake Cookie and Cake Mix. At syempre para di masayang, niluluto namin. Itong cookies na ito ay Oatmeal Cookies, at super favorite ni Bebi at Mister. Noon, wala pa kaming oven. Actually, yung oven nga din yung mother-in-law ko din ang nagbigay. Hehe Mahilig kasi ako magluto at magbake. Pero puro experiment at sunod lang naman sa recipes na nakikita ko online. So ayun nga, noon wala pa kaming oven.…

@Pandariezl

Ngayon palang maglalunch! Mejo busog pa kasi kami ni Mister kanina. Nagprepare sya ng Sinigang na Buto Buto ng Baboy. Sabi nya ako daw magtimpla, kaya nga lang tinatamad ako kaya sabi ko sya nalang. Sabi nya bahala daw ako kapag di ko nagustuhan ang lasa. Iba kasi ang lasa ng Sinigang nya. Hindi maramdaman yung asim. Haha! Basta! Iba yung lasa, parang may kulang. Hehe! Pero okay lang kasi kakainin padin naman. Sinigang na may gabi ang ginamit nya na mix para may konting…

@Pandariezl

Meryenda time! Dumaan si Manong Potpot kaya may meryenda kami ngayon. Hahah! Si Manong Potpot ay isa sa kinalakihan natin na nagtitinda ng meryenda. Sila yung may dalang dalawang aluminum na container tas pasan pasan nila. Puno yun ng puto at kutsinta. Mamimili ka kung ang gusto mo ay pahiran ng yema o niyog. Pwede din naman parehas mo ipalagay. Pero sa kutsinta ang sarap tlaga ng yema! Mas lalo nakakagana kainin. Tara kain na!

@Pandariezl

Kakabrowse ko kanina sa Facebook nakakita ako ng For Sale na unan na ang nagkakahalaga na 3 for 100. Sabi ko okay yun kasi gagawa tlaga ako ng unan. So grinab ko na ang chance at bumili na nga ako. 4sets ang binili ko. Sure kasi ako na maliliit ito or di sya gaanong siksik sa loob. At tama nga ako. Hehe! Bumili din ako ng mga punda sa Shopee. Irereconstruct ko nalang yung mga unan para maging bagay sa gusto namin na una. Gusto kasi namin na unan mejo matigas eh. :)

@Pandariezl

Special Puto Bumbong Kakatapos lang magdinner. Eto naman ang aking dessert. Hehe Bumili si Mister ng Special Puto Bumbong sa Palengke. May nakita kasi akong puto bumbong sa facebook tapos bigla akong nagcrave. Hehe! Special sya kasi meron syang cheese at condensada. Hindi na mainit kasi kani-kanina pa binili pero for sure masarap parin sya. Tara na, mangan!

@Pandariezl

Tulugan time! May pasok na kasi ulit bukas. Hindi ako nakatulog kanina kasi kung anu ano gnawa ko, at nanood ako ng nanood. Kaya ngayon tinatamaan na ng antok. Haha! Wish ko lang na sana matapos na ang ECQ at lalo na ang pandemic. Kaya nga lang ang nasa balita naman ay mas matinding variant ng Covid19. Mapapaisip ka tuloy kung kailan ba tlaga matatapos. Marami na ang navaccine kaso sabi sa news na may ibang vaccine na hindi pwede sa new variant. Tapos yung mga bata hindi…

@Pandariezl

Monday Morning! Super katamaddd! Ayoko bumangon. Haha! Pero hindi pwede, kailangan magtrabaho. Haha! Hays, sana kasi may puno nalang ng pera para magtatanim nalang ako. Magpapaka-plantita ako kung meron. Hahahahaha! Gustong gusto ko na makasama ng matagal ang anak ko. Ang hirap kapag sa tuwing makikita nya ako tinatanong nya ako kung hindi na ba ako papasok at magstay nalang sa bahay. Tapos pag sinabi kong hindi, parang ang sakit sakit sa puso. Kasi may isang bata na umaasa…

@Pandariezl

Totoo talaga na may mga taong di kayang maging masaya kapag may naachieve ka sa buhay mo. Ang gusto kasi nila pantay pantay lang kayo. Hindi mo sila pwedeng masapawan o maangatan. Kasi pag nangyari yun, auto-cancelled kana saknila. Bakit kaya may mga ganun tao no? Diba dapat maging masaya tayo ano man ang marating ng iba. Kaso wala e, napapangunahan ng inggit ang puso kaya iba ang dating sakanila. Pwede naman maging inspirasyon yung success ng iba. Hindi yung gagawing issue…

@Pandariezl

ICE POPS! Eto yung isa sa mga binebenta namin para may pakinabang yung ref namin. Haha! Wala kasing laman yung ref namin pero hindi pwede patayin. May laman pala pero mga tubig lang. Haha! So naisip namin magbenta nalang ng Ice Pop at minsan naman ay gumagawa kami ng Ice Candy para may dagdag kita padin. Malakas ang Ice Pop sa mga bata, lalo na kapag kainitan ng araw. Ang benta namin dito ay 5pesos ang isa. Masayang masaya sila kasi pwede na itong hatiin sa dalawa kapag mejo…

@Pandariezl

Lunch time again! Eto ang aking entry! Hahaha! Pag tanghali kasi marami nagpopost ng foods, kaya pag nagbabrowse ako dto sguradong gutom ang inaabot ko. Nakakatakam kasi ang bawat pagkain na nakapost. Hahaha! So eto ang aming company free food today, Fried Chicken at Adobong Sitaw na may tokwa ang kinuha ko. Dna ako kumuha ng miswa kasi may halong sardinas. Mejo spicy yung sardinas na nilalagay, may sugat pa naman labi ko. Hehe! Baka masaktan lang ako kapag kinain ko. At…

@Pandariezl

The Heart Shape Pizza from Shakeys for Valentines Celebration 4years ago yata ito nung nagcelebrate kami sa office ng Valentines Day. So pinaka-easy snack tlaga lagi is Pizza. So ayun, umorder yung mga kaofficemate ko ng Pizza. Nagrequest kami na kung pwede ay i-slice nila ng squares ung pizza. Tapos pagkatanda namin na parang biniro namin kung pwede din ba na pa-heart ung pizza dahil Valentines or parang gimick na nila ito. So ayun nga, pagkadating ng Pizza ay tuwang tuwa…

@Pandariezl

Flex ko lang yung frendship ko na si @PraybeytDeyb , sobrang sasarap ng pinopost na pagkain at super kainspire kasi yung mga gulay nya ay mula lang sa taniman nya. 5yrs na sya nagtatanim at super nakakabilib kasi ang galing nya magpatubo ng halaman. Mapapa sana all kanalang talaga! Nakakainggit kapag nakakapag harvest sya sa bakuran nla ng mga gulay gulay. Katuwa kasi iba iba na gulay. As in, ang galing talaga. Pati na may mangga pa nga. Gusto ko din ng ganun. Yung grow your…

@Pandariezl

My Macbook Laptop Ito yung unang Macbook Laptop na nagkaroon ako. Bigay sakin ito ng Ate ko. Nasa ibang bansa kasi sya, at mas mura ang gadgets sa ibang bansa compared dito. Tsaka pinaglumaan din kasi nya ito pero maganda padin. Sobrang mahal na mahal ko itong laptop na ito kasi sobrang useful sya nung nag-aaral pa ko. Hehe! Hanggang nagkaroon ako ng work ay nagamit ko padin ito. Pero bigla nalang nasira. Nung pinacheck ko sya sa pagawaan , sira nadaw yung hard disk. Sobrang…

@Pandariezl

My Haagen-Dazs Experience in Macau So ayun nga, nung nagpunta kami ng Macau at nagkaroon kami ng time na gumala na kaming tatlo lang ay nag ikot ikot kami. Sa kakaikot namin ay nakapasok kami sa The Venetian Macau. Parang Hotel na Mall sya. May mga fancy stores at restaurant sa loob na grabe ang presyo ng mga bilihin. Haha! So ayun nga, habang naglalakad ay nakita namin ang Haagen-Dasz Ice Cream Store. Mula bata pa ko ay gusto ko na makatikim nito. Marami kasi ako nababasa…

@Pandariezl

Iced Tea Ang tanging tsaa na naiinom ko ay Iced Tea. Yung iba hindi ko kayang inumin kasi nababahuan ako. Yung iba naman kahit anong gawin ko, dko trip ang lasa. Kahit ihalo pa sa Milktea, sobrang dko bet. Hahaha! Nakakainggit yunng iba na kaya uminom ng tsaa, kasi marami din benefit ito. Pero ayun nga, ibat iba ang taste ng tao eh. So ayun nga! Goodnight everyone. Ciao!

@Pandariezl

Nakakagulat na umaga. Kasi walang tubig!! Paano ako maliligo ngayon para makapasok? Di kami nakapag stock kasi kakaayos lang namin ng laundry area dahil nga nilagay namin dun yung bagong washing machine. Nandun kasi yung mga stock ng tubig. Hays! Naligo naman ako kagabi, so pwede na sguro ang wisik wisik ngayon. Hahaha! Katawa naman, hindi pa naman ako sanay na lalabas ng hindi naliligo. Hehe Bahala na, isang araw lang naman. Hahah! Osya, ingat po ang lahat!

@Pandariezl

Ayun. Nakaligo na. Kinapalan ni Mister ang mukha at nanghingi sa kapitbahay. Hehe! Grabe lang yung sa covid, punong puno nanaman ang mga ospital. Nagbabala na din yung iba na kung sakali mangailangan ng ambulance ay baka hindi agad makatakbo. Kasi yung iba, pati yung ambulance ay ginawa nadin nilang unit para sa pasyente. Nakakatakot. Hays! Dasal nalang ang magagawa natin pati na ang pagsunod tlaga sa mga protocols. Ingat po ang lahat.

