#SHAREKOLANG! So ayun, dati nagtitinda din kami ng Fried Isaw. Usually ung mga tintinda namin ay favorite namin kainin. Why? Kasi usually ang pinapractice namin lutuin ay yung mga paborito din namin. Para hindi na namin kailangan bumili sa labas. So ayun nga, pag natututunan namin lutuin, ginagawa din namin negosyo. At isa nga itong Fried Isaw. Ang down side lang ng pagbebenta nito ay mahirap syang linisin at mabaho talaga sya after mo linisin. Talagang kumakapit ang amoy. Haha! Pero todo linis tlaga ako nito kasi ayoko naman may mafoodpoison kami. Hinihiwa ko nalang sa gitna para mas madali syang linisin. Tapos ilang pakulo din at pag aasin para super linis. Minsan kasi yung mga nagttinda ng Isaw meron pa natitira sa loob. Kaya minsan may pait pa. And alam naman natin na dumi yung nasa loob na yun. So ayun. Depende lang din tlaga sa nagtitinda. Wag nalang araw arawin para di din magkasakit. Di masama kumain nito pero in moderation lang. 🙂
No comments yet