THROWBACK! Eto yung isa sa pinakamasarap na boodle fight na nagawa namin magbabarkada. Todo rekados ika nga. May inihaw na isda, inihaw na hotdog, pritong shanghai, itlog na maalat, adobo, pakwan at kung anu ano pa. Nakakamiss tlaga yung boodle fight kasi maraming pagkain. At isa pa, salo salo tlaga! Bawal ang maarte sa ganito. Haha! Masaya din kasi sabay sabay ang kain. At sobrang nakakabusog. Looking forward sa panahon na mauulit ito. Ngayon kasi hindi pa pwede eh. Hindi din naman namin magawa sa bahay kasi iilan lang kami. Hehe! Miss ko na mag ihaw ng isda. Hahaha! So ayun, dasal padin na matapos na tlaga ang pandemic.
2 comments
Kung yan ang kakainin sa boodle fight sigurado ako madami ang nabusog at wlang natira kundi dahon ng saging pati mga buto o kaya tinik
True brader! Simot sarap hahaha