@Pandariezl

My Project in Flash Game Development So ayun nga, dahil ang kurso ko ay Gaming and Animation ay laging paggawa ng laro ang project namin. Haha! So eto yung ginawa kong laro sa Flash Development. Ang concept nito ay yung mga binabaril na Soldier sa peryaan. Karaniwan sa flash games ay mga easy playing games lang, Yung mga game na puro click lang tapos may mangyayari sa laro. So ayun nga, ikiclick mo lang ung mga dumadaan na mga Soldier. Tapos may prize kung ilan ang…

@Pandariezl

Waahh! Isa sa mga favorite snack ko nung bata ako itong Tomi. Ang sarap kasi ng flavor nya. Lasang lasa mo yung pagka-sweet corn nya. Manamis namis na may pagka-buttery yung lasa nya. Bitin ang isang maliit nito sa akin! Hahaha! Actually, si Mister ang bumili nito para sakanya kasi favorite nya din ito. Pero ako ang kumain. Haha! Ang dami talagang pagkain na nakakapagpabalik ng alaala ng pagkabata natin. Nakakatuwa kasi hindi parin nagbabago ang lasa nila. Hehe

@Pandariezl

#THROWBACK Ito yung handa ng anak ko nung 2nd Birthday nya. Simple lang at karaniwan ay kaming tatlo lang tlaga ang nagcecelebrate. Syempre bata kaya favorite padin nya si Jollibee. Haha! Kapag birthday ng anak ko, a day before nagbubook ako ng hotel room para dun namin icelebrate. Tapos sa exact birthday nya, nagpupunta kami ng park para mamigay ng mga goodies sa bata na makikita namin sa park. Okay din kasi para matuto sya magshare sa ibang bata. Tsaka para gift nadin nya…

@Pandariezl

Lunchtime series nanaman! Eto ang aking lunch for this afternoon. Sinigang na Baboy at Ginisang Toge. At syempre may baon pdin akong mansanas. Wala padin rice. Hehe! Ayoko kasi kumain ng rice, wala akong gana. Nagdala na din ako ng sarili kong baunan na paglalagyan ko ng pagkain. Just to be safe at para maiwasan nadin ang sharing of utensils. Tsaka para sa bahay nalang ako maghuhugas. Hahah! Katamaran ko talaga eh! Hehe So ayun nga, for safety purposes din dahil lumalala…

@Pandariezl

SHARE KO LANG! Eto yung isa sa pinakapaborito ko sa menu ng KFC. Ang kanilang California Maki Twister. Dahil nga favorite ko ang Japanese Food na California Maki, kaya nagustuhan ko din ang twist na ito ng KFC. Meron syang chicken, mango, mayo, cucuber na parang sa California Maki pero nakabalot sya sa parang pita bread. Not sure kung Pita Bread ba tlaga yung tawag pero same ng itsura. Kapg kumakain ako nito, hinahati or binubutasan ko muna sya para matanggal yung mga…

@Pandariezl

#THROWBACK Share ko lang ulit yung pameryenda ni Boss nung Birthday nya mga 2yrs ago na yata ito. Haha! Nakakamiss lang. Kapag birthday tlaga ni Big Boss ang inaabangan ng lahat ng taga office. Kasi sobrang enggrande ng pakain nya. Haha! Yung tipong sobra sobra tlaga para sa isang tao. Kaya kadalasan take out nalang namin yung handa para ishare sa family. Hehe! Konting tikim lang tapos balot na. Minsan nakakahiya kasi nakikita nya yung mga binalot namin pero nasanay nadin…

@Pandariezl

My teeth before having my braces! So eto yung molde ng ngipin ko noon. Haha! Nung di pa ako nagpapakabit ng braces. Mukang ngipin ng dinosaur. Super sungki sungki at di maintindihan. Madalas kasi ako mabungi noon kaya sguro nagkaganyan yung ngipin ko. Pero kung titignan yung ngipin ko ngayon, di mo aakalain na ganyan sya dati. Kapag kasi magpapakabit ng braces, kailangan nila ng replica ng ngipin mo. Para makagawa nun, may mixture silang gagawin tapos ilalagay sa loob ng…

@Pandariezl

Dinner time! Oorder sana kami ng Pares sa isang restaurant dito sa amin kaso sobrang mahal ng delivery fee. Kaya sabi ko kay Hubbybi, ako nalang magluto. Yung fried rice naman sya ang naka toka magluto. Ayun, bagay na bagay ang lasa. Sarap ng fried rice, lasang lasa yung bawang. Yung Beef Pares naman napalambot ng husto ni Hubbybi yung beef kaya hindi mahirap kainin. Swak lang yung alat ng garlic fried rice sa manamis namis na lasa ng pares. Pares nga talaga! Kaya kain na…

@Pandariezl

Gustong gusto ko linisin yung gallery pero nakakatamad. Umabot na kasi sa 3k+ yung mga pictures. Kung anu ano kasi pinipicturan at iniscreenshot ko. Na di ko naman alam para saan. Haha! Hindi ko agad nabubura pagtapos kong kuhanan. So ayun nga, malaki pa naman space ng storage kaya tsaka ko nalang aayusin. Hehe Sa ngayon, matulog na tayo at gabi na. Bukas nalang ulit. Need na bumawi at magpahinga dahil bukas ay trabaho nanaman. Mapagpalang gabi sa lahat at sana magkaroon…

@Pandariezl

On my way to office! Mejo naghintay ng kaunti yung company driver sakin, hindi ko kasi maikabit ng maayos yung contact lens ko. Hehe! Nagdecide ako magcontact lens ngayon kasi matagal ko na syang hindi nasusuot. Saka advice tlaga ng doctor na contact lens na ang isuot ko dahil nga sa sobrang taas na ng grado ko. Hayss! Sana bukas madali na sya isuot hahaha! Dko kasi makita kung nakapwesto naba ng tama kaya hirap na hirap ako suotin. Wahahah! Struggles of malabong mata. Ingat…

@Pandariezl

Breakfast na po tayo! Pinagluto ako ni Mister ng Pansit Pares. May natira kasing sauce/sabaw yung pares kagabi. Kaya hinaluan nya ng pansit. Walang gulay kasi hindi na nakabili dahil maaga pasok ko, malayo ang palengke. Hahah! Pero okay na ito, masarap padin. Inspired to dun sa kinainan namin dati ng Pares. Meron kasi sa menu nila ng Pansit Pares. Dahil pansit lover ako, excited ako matikman. Pero mejo disappointed kasi wala yung lasa ng pares na hinahanap ko. Kaya ayun,…

@Pandariezl

#THROWBACK! Bigla akong nagutom nung makita ko ito sa gallery. Surprise ni Hubbybi ito nung anniversary namin, 3yrs ago na yata. Puro favorite ko yung binigay nya. Kaya that time sobrang taba ko talaga eh. Hehe! Busog kasi ako sa pagmamahal lalo na sa pagkain. Hahah! Pagkatanda ko yung Spagetti ay niluto nya. Tapos yung isang plato naman ay may laman na California Maki. Isa sa mga favorite ko lalo na dahil may mangga sya. Kaya nga lang pag kumakain ako nito ay tinatanggal ko…

@Pandariezl

Lunchtime na po! Share ko lang yung free food ngayon sa office. Chicken Curry at Sopas ang kinuha ko. Meron din Gisadong Upo yata yun pero dna ko kumuha kasi di naman ako kumakain nun. Haha! Halo halo nnaman yung pagkain ko, minsan nakakahiya pag nakikita ng iba. Baka sabhin kanin baboy kasi halo halo. Pero wala eh, sa tyan naman natin magkakahalo halo din yan. Charrr! Happy Eating everyone! Kain ng masustansya panlabas sa sakit!

@Pandariezl

SHARE KO LANG! Grabe! Miss ko na itong Rodillas Yema Cake. Ang tagal ko ng hindi nakakakain nito. Pagkakaalam ko, correct nyo nalang ako kung mali, nag originate ang brand na ito sa Quezon. Ito yata yung nagpauso ng yema cake. Dko lang sure. Sa lahat ng yema cake na natikman ko, kakaiba tlaga yung lasa nya. Matamis sya pero di ka mauumay. Kaya ko nga yata ubusin yung isang ganito ng isang upuan lang eh. Haha! Pag umuuwi kami sa Laguna, bumibili kami nito. Meron kasi dun…

@Pandariezl

Sobrang nakakastress na yung pandemic. Gusto kong pumunta sa ganitong lugar. Yung nakakawala ng stress. Yung tipong pachill chill lang. Masarap sa mata, masarap pagmasdan. Nakakapayapa ng kalooban. Sa dami ng pinagdadaanan ng mga tao, minsan talaga parang gusto mo nalang sumuko eh. Gusto ko pumunta sa lugar na ganito para mawala yung mga inaalala, makatakas sa problema at marefresh ang utak. Kahit ilang araw lang sana. Kaso paano naman makakapunta? Dahil sa pandemic ang…

@Pandariezl

#THROWBACK! 5yrs ago, nung bago palang ako dito sa company na pinapasukan ko ay naisama ako sa list ng mga empleyado na magtetake ng First Aid Seminar. Kasama sa First Aid Seminar yung pagbbigay ng CPR, mga paunang lunas kapag naaksidente, at kung anu ano pa kapag may sakuna at aksidente na naganap nga. That time madami ako natututunan, though yung iba ay natalakay na nung college sa NSTP. So ayun nga, para sa last training namin, naghanap sila ng mga volunteers para maging…

@Pandariezl

#THROWBACK So alam ko halos karamihan ay tapos na magdinner. Kaya its time na for dessert. Share ko lang tong Strawberry Cheesecake na nabili namin sa SM Aura. Pupunta kami kasi nun sa Mckinley para makita ang Venice Grand Canal at ayun nga, napadaan nadin kami sa SM Aura. Habang nagstroll sa loob ng mall ay nakita ko ang isang bakery na nagngangalang Paul. Ang sarap tignan pero ang sarap din ng presyo. Itong isang slice na ito ay 200+ yata eh ang liit lang. Pero kapag…

@Pandariezl

Nagpapaantok nalang! Nakahiga na at inaantay si Mister. Tatapusin namin ang movie na Crazy Rich Asians. Dko mascreenshot kasi bawal sa Netflix, hahaha! Black lang yung lalabas kapag iniscreenshot. Half na yung napapanood namin, sabi ni Hubbybi mahirap nga din daw tlaga maging sobrang yaman. Marami kasi makikialam sa buhay mo. Okay na yung sapat sapat nalang at tahimik na buhay. Pati na ang hirap ng buhay na kontrolado no? Hindi mo magawa yung talagang gusto mo kasi lagi…

@Pandariezl

Done watching Crazy Rich Asians. Grabe, ang sosyal ni Kris Aquino. Nasama sa isang foreign films. Maganda din yung movie. Akala ko puro sosyalan lang yun, may lesson din pala. Hehe! Mahirap tlaga magmahal ng sobrang yaman. Hindi ka na nga agad matatanggap, mahuhusgahan pa pagkatao mo kahit gaano mo iayos ang pamumuhay mo. Pati past mo hahalungkatin para lang may masabing baho saiyo. Hays! Yung mga lumang tradition tlaga minsan ang hirap intindihin e. Lalo na yung kailangan…

@Pandariezl

Maaliwalas na Umaga! Eto at papasok na. Share ko lang itong Maruya na ginawa ko nung nagbubuntis ako. Ang weird kasi talaga ng mga cravings ko nung buntis ako. Kung anu ano nalang. Hindi naman ako mahilig sa Maruya, pero nagcrave ako nun. So ayun nga, bgla akong nagcrave sa Maruya. Kaso that time sobrang mahal ang saging na saba. As in ang mahal. So bgla lumabas si Hubbybi, dko alam kung saan nagpunta. Ayun pala, naghanap sya ng mabibilhan ng saging. Yung mejo mura. That…

@Pandariezl

Ito yung isa sa mga favorite ko tlaga nung bata pa ako, at magpahanggang ngayon. Pero ito kasi yung tag-tipid version. Haha! Ang Nata de Coco. Sobrang sarap nito lalo na kapag malamig sya. Grabeee! Nakakamiss! Wala na kasi ako nakikita na nagttnda ngayon. Si mama naman kapag pinapaluto ko nito, sabi nya ayaw nya kasi mahirap. Pero mahirap naman kasi talaga! Nakikita ko kung paano nya lutuin. Hehe! Sobrang sarap nito lalo kapag may langka. Hayssss! Namimiss ko nnaman maging…

