Grabe! Isa ito talaga sa namimiss ko eh. Yung mga time na kapag walang pasok or weekend ay pupunta kami sa park. Tapos paglalaruin at patatakbuhin ko sa ground yung anak ko. Minsan nagdadala kami ng bola at hinahayaan ko sya na magsoccer or magpasahan kami ng bola. Kasi mas masaya kapag nagiging energetic at lively ang bata. Gusto ko din ginagawa ito para makalayo sya sa gadgets at ma-exercise ang katawan nya. At syempre bonding nadin namin. Pati kami ni Hubbybi ay naeexercise tuwing pupunta kaming pamilya sa park. Kaya nga lang, dahil sa pandemic ay hindi na namin magawa. So nganga nalang lagi kapag weekends. No choice kundi magstay sa bahay.
1 comment
Sayang talaga mga panahong nasa bahay lang. Sana matapos na talaga ang covid.🙏🙏🙏