My teeth before having my braces! So eto yung molde ng ngipin ko noon. Haha! Nung di pa ako nagpapakabit ng braces. Mukang ngipin ng dinosaur. Super sungki sungki at di maintindihan. Madalas kasi ako mabungi noon kaya sguro nagkaganyan yung ngipin ko. Pero kung titignan yung ngipin ko ngayon, di mo aakalain na ganyan sya dati. Kapag kasi magpapakabit ng braces, kailangan nila ng replica ng ngipin mo. Para makagawa nun, may mixture silang gagawin tapos ilalagay sa loob ng bibig para ma-molde ung ngipin. Mabilis lang naman yung procedure na yun. Yun ang magiging sukatan at basehan nla sa kung paano nla ikakabit ang braces. At buti nalang ibinigay ng Dentist ko ito, kasi atleast meron akong remembrance sa itsura ng dati kong ngipin. Minsan nga di padin ako makapaniwala na di na ganito yung ngipin ko ngayon. Di naman perfect pero atleast dna ako mahihiya magsmile kasi pantay na sya. Hehe! Ingat lang din sa pagpapakabit ng braces. Wag po tayo makiuso sa iba, wag na wag po gagamit or magpapakabit ng DIY BRACES. Kasi hindi naman po talaga ito pang-porma. May purpose sya. Totoo yung mga napapanood na pwede malagasan ng ngipin kasi napupuwersa sila dahil dun sa mga rubber na nilalagay. May tamang paggamit talaga ng braces at di sya basta dpat nialagay. Kung may problema sa ngipin ay magpakonsulta sa legit na dentista. #ShareKoLang #SimilarPost
No comments yet