@Pandariezl

Lunch time it is! Kainan na! Eto ang aming free lunch sa office ngayon. Pritong Galunggong, Sotanghon at Pakbet. At syempre may baon padin akong mansanas. Nagbaon din ng sariling baunan para maiwasan ang contact. Di man totally maiwasan, atleast malessen man lang. Tandaan, tayo nalang ang mag ingat sa mga sarili natin. Ngayong pandemic, hindi basta basta pwede balewalain. Kahit anong paalala at gawin ng gobyerno, kung tayo mismo na mamamayan ay di susunod, di din magiging…

@Pandariezl

Grabe! Isa ito talaga sa namimiss ko eh. Yung mga time na kapag walang pasok or weekend ay pupunta kami sa park. Tapos paglalaruin at patatakbuhin ko sa ground yung anak ko. Minsan nagdadala kami ng bola at hinahayaan ko sya na magsoccer or magpasahan kami ng bola. Kasi mas masaya kapag nagiging energetic at lively ang bata. Gusto ko din ginagawa ito para makalayo sya sa gadgets at ma-exercise ang katawan nya. At syempre bonding nadin namin. Pati kami ni Hubbybi ay…

@Pandariezl

#THROWBACK! Nung nagpunta kami sa Singapore, hindi namin pinalagpas ang mga store na nagbebenta ng mga items for $1. Karamihan ng tinitinda nila ay mga chocolates. Grabe, akalain mo yun. Dito satin sa Pinas napakamahal ng chocolates, pero sa Singapore napakamura. Kaya nung pag uwi namin, marami din akong naiuwi. Hehe! Meron pang ibang items na mura lang din. Mga pabango, cookies, chips, at pati nadin itong giant lollipop. Pero hindi ako bumili nito. Baka mamaga ang lalamunan…

@Pandariezl

#THROWBACK Grabe! One of the great experience ko din sa ibang bansa ang pagsakay sa kanilang public transport. Ito yung bus sa Singapore. Grabe ang luwag diba? Hehe! Satin kasi nung wala pang pandemic ay halos parang sardinas na. Kasya padaw, kasya pa. Pero ni hindi ka na nga makahinga sa loob. Gitgitan din tlaga lalo pag may baba na mula sa dulo ng bus. Talikuran sa bus kapag rush hour. Kaso wala kanaman magagawa kasi gusto mo na makauwi. Grabe yung hirap ng pagsakay sa bus…

@Pandariezl

Nag aya si Hubbybi manood ng movie. Haha! Kagabi Crazy Rich Asians, ngayon naman Birdbox. 2018 pa to pinalabas pero now lang namin papanoorin. Haha! Nacurious sya ano daw ba kwento nito. Hindi kasi tlaga kami nagkainteres panuorin to nung pinalabas ito dati. Parang suspense ito eh, nakakacurious kung bakit kailangan pa naka blindfold ang mga bata at kung bkit bawal magsalita. Haha! Sa mga nakapanood na, no spoilers pls. :)

@Pandariezl

Dinnertime! Nagluto ako ng Binagoongan Baboy na may pritong talong. Hehe! Sarap kumain habang nanonood. Haha! Tuloy tuloy ang pagsubo habang nacucurious sa palabas. Hehe! Tutok na tutok ang mga mata sa palabas habang ang kutsara tutok na tutok din sa pagsubo. Dna tuloy namamalayan na ubos na pala ang kinakain. Haha! Kain na din po. Ingat ang lahat!

@Pandariezl

#SHAREKOLANG Sa shopee sobrang daming mabibili no? Haha! Lahat yata ng maisip mo, meron dun. So ayun nga, gustong gusto ko magpatattoo eversince. Kaya nga lang disapprove si Hubbybi. Ayaw nya kasi wag nadaw namin dumihan ang balat namin, madumi na kasi. Charr! Pero ayun nga, wag na daw. Maging simple nalamg daw. So eto, sa shopee meron mga temporary tattoo na mabibili. Yung babasain mo lang ng tubig tas didikit na. Kailangan lang magaling ka sumunod sa instruction, kung…

@Pandariezl

Tulugan time! Grabe, biyernes na agad bukas. Parang dko namalayan yung pagdaan ng araw. Ganun ganun lang yun. Ang bilis ng panahon, bukas makalawa -ber months na. Sabi noon sa balita, may posibilidad ang Mask Free Christmas. Pero sa nangyayari ngayon? Parang napaka imposible. Alam ko hindi lang ako ang may dasal na mawala at matapos na ang Covid. Lahat tayo yan ang dasal pero wala tyo magawa kundi magtiwala. Kaya magtiwala tyo guys! Pasasaan ba at matatapos din ito.…

@Pandariezl

Friday morning! Weeeh! Excited me pumasok kaso konti nalang at sabado na. Tapos pahinga naaaa! Pero sabi ko kay Hubbybi sa Linggo magpintura kami ng bahay. Yung bahay kasi namin puro sulat ng pentel pen at crayon. Sinulatan ng anak ko eh. Haha! Hinayaan ko lang na sulatan pero sinabihan ko na wag nya ulitin. Kasi hindi tama yun. So ayun nga, bukas bbili kami pintura. Weeeh! Mag aayos kami ng bahay kasi feeling namin napabayaan na. Kahit apartment lang ito at hindi samin,…

@Pandariezl

Halaaa! Ngayon ko lang napansin na Friday the 13th pala today! Hahaha! Ang saya saya ko pa kasi Friday. Sabi nila pag Friday the 13th , malas daw! Haha! Pero di naman ako naniniwala dito eh. May mga bagay lang sguro na supposed to happen. Tayo din ang gumagwa ng kapalaran natin. Hindi totoo yung malas na yan. Kapag umiisip ka ng negative, makakaattract ka ng negative din. Sobrang powerful ng mind natin. Law of Attraction is real I think. Think positivity so youll attract…

@Pandariezl

SHARE KO LANG! So eto na nga, share ko lang ung super duper favorite ko na candy. Ang NOUGAT! Favorite ko din yung nougat na local pero eto talaga superb ang lasa. As in, di mo matitiis na di kainin. Haha! Nung una ko tong matikman, napasabi ako na ito na ang The One. Charr! Pero seryoso, sobrang sarap nito. As in! May iba din variant nito pero ang pinaka gusto ko ay itong Original Flavor na soft. Super lambot sa bibig. Tapos basta! Sobrang sarap! Everytime uuwi yung kapatid…

@Pandariezl

#THROWBACK! Share ko lang yung Creamy Lengua na niluto ko nung Father’s Day! Hahaha! Ang sarap ng dila ng baka lalo na kapag napa-lambot mo ng husto. Yung iba hindi kumakain nito kasi ewww daw pero sobrang sarap. Lalo na kpag creamy tlaga yung sauce nya. Ang sarap nya. So ayun nga, nagluto ako nito kasi tagal ng hindi nakakakain at para maiba naman. Nilalagyan sya ng cream of mushroom para mas maging malasa at masarap. Natuto lang ako magluto kakapanood sa cooking show at…

@Pandariezl

#SHAREKOLANG! So ayun, dati nagtitinda din kami ng Fried Isaw. Usually ung mga tintinda namin ay favorite namin kainin. Why? Kasi usually ang pinapractice namin lutuin ay yung mga paborito din namin. Para hindi na namin kailangan bumili sa labas. So ayun nga, pag natututunan namin lutuin, ginagawa din namin negosyo. At isa nga itong Fried Isaw. Ang down side lang ng pagbebenta nito ay mahirap syang linisin at mabaho talaga sya after mo linisin. Talagang kumakapit ang amoy.…

@Pandariezl

#THROWBACK! Grabe! Nung first ideclare ang ECQ ay saktong birthday ni Hubbybi. May plans dapat kaming kumain sa labas nun pero nacancelled kasi nga nagdeclare ng ECQ. Nakapagpa reserve na kami tapos hindi natuloy. Kaya naghanda nalang kami sa bahay. So eto nga, ginawan ko nalang sya ng kanyang favorite cheesecake! Gumawa ako ng 3 Flavored Cheesecake. May Peaches, Strawberry at Blueberry. Tapos pinagbake ko nalang din sya ng Lasagna. Nakalimutan ko na yung ibang hinanda ko…

@Pandariezl

So ayun! Maaga ako nag off sa office. Sabi ko kay Hubbybi ipagluluto ko sya ng Homemade Burger Steak. Para naman hindi puro luto sa labas ang kinakain nya. Hehe! Tsaka mas matipid kasi pag nagluluto sa bahay. So ayun nga, nagpabili ako sakanya ng ground beef, mushroom at sibuyas. Naiprepare ko na yung mga burger patties. Bale ang nilagay ko lang sa patties ay yung ginayat na sibuyas, asin at paminta lang. Di na ako nagdagdag ng harina para hindi maglasang harina. Hehe!…

@Pandariezl

Lapit na maluto! Kahit na hindi kalasa ni Jabee, pwede nadin. Hehehe! Atleast lutong bahay with love syempre. Hehe! Minsan nalang talaga makapagluto, kaya talagang nakakatuwa kapag nakakapagluto sa bahay. Minsan talaga need natin magbigay ng oras para sa pamilya natin. Food binds the family. Kaya kung mapapansin natin laging masaya kapag maraming pagkain at kapag sama samang kumakain ang pamilya. Haha! Osya, kain na. Ano ulam nyo? :)

@Pandariezl

#SHAREKOLANG! Share ko lang tong Vegetable Salad with Roasted Chicken na inorder ko sa McDonald’s Singapore. Yes! Sa McDonald’s sa ibang bansa meron sila sa menu nila na Vegetable Salad. Sana nga dto din sa Pinas meron eh. Super katuwa kasi kumain ng salad. Masarap din yung salad nila, super tasty. Mejo kaumay kasi yung mga menu sa fastfood kasi puro Burger, Fries, Fried Chicken at Spagetti. Pero siguro kaya wala din salad kasi baka hindi tangkilikin ng mga Pinoy. Hehe!…

@Pandariezl

Its time to sleep again! Grabe, kakatapos lang namin panoorin yung A Quiet Place. Lakas manggulat nung palabas na yun pero okay naman. Lahat talaga gagawin ng magulang para sa anak eh. Mahirap maging magulang kasi maraming responsibilidad. Kahit pagod at hirap kana, hindi ka basta basta pwede sumuko. Walang ktapusan ang pgiging magulang. Nakakalungkot lang na kailangan pa mamatay nung father nla. Hindi nla agad ntuklasam yung weakness nung monster. Hays. Nkakalungkot lng…

@Pandariezl

Saturday Morning! Yiee, last pasok na for this work week. Hehe! Saya saya, bukas walang pasok. Pero malungkot kasi di kami makakauwi para makita sa Bebi. Hays. Pero konting tiis lang, para naman yun sa kaligtasan. ‘Mahirap man pero dapat kayanin. Positive thinking lang! Walang aayaw! Hehe! Ingat po ang lahat ng aalis ng kani-kaniyang bahay. Wag kalimutan ang mask at faceshield. At sumunod sa mga protocols. Ang covid19 ay nanjan padin, wag po pakampante. Magbaon din ng dasal…

@Pandariezl

#THROWBACK! Dama mo naba ang pasko? Haha! Charr! Throwback lang ng Christmas Tree sa huling Hotel na pinagcheck in namin nung 2019. Nakakamangha yung pagdedesign nla ng Christmas Tree, sana marunong din ako magdesign ng gnyan kaganda. Hehe! Sino mawala na ang pandemic pra maging masaya naman ang pasko natin. Maibalik ulit sa mga kabataan ang excitement at ngiti tuwing kapaskuhan. Yung tipong pumupunta sa mga ninong at ninang para bumisita at mangamusta. Yung tipong excited…

@Pandariezl

Lunch time nnaman! Eto naman ngayon ang aming free lunch sa office. Adobong Manok with Egg at Ginataang Langka na mejo maanghang. Kaya ko naman kumain ng maanghang wag lang yung sobra. Di kasi kaya ng dila ko. Tsaka nauubo agad ako. Pero minsan nagkecrave naman din ako sa maanghang. Ang weird lang tlaga. Haha! Pero ayun, masarap din kasi tlaga ang ginataang pagkain kapag mejo may kick ng anghang eh. Sarap nito. Kainan napo! Happy eating!

