Malapit ko na matapos yung episode 3 ng Lavender. Haha! 1hr per episode, dko na masyado namalayan ang oras kakanood. Inaantay ko din yung tawag ng Bebi ko. Sabi ko sknya tawagan nya ako kapag nasa kwarto na sya. 5yrs old palang sya pero matandain at alam nya na ang gagawin nya. Sa murang pag iisip, naging independent nadin sya. Marunong na sya magsipilyo at paliguan ang sarili nya, marunong nadin sya kumuha ng isusuot at magbihis. Madali din syang utusan kung may ipapakuha. Minsan sya na ang magkukusa, at dmo na kailangan utusan. Saulado nya din ang mga dapat nyang gawin pati na ang mga bawal nyang kainin. Hindi sya mahirap alagaan kasi marunong na sya. Sana lang matapos na ang lockdown para mapuntahan namin sya.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet