read.cash Log in
@Pandariezl more from that month

ICE POPS! Eto yung isa sa mga binebenta namin para may pakinabang yung ref namin. Haha! Wala kasing laman yung ref namin pero hindi pwede patayin. May laman pala pero mga tubig lang. Haha! So naisip namin magbenta nalang ng Ice Pop at minsan naman ay gumagawa kami ng Ice Candy para may dagdag kita padin. Malakas ang Ice Pop sa mga bata, lalo na kapag kainitan ng araw. Ang benta namin dito ay 5pesos ang isa. Masayang masaya sila kasi pwede na itong hatiin sa dalawa kapag mejo kapos ang budget. Haha! Tanda ko din uso din ito nung kabataan ko eh. Frosty naman ang tawag noon pero ganito din ang itsura. Mahilig din ako bumili at kumain nito noon. Pero ngayon di ko na sya hilig kainin kasi mabilis mangilo ang ngipin ko. Sa panahon ngayon talagang dapat lagi ka may sideline at ibang extra income, mahal na kasi ang mga bilihin. #ShareKoLang #SimilarPost

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.