@Pandariezl

Nakakamissna sumakay ng eroplano at magtravel. Kahit pa sabihin na minsan sobrang haba ng oras ng paghihintay, once na nasa loob ka na ng eroplano, okay na lahat. Ang sarap tumingin sa karagatan ng ulap. Yun bang minsan gusto mo buksan yung bintana para hawakan sila, para maramdaman kung ano ba tlaga sila. Kung malambot ba na parang unan o bulak. Pero hindi naman pwede yun: hahaha! Nakakarelax sila pagmasdan dahil sa kulay nila. Nakakatuwa isipin na napakataas mo mula sa…

@Pandariezl

#THROWBACK #SHAREKOLANG Ito ay kuha sa loob ng The Venetian Macau. Ang ganda sa loob nito, ang daming fancy stores and restaurant. Na mga mayayaman lang ang makakaafford kasi ang mamahal ng tinda eh. Hehe! Meron din silang grand canal sa loob at meron din parang boat na maliit na may sakay na mga tumutugtog, alam ko pwede kadin sumakay pero may bayad. Tapos makikita mo dun sa tubig, ang daming coins. Sguro may mga tao na gnawa na itong parang wishing well. Haha! Kapag…

@Pandariezl

Hi guys! Share ko lang yung isa sa mga product testing na ginawa namin pero di talaga namin naibenta. Ang tawag dito ay Mac n Cheese Balls. Ang mac n cheese balls ay gawa sa mac n cheese na binilog at pinirito. Sa pagprepare nito, kailangan muna gumawa ng mac n cheese. So yung mac n cheese ay macaroni lang na hinaluan ng cheese sauce. Kapag nagawa na ito, bibilugin mo lang sya at papatigasin sa freezer. Yung sauce dapat ay malapot para kumapit sa macaroni. Kapag napatigas na…

@Pandariezl

Kain napo tayo! Hotdog at Sardinas ang ulam namin ngayong gabi. Mejo nanawa kasi sa karne kaya para maiba naman. At para hindi nadin mapagod sa pagluluto. Bukas nalang ulit magluluto. Pinapanood din namin ni Hubby yung A Quiet Place 2. Haha! Mejo nagandahan kasi kami kaya tinuloy namin ngayon. Sarap ng sardinas, nilagyan ni Hubbybi ng konting toyo at kalamansi. Walang lasa ng lansa. Ingat po ang lahat ng pauwi at nasa labas. At happy eating sa mga kumakain na. Enjoy your…

@Pandariezl

Early goodnight everyone! Ang aga ko inantok. Ang dami ko kc ginawa kanina. Hehe! Sabado pa nman tapos mtutulog na agad. Kung kelan pwede sana magpuyat. Haha! Kaso wala ako magawa kasi pumipikit na yung mata ko. Plus malamig pa kasi parang uulan. So ayun nga, matutulog na para maipahinga ang pagal na katawan na halos isang linggo nagtatrabaho. Saludo sa ating matyaga na lumalaban sa hamon ng bahay. Magpahinga tayo pag may oras para makakuha muli ng lakas. Ingat po sa lahat!

@Pandariezl

Sunday Morning! Gising naba kayo? Maulan ang panahon no? Kain muna ng Cereal with Milk bago magsimula sa mga gawain. Konti nalang naman ang gawain kasi nakapaglaba na kahapon e. So makakapahinga ngayon. Hindi kami natuloy magpintura ngayon kasi hindi kami nakabili ng pintura. Nag uulan kasi kahapon kaya hindi natuloy ang pagbili. Sa susunod nalang daw sabi ni Mister. So ayun, may time magrelax. Haha! Ingat everyone! Kain nadin kayo.

@Pandariezl

Muntik ko na malimutan, umorder nga pala ako ng Kakanin. Hehe! Nagulat nalang ako may nagchat sa messenger, reremind pala ako sa Kakanin. Nung isang araw sobrang excited ako dito, pero sa sobrang daming iniisip at ginagawa, bgla ko na nalimutan. Haha! Kumain lang kami ng tag-isang slice ni Hubbybi, mamaya na ulit. Dami na kasi din namin nakain eh. Ang aga palang dami na nakain. Hahaha! Katakawan is real. Osya, kain na po sa mga dpa kumakain. Ingat!

@Pandariezl

Done na iprepare ang Homemade Siomai para mamayang gabi. Hehe! Simple lang ang recipe ng siomai na ginawa ko. Para ito sa mga budgetarian na katulad ko. Haha! Bale pork giniling, carrots, sibuyas, bawang, asin at paminta lang ang sahog. Ginadgad ko yung carrots, bawang at sibuyas para pino ito. Tapos ready to use na Molo Wrapper nalang ang binili ni Hubbybi para di na mahirapan gumawa. Matrabaho kasi yun. Hehe Nasa freezer na ito, nilagyan lang ng plastic cling wrap para di…

@Pandariezl

Lunch time naman! Kain napo tayo. Adobong Manok na may gata ang ulam namin. Hehe Ang sarap kasi partner pa ay Sinangag na maraming bawang. Mapapakain nnaman ng marami nito. Hahaha! Sira na tlaga ang diet. Haha! Dibale, cheat day nalang kunwari. Sunday naman eh. Dapat happy lang at enjoy. Hehhe! Palusot pa para di maguilty. Ano po mga ulam nyo? Kain na! Bawal magpalipas kasi baka magkasakit! Kain mabuti!

@Pandariezl

Grabe! Meron pala nito sa Netflix! Ang title nito ay Lavender. Lumang Taiwanovela ito na pinalabas noon sa GMA 7. Sobrang favorite namin ni Ate ito. Sobrang nakakalungkot at nakakaiyak to. Nauso din dati nung elementary ako yung mini bottle na may Lavender sa loob na necklace. Bumili din kami nun. Hehe Matagal ko na itong gusto panuorin, ngayon ko nalang ulit naalala. Super iyak ano noon kasi super kalungkot tlaga ito. Papanoorin ko na! Heheh!

@Pandariezl

Dinner Time! Ang ulam namin ngayon at Pak na Pak at Bet na Bet na Pinakbet! Hahaha! All time favorite na gulay dish dito sa bahay. Ako nagluto pero si Hubbybi na nag antay na lumambot yung gulay. Busy kasi ako kakapanood ng Lavender. Haha! Di masyado makatambay sa NC kakanood. Namiss ko kasi talaga tong palabas na to. Kain na po tayo!

@Pandariezl

Malapit ko na matapos yung episode 3 ng Lavender. Haha! 1hr per episode, dko na masyado namalayan ang oras kakanood. Inaantay ko din yung tawag ng Bebi ko. Sabi ko sknya tawagan nya ako kapag nasa kwarto na sya. 5yrs old palang sya pero matandain at alam nya na ang gagawin nya. Sa murang pag iisip, naging independent nadin sya. Marunong na sya magsipilyo at paliguan ang sarili nya, marunong nadin sya kumuha ng isusuot at magbihis. Madali din syang utusan kung may ipapakuha.…

@Pandariezl

Goodnight everyone! Tulugan time! Idodownload ko yung ibang episodes para mapanood bukas sa office habang lunch break. Grabe! Kakaadik tlaga tong palabas na Lavender. Kahit napanood ko na, nakakaexcite padin yung mga mangyayari. Hehe! Tapos sa huli iiyak lang din naman ako ulit kahit alam ko na yung mangyayari. Bakit ganun no? Kapag malungkot yung pangyayari, kahit paulit ulit eh maiiyak parin tyo at masasaktan. Pero kapag yung joke naman paulit ulit, dnaman tyo paulit ulit…

@Pandariezl

Monday morning nanaman, back to work nanaman! Lapit na mag Aug 20, ano kaya mangyayari? Maeextend kaya ang ECQ? Hays! May bagong variant nanaman na nakapasok din sa bansa natin, hanggang kailan kaya yung mga bagong variant na yan? Hindi natatapos ang problema sa pandemya. Sana matapos na ito. Para matapos nadin ang kalungkutan at takot na bumabalot sa bawat tao. Nakakapagod na minsan lumaban pero dnaman pwede sumuko. Lord, Ikaw lang po ang aming masasandigan sa panahon na…

@Pandariezl

#SHAREKOLANG! Aga ng paValentines ni Hubbybi, nakabili ng Face Shield na may design na heart. Mejo nakakatawa lang yung design. Haha! Nagulat kami parehas nung buksan yung box, di namin expected na yung binder nya ay heart shape. Red and Blue pa yung nakuha kaya talagang couple goals na ituu! Charr! Hahaha! Pang magpartner talaga eh. Laughtrip! Pero infairness, ang sweet din. Di daw alam ni Hubbybi na ganyan yung design. Eh no choice na, kahit nakakatawa yung design ay need…

@Pandariezl

#SHAREKOLANG! Share ko lang yung usapan namin sa gc naming magkakabarkada since highschool. 15years na kami magkakakilala. Bigla napag-usapan yung utang kasi yung isang friend namin kumuha ng appliance loan na installment tapos 50% yung interest. Hahaha! Gigil na gigil kami at sabi namin bayaran na nya ng buo at tigilan na ang kakautang. Kasi yun ang magpapalubog sknya. Hindi sa nakakaluwag o mayaman pero eversince magkawork ako, iniwasan ko na talaga mangutang. Kung hindi…

@Pandariezl

#LUNCHTIME! So eto na, tanghalian nanaman. Ang free food sa office ngayon ay Fried Chicken ulit at Adobong Sitaw. Usually, paulit ulit lang yung mga ulam pero keri lang, ang importante naman ay malamnan ang sikmura. Eto, hiniram ko din yung airpods ni Hubbybi kasi dko makita kung nasan yung headset ko. Red yung color kasi tinerno nya sa cp nya. Haha! Sa shopee lang namin binili ito kasi mahal yung original. Lol! Kaya ayun. Dinala ko kasi manonood ako ng Lavender habang…

@Pandariezl

#SHAREKOLANG! Mahilig ako magbasa noon lagi sa wattpad. Hanggang mapuyat, basa ako ng basa at tutok na tutok sa screen ng cellphone kaya sguro lalo lumabo ang mata ko. Actually, naging writer din ako sa wattpad, kaya nga lang di ko na naituloy. Meron akong ilang ginawa na mga storya pero ayun, naiwan ko na yung account ko dun. Anyways, pag may nagugustuhan akong mga quotes sa mga binabasa ko sa wattpad, sinesave ko sya. Tulad nitong isa na ito. Totoo no? Minsan yung mundo…

