Isang mapagpalang umaga po sa ating lahat. Natatakot ka ba o nalulungkot dahil sa mga nangyayari sa bansa? Nakakakaba no? Nakakapraning mag isip kung hanggang kailan ba tayo mahihirapan ng ganito. Pero chillax kalang, kaya natin ito. Hindi tayo pababayaan ng Diyos Ama sa kung ano man pagsubok na dumaan. Basta maniwala kalang, at magtiwala kalang. Mahirap man minsan kasi parang sunod sunod ang problema, pero nalalagpasan. Huwag kang sumuko bagkus isuko mo lahat sa Diyos lahat ng mabigat na nilalaman ng iyong puso. Tiwala. May pag-asa sa kabila ng hirap na dinadanas natin ngayon. Kaya lakasan lang ang ating loob, makakaya natin ito. Ingat!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet