#THROWBACK Share ko lang yung anniversary celebration namin last year ni Hubbybi. Hehe! Dahil pandemic at bawal mag-date sa labas kaya sa loob nalang ng bahay kami nag-date. After nga lang, madaming hugasin at lilinisin. Haha! So ayun nga, nag order lang kami ng Chicken Joy with Spagetti sa Jollibee, tapos umorder din kami ng Pork Jowls tapos kami nalang nag oven, at Wanton Soup sa Chowking para may sabaw. Hehe! Saya lang kasi achieve naman yung Romantic Dinner feels na plan kaya masaya tlaga! Yung cake namin ay ako nalang ang gumawa. Hehe! Blueberry Cheesecake sya na napapalibutan ng Stick-o para maiba langs! Hahaha! Bumili nlang din ako ng candle para sosyal. Kahit di mamahalin, atleast maganda tignan. Lahat ng ginamit namin ay halos sa shopee ko lang nabili. Yung fake flowers at rose petals ay sa shopee lang. Masaya at maganda naman ang kinalabasan. So memorable. This year kaya, ano naman kaya ang gagawin namin sa Anniversary nmin? Hehe!
No comments yet