@Pandariezl

#SHAREKOLANG! Throwback picture lang po ito. Ito yung isang best seller namin nung nag oonline selling pa kami. Ang focus namin na ibenta tlaga is Food. Kasi mahilig kami kumain at magluto. So itong Cheesecake Cups, isa ito sa pinakamabenta namin na product. Available sya in Blueberry and Strawberry Flavor. Meron din palang Nutella Flavor. So ang isang tub nito ay binebenta namin ng 200 pesos. 6pcs ang laman ng bawat tub. Pwedeng assorted sa isang tub, pwede din naman na…

@Pandariezl

#SHAREKOLANG! One of the best kakanin na natikman ko is itong Black Kutsinta with yema and budbod. Dko alam ano pinagkaiba nya sa usual na kutsinta pero di nya kalasa kasi yun eh. Haha! Si Bebi din, basta makita nya itong black kutsinta ay masaya sya. Kasi naging favorite na nya. Lagi ako umoorder nito kapag may handaan. Isang store lang ang pinag oorderan ko nito kasi masarap yung gawa nila, at sulit na sulit tlaga! Hindi sya ganun katamis, tamang tama lang. Maka order nga…

@Pandariezl

At naging busy na nga ako kakanood ng Lavender. Kainis! Naadik nanaman hahah! Masarap sana lalo manood kung meron ganito. Ang chips and salsa! Favorite ko tlga ang salsa, pero hindi yung maanghang. Gusto ko yung isang local brand ng salsa dito sa Pinas, mild na mild lang sya. Di din masyado naoover power yung lasa ng chips. Ang sarap lalo ng chips kapag may salsa, mas nakakagana kainin. Hehe! Throwback pic lang, bawal nako kumain kasi nag umpisa na ulit ng serious 16:8…

@Pandariezl

Panibagong Araw nanaman! Naway maging maganda ang takbo ng araw na ito. Maging maayos sana ang lahat. Sa araw araw, ang daming nangyayari sa mundo. Hindi na natin alam kung ano bang dapat gawin. Basta sunod nlang sa agos ng buhay. Nagsusumikap para sa pamilya. Kayod ng kayod para mabigay ang pangangailangan nila. Npapagod man minsan pero hindi sumusuko. Ganyan talaga ang buhay. Mahirap pero wala kang magagawa kundi lumaban. Laban lang! Isang araw magigising din tayo na okay…

@Pandariezl

#SHAREKOLANG! So nung nakaraan nga nagpost ako ng cookies. Ganito ko sya niluluto noon nung wala pa kaming oven. Nakataob yung springform pan, yung plate naman sa loob ay nakabaliktad din. Hehe! Tapos lalagay mo lang sya sa loob ng malaking kaldero at tatakpan. low-medium heat lang ang ginagawa ko. Ang concept kasi ay maipon yung init sa loob ng kaldero, parang sa oven din. Ang flavor ng cookies na ito ay Peanut Butter Cookies. Pansin ko lang na kapag naluto na sya, di sya…

@Pandariezl

Last year, nagstart yung pandemic. Yung school na pinapasukan ng anak ko ay nagconduct ng Online Summer Class. Isa sa pinagawa saknila ay ang Recycled Maracca. Gamit ang Used Mineral Water Bottle, lalagyan ito ng mga bato, coins o ano man na pwede magpatunog sa loob. Pagkatapos nun, dedesignan lang ito ng mga art at colored paper para maging makulay. Maganda yung mga ganitong project kasi natututo at nagiging creative ang mga bata. Isa din ito para magkaroon ng bonding ang…

@Pandariezl

#LUNCHTIME SERIES Share ko lang itong aking free lunch from office. Sotanghon at Igado. Wala akong apple ngayon kasi nalimutan ilagay ni Hubbybi sa bag ko. Hehe! Pero okay lang. Maganda sa katawan yung apple kaya everyday ako nagbabaon nun. Marami kasi syang benefits at nutrients. Hehe! Ngayon nakakakain nako ulit ng Igado. Noon kasi di ako makakain. Ito kasi yung reason bat ako nagdiet noon. Pag nakikita ko sya parang bumabaliktad sikmura ko. Haha! Ang weird pero thankful…

@Pandariezl

#THROWBACK! So ayun nga, nung mga naka 2yrs na yata ako sa company namin, naisipan ko kumuha ng credit card. Sabi nila, nakakabaon sa utang daw ang credit card. Pero yun ay kung di ka marunong gumamit. So inaral ko muna ang pasikot sikot ng credit card bago ako tuluyan kumuha. Maganda din yung credit card na nakuha ko kasi mababa lang ang credit limit nya. Hindi ka tlaga mababaon sa utang. So ayun, ito yung una kong nabili gamit ang credit card ko. Pinursue ko magkaroon ng…

@Pandariezl

Pumunta kami sa isang Kiddi Birthday Party ni Hubbybi at Bebi. Meron silang inarkila na magpeface paint para sa mga bata at para nadin sa mga matanda na isip bata. So inaya ko si Hubbybi na magpapaint nalang sa pulso. At pumayag naman sya. Yiee! Haha! Tag half hearts kami, para kami ang better half ng isa’t isa. Yiee! Sobrang cheesy. Hehe! Nakakatuwa at the same time nakakakilig din syempre. Haha! Hindi naman kasi lahat ng lalaki ay game sa mga ganitong pa-ek ek. Meron din…

@Pandariezl

Nakakain nadin ba kayo ng Tosyong Bangus? Ang sarap no? Pinakagusto ko sa Tosyong Bangus ay yung Tahore. Ang tahore ay yung fermented tofu. Dko alam din bakit gustong gusto ko yun, chinese nga yata talaga ako charr! Isa pa sa gusto ko sa Tosyong Bangus ay kapag nilalagyan ng labong. Sobrang mas masarap kapag maraming labong at tahore. Pag nagpapaluto ako nito kay Mama, sinasabi ko sakanya na wag nya masyado durugin ang tahore. Hindi ko alam bakit pero sobrang gustong gusto…

@Pandariezl

Ang weird lang nung scene sa Lavender kung saan sinabi ni Tong kay Jingjing kung pwede ba nila itry na maging sila kasi crush naman daw sya ni Jingjing. Ang weird lang kasi kakabasted lang ni Tong dun sa taong gusto nya. Naiyak si Jingjing kasi di nya akalain na yung crush nya ay magging boyfriend nya. Pero kung sa totoong buhay, maiiyak din sguro ako. Hindi dahil sa saya kundi sa lungkot. Gagawin kalang rebound kasi nasaktan sya. Panakip butas kalang pra maipakita na hindi…

@Pandariezl

Umaga! Grabe! Bat ganun? Bakit ang hirap maghanap ng mabbilhan ng lugaw? Haha! May pinagtatanungan ako pero wala naman sagot. Yung iba, dna nagtitinda. Dto samin wala kasi nagttinda kaya sa online ako naghahanap. Hays! Hirap naman. Craving pa naman ako sa lugaw. Hehe! Tagal ko ng di nakakain nun. Totoo nga na essential ang lugaw. Charr! Sana sumagot yung isa kong napagtanungan, mejo nakakalungkot. Dati ang daming lugawan, ngayon unti unti na nababawasan. Dami na tlaga…

@Pandariezl

Breakfast it is! Craving for lugaw at eto na ngaaaa! Actually ito ay Goto, same lang din halos sa lugaw. Meron nga lang mga laman laman. Ansarap! Lalo malapot lapot yung goto. May pa extra pa na Crispy Pork. Lalo sumarap tuloy. Heheh! Okay na okay din ang combination ng Goto at Suka! Ang saya saya! Thanks so much kay Hubbybi sa paglibre. Wahaha! Oo, minsan naglilibrehan padin kami kahit mag asawa na kami. Meron ksi kami kanya kanyang pera. Pag may gusto sya, binibili ko sya.…

@Pandariezl

#THROWBACK #SHAREKOLANG Eto yung Lounge/Waiting Area sa First VIP Cinema na pinuntahan namin ni Hubbybi. Lakas makasosyal dba? Haha! Ang ganda lang. Lahat ng mga guest ay dito mag aantay habang dpa time ng showing ng movie na papanuorin nla. Pagkaiatanda ko may free popcorn na kasama yung ticket dto kapag nag avail ka. Hehe! Sulit nadin kesa bumili ka. Pero that time yata nag add pa kami ng Taco Bell kasi sobrang matakaw ako. 🤣🤣🤣 Pwede ka magdala ng outside foods dito unlike…

@Pandariezl

#LUNCHTIME SERIES Mejo busog pa ako pero kakain nadin kasi bawal magpalipas hehe! Ang bigat kasi sa tyan ng goto kanina, sobrang lapot nya tsaka marami yung serving. Pati na ang daming laman, twalya yata yung sahog nya. Kaya ayun, sobrang nakakabusog. Ngayon naman, ang free lunch namin ay Tinolang Manok, Toge at Nilagang Itlog. Hindi nako kumuha ng Nilagang Itlog, tinatamad kasi ako magbalat. Haha! Kahit busog pa, need ko kumain kasi hanggang 4pm lang ako pwede kumain dahil…

@Pandariezl

FRIES! Lahat ng tao yata mahilig sa french fries no? Ano ba meron sa pagkain na ito at paborito ng lahat? Hahaha! Ang yummy naman kasi tlaga. Ang sarap papakin lalo kapag nanonood ng movie o nakikipag kwentuhan sa barkada. Mas lalong masarap kapag may flavour! Cheese, BBQ o Sour Cream pa yan! At syempre mas masarap kapag may sawsawan na tomato ketchup! At samahan pa ng malamig na shake or softdrinks! Pero isa din ito sa mga nagcacause ng mabilis na pagtaba. At sobrang…

@Pandariezl

At dahil nga mahilig ako sa something Japanese, Anime at Kawaii Stuff, eto na nga. Nakita ko to kahapon sa Supermarket. Naggrocery kasi kami ni Mister para bumili ng mga snacks ni Bebi. Napadaan kami sa Bread and Pastry Section at nkita ko nga tong Fuwa Fuwa Bread na ito. Matagal na ako curious sa lasa nito kaso kasi mahal shipping fee kapag sa Shopee ka nag order. So ayun, bumili lang muna ako ng isa. Masarap naman itong Custard Bun. Parang may Leche Flan sya sa loob. Pero…

@Pandariezl

#THROWBACK! Taas ang kamay ng mga taong mahilig sa Adobong Paa ng manok. Ang sarap no? Lalo kapag nanunuot ang lasa nya, na tagos hanggang buto ng manok. Yung tipong pati yung buto gusto mo na kainin. Ganun ako mag adobo ng manok, sobrang lambot at sobrang sipsip na sipsip yung lasa nya. Marami din bawang ang gusto ko. Ang sarap kainin nito kapag manamis namis at malapot ang sarsa. Favorite ito ng mga kabarkada ko. Everytime may outing laging may ganitong dala dala. Mas…

@Pandariezl

Grabe! Sumasakit ang puso ko dito sa pinapanood kong Taiwanovela. Alam mo yung mahal na mahal nyo ang isa’t isa pero mas pinili nyo palayain ang mga sarili nyo kasi may ibang umaasa sa inyo at pati nadin feeling nyo di kayo para sa isa’t isa? Yun bang naggive up kayo para sa kaligayahan ng iba, at pati nadin feeling nyo pinaglalayo talaga kayo ng tadhana? Puro nalang sakit, lungkot at gulo. Hindi natatapos kaya mas pinili nyo nalang magkanya kanyang buhay. Pero hindi parin…

