Grabe! Sumasakit ang puso ko dito sa pinapanood kong Taiwanovela. Alam mo yung mahal na mahal nyo ang isa’t isa pero mas pinili nyo palayain ang mga sarili nyo kasi may ibang umaasa sa inyo at pati nadin feeling nyo di kayo para sa isa’t isa? Yun bang naggive up kayo para sa kaligayahan ng iba, at pati nadin feeling nyo pinaglalayo talaga kayo ng tadhana? Puro nalang sakit, lungkot at gulo. Hindi natatapos kaya mas pinili nyo nalang magkanya kanyang buhay. Pero hindi parin kayo masaya sa ginawa nyo kasi alam nyo na kasiyahan nyo ang isa’t isa. Gusto ko umiyak ng umiyak kahit nanonood lang naman ako. Bat ko ba kasi pinanood ito ulit. Ang sakit tuloy ng dibdib ko. Hahaha! May nakakarelate ba jan? Taas kamay lang, charrr!
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet