#THROWBACK! Taas ang kamay ng mga taong mahilig sa Adobong Paa ng manok. Ang sarap no? Lalo kapag nanunuot ang lasa nya, na tagos hanggang buto ng manok. Yung tipong pati yung buto gusto mo na kainin. Ganun ako mag adobo ng manok, sobrang lambot at sobrang sipsip na sipsip yung lasa nya. Marami din bawang ang gusto ko. Ang sarap kainin nito kapag manamis namis at malapot ang sarsa. Favorite ito ng mga kabarkada ko. Everytime may outing laging may ganitong dala dala. Mas masarap lalo pag partner pa sa sinangag na maraming bawang. Grabe! Sobrang love ko ang bawang. Kaya isang patunay ito na di ako aswang. Charr! Sana makapagluto ulit!
No comments yet