@Pandariezl

Grabeee! Ito na nga ang tuluyan na nagluluha ang ate nyo. Hehe! Tinapos ko na yung final episode ng Lavender. Shemayyy! Ang sakit sa puso kapag nawalan ka ng minamahal. Hindi mo alam paano ka magsisimula ulit. Lahat ng nakasanayan mo mawawala bgla. Lalo pa kung sasandali nyo palang naeenjoy at nakakasama ang isa’t isa. Ang sakit sakit! Wala kana katabi matulog. Wala kana kasabay kumain. Wala kana mapagkukwentuhan ng mga bagay bagay sa buhay mo na dun mo lang gusto ishare sa…

@Pandariezl

Thursday it is! Late ako natulog pero maaga padin ako nagising. Hehe! Hanggang ngayon nalulungkot padin ako dahil sa ending ng Lavender. Sobrang apektado ako na di ko magets. Napapaisip kasi ako, pano kapag nangyari sakin yung ganun? Kapag iniwan nako ng minamahal ko dahil hindi na kaya ng katawan nya mabuhay? Pano nako? Parang di ko kaya! Minsan talaga nagiging dependent na tyo minsan sa isang tao na pag naiisip palang natin na mawawala sila, sobra tyong nalulungkot at…

@Pandariezl

Office na! Start nanaman ng busy na umaga. Hehe! Maraming trabaho na dapat gawin. Nakasanayan ko na talaga gumawa ng To Do List. Halos yata lahat ginagawan ko ng listahan. Para may maiwasan akong makalimutan. Mejo mahina kasi tlaga ang memory ko. Ang bilis ko makalimot ng mga bagay bagay. Kaya eto ang solusyon ko. Ang dami kong entry sa to do list ko ngayon. Hehe! Kaya magsisimula nako at di dapat tamarin. Lets work work work na! Be productive everyone! Ingat!

@Pandariezl

Kain na tayo ng breakfast guys! Lumpia overload ang peg natin ngayon. Haha! Kahapon kasi naiwan ko yung lumpiang toge para sa goto ko. Kaya eto ngayon, binili ako ni Hubbybi! Mini Lumpiang Toge ang nabili nya. Haha! Cute lang eh. Kaso bitin padin! Sobrang sarap kasi ng Lumpiang Toge. Haha! Yung shanghai naman ay David’s Tea Shanghai. Inalok kasi ako ng kaoffice ko kung gusto ko daw magpasabay, nag order daw kasi sya. Kaya nagpasabay nako ng Shanghai at Gyoza. Hehe! 60pcs per…

@Pandariezl

#SHAREKOLANG! Yung anak kong sobrang favorite si Spiderman. Hindi ko alam paano nya naging favorite pero basta tanungin mo sya ano gusto nyang bag o sapatos o damit, ang isasagot nya ay Spiderman. Haha! Kuha ito nung Halloween Party nila sa School nung 2019. Gusto nya daw Spiderman kaya binili ko sya ng costume na Spiderman. Halos lahat tlaga ng gamit nya ay Spiderman. Bag nya na pamasok noon, tapos pati keychain. Yung sapatos at medyas nya din ay Spiderman, pati nga yung…

@Pandariezl

#LUNCHTIME SERIES Lunch time na naman! May ulam kanaba? Dahil tayong mga pinoy ay mahilig sa kanin, lagi din itong may kapartner na ulam. Hindi naman kasi masarap kumain ng kanin kapag walang ulam kasi wala masyadong lasa. So tayong mga Pinoy, laging stress sa pag iisip kung ano ang uulamin. Tanghalian at Hapunan pa naman yan. Sa daming recipe sa online at mga cookbook, kung araw araw ka magluluto ay mauubusan ka talaga. Haha! Kaya ayan, share share tyo ng mga ulam natin…

@Pandariezl

#THROWBACK! Share ko lang itong ginawa kong Nl Bake Baked Mac nung wala pa kaming oven. Sobrang craving to ni Hubbybi kaya hanap ako online ng recipe. Masarap din sya katulad ng na-oven na baked mac pero hindi sila totally magkalasa. Minsan tlaga pag may gusto kang bagay, need mo maging madiskarte. Marami naman easy recipe na madaling sundan online. Need lang magtyaga na maghanap talaga. Tapos experiment nadin minsan. Nakalimutan ko na yung ingredients sa White Sauce nito…

@Pandariezl

#THROWBACK Last December 2019, pumunta kami ng Singapore. Pag uwi namin dito, nagkaroon ako ng ubo at sore throat. Grabe yung pagkati ng lalamunan ko that time. Feeling ko nga sumara that time yung throat ko eh. Tapos sobrang dry ng ubo. Dahil yata yun sa nabigla yung katawan ko sa weather. Humid kasi ang weather sa SG. So ayun, sa pagbabago ng panahon yata kaya nagkaganun ako. Nagworry yung boss ko at binigyan nya ako ng Chinese Medicine. Chinese kasi sila. Sabi nya inumin…

@Pandariezl

#SHAREKOLANG Ito pa yung isa namin binili sa Supermarket kasabay ng Fuwa Fuwa Custard Bread. Parang namiss ko kasi yung lasa. Haha! Ito ay Dorayaki or Japanese Pancake. Ito yung paboritong pagkain ni Doraemon. Sa Filipino Dub ng Doraemon, tinatawag nila itong Hopiang Monggo. Pero ang totoo, Pancake talaga ito sa Japan. Matamis yung batter nito, tapos may palaman na Red Bean Paste. Mejo sobrang tamis sya para sa panlasa ko kasi nga matamis na yung batter ng pancake tapos…

@Pandariezl

Share ko lang yung Bukayo na kinain ko kanina after lunch. Pantanggal umay at lansa lang sa bibig. Hehe! Nung Sunday ko pa ito pinabili kay Hubbybi, pero kanina ko lang naubos. Masarap ito pag mainit at bagong luto, kasi malambot pa sya. Pag lumamig kasi mejo tumitigas na. Madiskarte yung nagttnda nito. Meron kasi syang bukohan. Nagttinda sya ng Fresh Buko, Buko Juice tapos yung iba nga ay ginagawa nyang bukayo. Sila mismo yung nagluluto ng bukayo. Ang laki na nga ng…

@Pandariezl

Isa pa ito sa masarap na luto ng Paa ng Manok. Ang Sinampalukang Paa ng Manok. Masarap lalo kapag nanuot at tunay na maasim ang sabaw nito. Nakakadagdag sa asim yung paglalagay ng usbong ng sampalok. Hindi ko pa natry gumamit ng tunay na sampalok kapg nagsisigang. Mahirap kasi makahanap ng sariwang sampalok samin. Pero siguro mas masarap yun kesa sa Tamarind Powder. Pero masarap padin naman kahit Sigang Mix lang ang gamit basta makuha mo yung tamang timpla at mapalabas ang…

@Pandariezl

Haha! Laughtrip lang kay Queen Inutz. Though yung pagmumura ay di talaga maganda, pero hindi ibig sabhin nun ay msamang tao na. Minsan kasi nakagawian nalang din na expression. Pero nakakainspire din yung kwento ni Queen Inutz. Lahat talaga gagawin para sa pamilya. Yung nanay nya at anak nya ang inspirasyon nya kaya sya nagtyatyaga sa paglalive selling ng mga ukay. Nagtinda din kami ng mga Ukay Ukay. Sobrang hirap! Nakakapagod yung pag sosort, marumi din kasi dmo naman alam…

@Pandariezl

THANK GOD ITS FRIDAY! Saya saya diba? Hehe Isang tulog nalang at makikita ko na ang bebi ko. Makakauwi na ng Bulacan. Haha! Nag MECQ nadin sa Metro Manila. Pero ika nga sa narinig ko sa radyo kahapon, parang wala naman daw kaibahan ang ECQ at MECQ. Kasi kahit anong quarantine pa, lumalabas naman din ang mga tao. Di mo naman nga din ramdam yung ECQ kasi nakakagawa naman ng paraan yung iba para makalabas kahit di naman kailangan. Meron pa nga, gumagala gala pa. Haha!Idasal…

@Pandariezl

Pansin ko, marami yung sumusuko kay NC. Bakit? Kasi laging nasa isip kumita. Oo, syempre kaya tayo nandto talaga ay yung pag asa na kumita kahit konti. Pero sabi nga ni NC, enjoyin lang daw ang site at wag gawing hanapbuhay. The more kasi na ang mindset lang natin ay kumita dto, dun lang tayo magfofocus. At kapag hindi nameet yung goal na kumita, wala na, tatamarin na. Kung yung facebook nga na hindi naman tayo kumikita, okay lang satin. Eto pa kaya sa NC? Dapat same lang…

@Pandariezl

#Sharekolang! Nung isang araw, nagpagrabfood ako para sa meryenda kasi sobrang gutom ako na di ko maintindihan. Haha! Usually, di naman ako nagugutom kapag hapon na, pero ayun nga. Nag order ako sa isang Taiwanese Restaurant malapit sa company na pinapasukan ko. Ito yung isa sa inorder ko, Spaghetti Bread ang tawag nla dito. Ang flavored na inorder ko ay Roasted Pork Spagetti Bread. Spaghetti sya na ginawang sandwich gamit ang hotdog/footlong bun. Sobrang nakakabusog to kasi…

@Pandariezl

#LUNCHTIME SERIES! Eto na ang free food sa company for today! Haha! Pansit Bihon, Longganisa at syempre ang nakaugalian na Monggo. Every friday alam na namin lagi ang ulam, kasi same at same lang din. Pero ngayon hindi Pritong Bangus ang partner ng Pansit at Monggo, mejo mahal yata yung isda kaya iniba nung cook namin. Nung isang araw nga tagkakalahati lang yung galunggong na naibigay. Pero okay lang kasi free naman. Pagkasyahin nalang kung anong meron. Ika nga sa kasabihan,…

@Pandariezl

#Throwback! Share ko lang. Noon bago pa magpandemic, lagi nag oout of the country yung Boss namin. Once or twice a year, nag out of the country sya. Tapos kapag babalik sya, lagi sya may pasalubong sa amin na mga taga office. Isa ito sa mga pasalubong nya. Madalas na Lindt ang brand ng chocolate na pinapasalubong nya samin. Sa Duty Free yata sya bumibili kasi minsan nasa plastic pa ng Duty Free. Nakakatuwa lang na kahit paano ay naaalala nya yung mga taga office. Hehe!…

@Pandariezl

#Sharelangs Ito pa yung isang inorder ko nung nakaraan araw kasama ng Spaghetti Bread. Haha! Fried Spicy Squid. Dnaman sya super spicy, tama lang kaya nakain ko. Hehe! Dnaman kasi ako mahilig sa maaanghang. Meron syang dip na hindi ko alam kung ano ang tawag. Mejo manamis namis yun kaya nagcompliment sa Fried Squid. Sobrang sulit nito kasi ang dami ng isang serving at 85pesos lang. Nagustuhan din ito nung mga kaoffice ko, kaya kinabukasan nag order din sila. Sulit na sulit!

