#THROWBACK! Bigla akong nagutom nung makita ko ito sa gallery. Surprise ni Hubbybi ito nung anniversary namin, 3yrs ago na yata. Puro favorite ko yung binigay nya. Kaya that time sobrang taba ko talaga eh. Hehe! Busog kasi ako sa pagmamahal lalo na sa pagkain. Hahah! Pagkatanda ko yung Spagetti ay niluto nya. Tapos yung isang plato naman ay may laman na California Maki. Isa sa mga favorite ko lalo na dahil may mangga sya. Kaya nga lang pag kumakain ako nito ay tinatanggal ko yung Cucumber. Di kasi ako kumakain nun. Yung isang plato naman ay Sisig Swabe. Isa sya sa pinakamasarap na sisig dito samin. Hehe! May kakaiba kasi syang timpla. Tapos yung boquet of flowers na bigay nya, alam ko pinatuyo ko yung mga petals nito at itinabi. Sobrang kilig that time na may taong nag eeffort para mapasaya ka. :)
No comments yet