#ShareKoLang Yung mother-in-law ko mahilig magpadala sa amin ng mga Ready to Bake Cookie and Cake Mix. At syempre para di masayang, niluluto namin. Itong cookies na ito ay Oatmeal Cookies, at super favorite ni Bebi at Mister. Noon, wala pa kaming oven. Actually, yung oven nga din yung mother-in-law ko din ang nagbigay. Hehe Mahilig kasi ako magluto at magbake. Pero puro experiment at sunod lang naman sa recipes na nakikita ko online. So ayun nga, noon wala pa kaming oven. Ang ginawa ko para maka-bake, kumuha ako ng malaking kaldero. Tapos sa loob nun, may maliit na round springform pan. Babaliktarin ko lang yung base nya at dun ko ilalagay yung mga cookie dough. Konti lang ang magagawa. Ang cookie dough kasi lumalaki kapag nabebake na sya. So ayun, ganun lang yung trick ko pag walang oven. Hehe! Nasarapan naman ang bebi ko dito. At tama naman ang pagkaluto nya, hindi hilaw. :)
1 comment
yummy naman tipid pa sis