@Pandariezl

#SHAREKOLANG! Eto yung breakfast ko kaninang umaga. David’s Tea Gyoza. Kasabay ko syang inorder dun sa David’s Tea Shanghai. 145pesos lang ito at 60pcs na. Sobrang sulit nalang kasi di kana maghihirap magbilot. Iisteam or Prito mo nalang sya. Ang sarap nito. Hindi sya basta basta. Mejo gingery din yung lasa nya. Legit! Hehe! Sa mga dimsum laging steam ang gusto ko. Hindi ako mahilig sa fried dimsum. Kapag nag oorder kami sa Pao Tsin, laging steamed ang pinipili ko. Parang…

@Pandariezl

Dinnertime na! Lets eat, minna~ Nagpaluto si Hubbybi sakin ng Sinigang na Baboy. Ang gusto nya daw ay yung sinigang na ginisa. Kapag nagsisigang kasi ako ay pinagsasama ko na lahat ang baboy, sibuyas at kamatis tapos papakuluin lang hanggang lumambot then lagay ng pampalasa. Ngayon naman daw, gusto nya matry yung version ng sinigang ko na igigisa yung sibuyas, kamatis at baboy. Haha! Kahit anong pagluto pa ng sinigang yan, masarap naman tlaga ang sinigang. Pero meron nga iba…

@Pandariezl

Goodnight sa lahat! Bago ka matulog, anong nasa isip mo? Ako? Syempre yung araw araw kong dasal na sana matapos na ang pandemya. Sobrang hirap. Sobrang nakakalungkot. Sobrang nakakastress. Dahil sa pandemya na ito ay nalayo ako ng matagal sa anak ko. Kasi mas pinili ko yung makakabuti sknya. Mga panahong nakakapanghinayang kasi hindi ko sya kasama. Yung mga panahon na sana masaya kami magkasama. Sabay kumain, sabay matulog, sabay manonood. Gagala kapag walang pasok sa…

@Pandariezl

Happy Saturday everyone! Simulan natin ang araw natin ng puno ng saya at positivity. Kasi nga, bawal ang sad, dapat happy! Special Holiday nga pala today. So yung mga papasok ng work jan, may +30% tayo. Heheheh! Antay lang ako sa company service, maaga ako nakagayak. Haha! Mejo sinipag bumangon kahit naalimpungatan ako kaninang 330am. Magsikain na po ang lahat ng breakfast. Ingat po!

@Pandariezl

Soundtrip muna sa office habang wala pang ibang kasama. Hehe! Spotify free lang, kahit ano tumugtog, keri lang. Meron naman silang playlist. Haha One of my favorites talaga na kanta ng Slapshock itong Agent Orange. Grabe, napapasayaw pako kapag ito na tugtog. Pati na kinabisado ko tlaga dati yung lyrics nito para lang masabayan si Jamir. Sayang nga lang at wala na si Jamir, nawala nadin tuloy ang Slapshock. Rock in Peace, Idol!

@Pandariezl

#Sharekolang! Last week, nagkatampuhan kami ni Hubbybi. Dko na matandaan kung bakit, pero parang sa maliit na bagay lang naman. Hehe! Dnaman kasi maiiwasan yung pagkakatampuhan. So ayun nga, pag uwi ko ng bahay, sabi agad nya sakin na buksan ko yung freezer. Kako, bat ko bubuksan pero binuksan ko din at tinignan. Wala naman ako nakita nung pagbukas ko. Haha! Kaya tinanong ko ano ba yung nasa freezer. Tapos bgla nya nilabas sa freezer itong Magnum Cherry Blossoms Flavor. Napa…

@Pandariezl

Yehey! Dumating na yun nirequest ko kay Hubbybi na iorder. Ito po ay Sinantulan. Ang sarap nito lalo sa mainit na kanin. Ang main na sangkap nito ay Santol, Bagoong, Gata, Sili at iba pang mga rekados. Nauna ko lang ito tikman sa office, yung isa namin kaoffice dati ay minsan nagdadala nito. Nung natikman ko, nasarapan ako. Ngayon kasi hindi na sya masyado nakakapagdala eh. Kaya nung nakakita ako online, nagpaorder ako. And ang sarap nya! Masarap din ito kasama ang isda o…

@Pandariezl

Grabeee! Nakakaantok yung init ng panahon dito sa bahay nila Mama. Haha! Maaga ako nag off sa office dahil holiday naman. At umuwi kami dito sa bahay nla mama para makasama namin si Bebi. Tuwang tuwa sya nung makita nya kami. Ang daming pagkain grabe. Puro carbs. Kailangan na ulit bumawi ng diet para mapaliit muli ang tyan hehe! Pero ngayon happy muna sa pagkain. Bawi nalang ulit sa Lunes. At matutulog muna ako ngayon kasi hinahatak talaga ako ng antok. Ang tahimik pa dito.…

@Pandariezl

Meryenda it is! Puro carbs haha! Ito yung inorder ko sa Online Group dito sa Subdivision nila Mama. 50pesos per box of 6 yung mga tinapay. Pwede din Mix Flavors pero since 1st time ko umorder ay umorder ako ng tig-iisang box para matikman namin yung mga flavors. May iba pang flavor bukod dito pero ito yung napili namin dahil ito yung nakakuha ng attention namin. Ang mga inorder namin na flavors ay Ham & Cheese Roll, Ube Ensaymada, Egg Cheese Bread at Classic Spanish Bread.…

@Pandariezl

Nung nakaraan naggrocery kami para bumili ng mga snacks ni Bebi. Nagulat ako nung makita ko ito. Meron palang Pocky na Watermelon? Since favorite ni Bebi ang Watermelon kaya binili ko. Hehe! Okay naman yung lasa nya. Lasang watermelon nga tlaga. And may cooling effect nga sya after. Hehe! Ang sarap din. Hindi ko matandaan magkano ito, mga nasa 40+ yata. Grabe, andami na mga bagong products na di ko alam. Nakakabigla nalang din minsan. Haha! Na-try nyo nadin ba ito?

@Pandariezl

#THROWBACK ONLY! Karamihan sguro sa atin ay nakatapos na magdinner or nagdidinner palang. At pagtapos magdinner ay masarap kumain ng panghimagas. Nakita ko lang to sa album ko, ang Mang Inasal Halo Halo. Hahaha! Nakakatakam, ang dami sahog. Hehe! Parang bet ko tuloy mag Halo Halo kahit gabi na at malamig. Pero hindi na pwede lumabas dahil wala naman sasakyan at malayo ang bilihan. Tulo laway nalang at mamaya nalang sa panaginip kakain. Pero ngayon, sabay sabay nalang muna…

@Pandariezl

Blessed Sunday to everyone! Hays Ang saya no, makakapag rest day din. Hahaha! Ngayon kasi di kami maglalaba. Simula nung mabili yung fully automatic n washing machine, hindi na namin problema maglaba. Hehe! Maaga ako nagising at nagluto. Niluto ko yung favorite pasta ni Bebi, nagluto din si Hubbybi ng Ilocos Longganisa at Sinangag na maraming bawang. Hehe! May sawsawan kami na suka at yung sinantulan. Kasarap! Tara kain napo. Thank you Lord sa lahat ng biyaya!

@Pandariezl

Ito ay ang Sampung Utos ng Diyos na kinunan namin noong nagpunta kami sa Monasterio de Tarlac. Sobrang holy nung lugar. Sobrang tahimik din. Kung may problema ka o iniisip, makakalma yung utak mo sa lugar na ito. Magkakaroon kadin ng peace of mind. Sa sampung utos ng Diyos, alin ang madalas mong hindi nagagawa? Sa panahon ngayon, yung huwag makikiapid ang madalas na nababali ng mga tao sa Utos ng Diyos. Hehe! Madalas din yun ang mga palabas sa telebisyon at mga drama eh.…

@Pandariezl

Lunch time! Heheh! Busog pako sa totoo lang, pero gusto ko kumain na. Hahaha! Ang sarap kasi ng mga niluluto ni Mama e. Bale ang ulam namin ngayon ay Tortang Menudo galing sa natirang menudo kagabi. At ang paborito kong Tosyong Bangus na maraming tahore. Hahaha! Kakapost ko lang nung nkaraan at eto na sya ulit! Lagi si Mama nagluluto nito kapag nagpupunta ako kasi alam nya na paborito ko ito. Hehe! Tara na guy! Lez dig in!

@Pandariezl

Ang init ng panahon ngayon dito. Buti nalang gumawa si Mama ng malamig na Sago. Hehe! Ang sarap inumin. Uminom lang ako ng isang baso at inaya ko na si Bebi na matulog na kami. Kaya ito, patutulugin muna ang batang makulit. Nung bata ako, ayoko natutulog kapag tanghali. Haha! Kaso papagalitan ako ni Mama kapag hindi ako natulog. Kaya ang ginagawa ko pipikit lang ako at magtutulug-tulugan hanggang sa tuluyan na akong makatulog ng totoo. Haha! Yung anak ko ngayon ganun din.…

@Pandariezl

Meryenda na po! Nagluto si Mama ng Pancit Bihon. Nirequest ko kasi sknya bago ako umuwi. Hehe! Sabi ko yung maraming kikiam. Tapos si Kuya bumili naman ng Siopao at Siomai. Haha! Chinese ba kami? Hahaha! So ayun nga, tapos meron din sago pa ulit. Hays! Sarap kumain. Parang di nauubos ang pagkain dito kela Mama. Pero samin halos di kami kumakain ni Hubbybi kasi dalawa lang naman kami. Bihira nalang kumain. Haha! Nood din ng Dear Uge habang nagmemeryenda. Laptrip lang yung…

@Pandariezl

Pagabi naa! Mejo nakakaramdam nako ng lungkot kasi bukas uuwi nanaman at papasok nanaman sa trabaho. Hays! Grabe, ang bilis ng oras no? Sana naman mahaba din ang bakasyon kasi eh. Haha! Nung nagkaroon ng pandemic mas lalong bumilis ang pagdaan ng oras at araw. Parang sa bawat araw, konti lang yung nagaganap. Madalas paulit ulit lang yung mga pangyayari. Parang sayang lang yung mga araw na lumilipas, kakaunti lang yung mga memories na nakecreate. Kasi yun at yun nga lang din…

@Pandariezl

KMJS NAA! Ngayon nalang ulit nakanood. Hahaha! Ang trending naman daw ngayon ang mag-alaga ng isda. Nung nakaraan puro halaman. Haha! Sguro ito na ang sign na bumalik na tyo at pangalagaan ang kalikasan. Kasi dba, unti unti na nasisira ang kalikasan natin. Kaya dapat magbalik loob na tyo sa pangangalaga sa ating kapaligiran at mga likas na yaman. Kasi pag nasira ang ating mundo, saan na tyo dba?

@Pandariezl

Umaga nanaman. At Lunes nanaman! Simula nnaman ng isang linggo ng trabaho. Hehe! Nakakatamad bumangon at gumayak ng maaga pero no choice. Ito talaga ang buhay nating mga empleyado. Hindi pwede tamarin. Di pwede mawalan ng pag-asa. Gora lang ng gora dapat. Isantabi ang mga negativity para maganda ang flow ng araw. Haysssss! Ang bagal ng oras, sana sabado na ulit. Charrr! Pero ayun nga, need natin sipagan para sa pamilya. Osya, magsikain na tayo ng almusal para may lakas para…

@Pandariezl

Lunes na lunes, ganda ng bungad. Haha! Lahat ng office staff ay sinabak agad sa Antigen Test. Buti nalang at negative ang result. Kahit paano ay maluwag sa dibdib. Na-sanitize na din ang buong office. Grabe, habang patagal ng patagal ay parang lalong lumalapit si covid. Eto yung dahilan bat gusto ko nadin bumilis ang oras at dumating na ang last day ko sa office. Para makasama ko na ang bebi ko at maspend ang time. Kasi di natin alam hanggang kailan lang tyo sa mundo e. Kaya…

@Pandariezl

Tapos na maglunch! Share ko nalang itong kinain namin nung nagpunta kami sa Singapore last 2019. Hehe! Roasted Pork ito na may rice na kasama. Masarap ang lasa nito. Sa Food Street kami kumain nito. May mga stall na nagbebenta ng iba’t ibang pagkain, tapos meron din sa gilid na mga table and chairs. Nung kumain kami that time ay katirikan ng araw. Ang init! Hahaha! Naenjoy padin naman yung food kasi masarap ito! Ayun. Throwback lang muna kasi dko na pinicturan yung lunch ko.…

@Pandariezl

Kwek kwek! Isa sa mga paborito nating streetfood! Bakit nga ba nakakatakam itong orange na itlog na ito? At bakit nga ba sya kulay orange? Hahaha! May mga nakita akong gumawa ng colorful kwek kwek, or rainbow kwek kwek. Pero hindi sila mukang masarap. Parang hindi masaya kainin. Pero pag kulay orange sya, atat na atat tayo. Hahaha! Nakagawian na natin na kulay orange lang tlaga sya. Masarap itong isawsaw sa suka o di kaya sa sauce. Masarap din kapag bagong luto. Nauuna…

@Pandariezl

THROWBACK! Eto yung isa sa pinakamasarap na boodle fight na nagawa namin magbabarkada. Todo rekados ika nga. May inihaw na isda, inihaw na hotdog, pritong shanghai, itlog na maalat, adobo, pakwan at kung anu ano pa. Nakakamiss tlaga yung boodle fight kasi maraming pagkain. At isa pa, salo salo tlaga! Bawal ang maarte sa ganito. Haha! Masaya din kasi sabay sabay ang kain. At sobrang nakakabusog. Looking forward sa panahon na mauulit ito. Ngayon kasi hindi pa pwede eh. Hindi…

@Pandariezl

Inaya ko si Hubbybi lumabas, sabi ko bili kami ng makakain. Haha! Hindi dapat ako kakain ngayong gabi kaso parang pagod na pagod ang katawan ko. Pagkalabas namin, nakakita ako ng bagong nagtitinda malapit samin. Balot! Hahaha! Ang tagal na ng huling kain ko ng balot. Masarap ang sabaw ng balot tapos lalagyan mo ng konting asin or suka. Hindi ko kinakain yung sisiw kasi mejo naaasiwa ako lalo pag nakagat ko na yung ulo. Hehe! Yung bato din di ko kinakain kasi matigas. Yung…

@Pandariezl

Sabi ni Hubbybi, ipost ko daw itong Budol Finds namin. Haha! So ayun na nga, kanina nung lumabas kami, inaya ako ni Hubbybi dun sa Japan Surplus Shop na malapit samin. Sabi ko nga wag na kasi pagkain naman ang reason bat kami lalabas tapos biglang pupunta dun. Haha! Pero pumunta padin kami. Haha! So nagtingin tingin sya sa mga stuff toy. Una nyang gustong bilhin ay si Ted. Kaso sabi ko wag na kasi ang dami ng stufftoy, tatambak nanaman. Naghanap hanap pa kami at nakita nga…

@Pandariezl

Umagang pinagpala para sa ating lahat! Nkabihis na! Nood muna mga youtube vlogs habang nag aabang sa pagdating ng company service. Hehe! Pampagoodvibes lang bago pumasok. Haha! Maaga ako gumising kasi nagbalik loob nako sa workout. Hehe! Lumalaki na kasi ang tyan ko. Kailangan na ulit paimpisin. 10min workout lang yung ginawa ko, focus lang sya sa belly fat. Hehe! Mamaya ulit pag-uwi, yung 30min workout naman. Sana magtuloy tuloy na at wag na tamarin sa exercise. Hehe! Ingat…

@Pandariezl

Last time, pinost ko dito yung dati namin binebenta na Blueberry & Strawberry Cheesecake Cups. May nagtanong kasi sakin kung jam daw ba yung gnagamit namin. So hindi po sya jam, eto po ang gamit namin sa aming Blueberry Cheesecake Cups, meron din Strawberry na ganito. So marami syang laman sa loob at masarap sya. Tama din yung consistency nya at di kumakalat. Experience kasi namin sa jam, once na wala na sya sa ref ay para syang nalulusaw at nagiging matubig. Unlike dito sa…

@Pandariezl

#THROWBACK! Eto yung isa sa handa namin last Christmas. Ang tawag dito ay Karaage or Japanese Fried Chicken. Ano kaibahan nito sa Fried Chicken natin? Ang Karaage ay ginagamitan ng Potato Starch. Nagiging mas crispy ang Fried Chicken dahil sa paggamit ng potato starch. Ang ginamit kong parte ng chicken dito ay Chicken Thighs. Minarinate ko ito sa soy sauce, ginger, sake at garlic. Pagkatapos imarinate ay icocoat lang natin ng potato starch. Kapag nacoat na ay pwede ng…

@Pandariezl

#THROWBACK Nung pumunta din kami ng Singapore, sinubukan din namin ang Singapore River Cruise. Sasakay kayo ng boat at iikot kayo sa river. Makikita mo yung ibat ibang building at mga historic places. Grabe, kasi nakakarelax yung experience na yun. Mahangin din at para kang aantukin kasi ang swabe lang ng feeling habang umaandar yung boat. Meron din tugtog na masarap sa tenga. Hehe! Isa ito sa masayang experience sa Singapore kasi marami kadin matututunan sa history nila.…

@Pandariezl

#THROWBACK Share ko lang yung anniversary celebration namin last year ni Hubbybi. Hehe! Dahil pandemic at bawal mag-date sa labas kaya sa loob nalang ng bahay kami nag-date. After nga lang, madaming hugasin at lilinisin. Haha! So ayun nga, nag order lang kami ng Chicken Joy with Spagetti sa Jollibee, tapos umorder din kami ng Pork Jowls tapos kami nalang nag oven, at Wanton Soup sa Chowking para may sabaw. Hehe! Saya lang kasi achieve naman yung Romantic Dinner feels na plan…

@Pandariezl

So ayun nga, parang natatakam ako sa Gourmet Tuyo na tinitinda ni Neri Miranda. Haha! Im wondering, ano kaya lasa nun? Kasi sobrang dami daw umoorder. Oorder sana ako online kasi mejo namamahalan ako e. Abot 200 ang isang garapon nya. Kaya gumawa nalang ako ng sarili kong Gourmet Tuyo. Hehe! Nagpabili ako ng 2 balot na tuyo, bale 8pcs. Tapos tinanggalan ko sya ng balat. Tamang tama kasi meron pa kaming olive oil dito. Iluluto mo pala yung tuyo, tapos ung bawang ay igigisa mo…

@Pandariezl

Wednesday Morning! Isang araw nanaman ang haharapin. Hehe! Di gaano naging active khapon kasi maraming ginawa. Minsan di nadin nakakasagot sa mga comments. Pero minsan di ko din sinasagot. May mga users kasi na nagbabase nalang sa picture. Minsan di na binabasa yung post mo. Tapos yung comment nla anlayo naman sa pinost mo. Hehe! Minsan nakaka-offend kasi umeffort ka magcreate ng post tapos ganun. Pero minsan dko nalang pnapansin. Hindi din kasi dpat itolerate yung mga…

@Pandariezl

#Throwback! Isa pa ito sa food trippings namin sa Singapore. Kahapon pinost ko yung rice version. Pero meron din silang noodle version na may kasamang roast pork or duck. Masarap yung noodles kaya nga lang di kasi ako mahilig sa matataba o makakapal na noodles. Malasa sila magtimpla ng pagkain. Sguro kasi marami silang spices na ginagamit. Dto din naman sa Pinas, malasa din tyo magluto ng pagkain. Hopefully, makabalik ulit sa pagtatravel sa ibang bansa. Masaya kasi makatikim…

@Pandariezl

Lunchtime! Ang food ko ngayon ay yung ginawa namin kagabi na Gourmet Tuyo at Red Rice. Infairness, masarap yung gawa namin. Tama lang yung kick ng anghang at wala na yung lansa ng tuyo. Ibusiness ko na ba ito? Charrr! Hahahah! Ang sarap! Dati kapag kumakain ako ng Red Rice, halos hirap ako ubusin kasi wala naman tong lasa eh. Kahit anong iulam mo dito, hindi masarap. Hahaha! Pero nung inulam ko yung Gourmet Tuyo, grabe, ang bilis ko naubos. Hahaha! Ang sarap nya! Mas masarap…

@Pandariezl

And yesss! Kasama sa binebenta namin noon ay ang Milktea! Yes! Hahaha! Ang Milktea namin ay binebenta lang namin ng mura. Gusto kasi namin ay yung affordable lang ng lahat. So ang flavors namin ay Wintermelon, Taro at minsan ay may Hazelnut din. Hehe! Marunong gumawa si Mister ng Milktea kasi dati syang Barista sa isang Milktea Shop sa MoA. Kaya ayun, alam nya yung proper procedure sa paggawa ng Milktea pati na pagluto ng Bobba Pearls. Marami nagsabi na masarap nga daw ang…

@Pandariezl

#THROWBACK! So eto yung surprise boquet na bigay sakin ni Hubbybi nung anniversary namin last year. Lakas makahaba ng buhok. Char! Pinadeliver nya ito sa office namin. Nung dineliver ito ay naka box. So may bitbit pakong box habang pabalik ng office. Hehe! At pagbukas ko nga ay may boquet of flowers at 3pcs na ferrero. Hehe! Mejo hindi practical magregalo nito kasi mamahalin tas di naman din makakain yung boquet pero syempre, bilang babae, pangarap din natin tlaga…

@Pandariezl

#Throwback! One of my greatest wish tlaga ay makakain ng lobster. Kasi kapag nakakakita ako ng lobster sa mga palabas, parang ang sarap nya dba? Pero kadalasan, ang lobster ay sa mga sosyalin lang naseserve. Mahal kasi ang lobster. So nung nakita ki na nag ooffer ng lobster sa menu yung pinsan kong chef at may-ari ng sarili nyang resto, agad agad akong umorder! Mura lang kasi sknya. 500 na itong 2tubs na ito. Sobrang sulit! Buttered Lobster with Aligue Sauce ito. Mapapa unli…

@Pandariezl

#THROWBACK TIME! Kumain naba ang lahat? Share ko lang to kasi namimiss ko na magluto at kumain nito. Ang sarap nito papakin lalo kapag fall off the bones yung laman nya! Dati nagluluto kami nito sa oven, mejo may katagalan nga lang bago sya maluto. Siguradong kakain ng malaking konsumo sa kuryente. Pero pag naluto na kasi sya dmo na titigilan lalo kapag malambot ang laman at humihiwalay sa buto. Those were the good old days. Nung marami pang pambili. Hahaha! Ngayom puro…