read.cash Log in

@Pandariezl

Joined 14 February 2021 · 1990 posts

Smile is the best thing you can wear.

120 KT

0 KT · 22¢ received · 0 KT · 15¢ given

Posts

@Pandariezl

* KOREANOVELA MARATHON WITH HUBBYBI * So ayan nga, malapit na namin matapos tong Whats Wrong with Secretary Kim. Haha! Nasa episode 14 na kami ni Hubby. Grabe ang laughtrip at kilig namin sa palabas na to. Ganda din ng twist ng palabas na ito. Di ko nahulaan na ganun pala ang nangyari. Pero ayun nga. Meron lang part na hindi ko maintindihan. Yung part ng babae na kumidnap kay Vice-Chairman at Secretary Kim. Di pa kasi naexplain kung sino siya at ano ba problema nya sa buhay nya. But all in all, mas marami tlaga yung nakakatawa at nakakakilig na parte dito. Hampasan to the max kami ni Hubby minsan sa sobrang kilig. Hahaha! Eto lang tlaga nakakatuwa kasi pag nagkakasundo kami sa hilig panuorin o kainin. Sobrang saya na bonding. Hehe! Share langs!

@Pandariezl

Magandang Umaga sa lahat! Ayan, ayan. Balik pagtitinda ulit today si Hubbybi. At ang isa sa meryenda na ibebenta nya mamaya ay ang Veggie Balls with Sweet Sauce. Bata palang ako super mahilig nako dito. Makikita mo ito sa mga nagtitinda ng mga fishball, kwek kwek, kikiam at iba pang streetfoods. Pero ngayon, bihira na ito. Super dali lang nito gawin at mura pa. Konti lang din kasi ang sangkap. Carrots, Spring Onion, Harina at Baking powder lang. Syempre may salt and pepper to taste din. At sa sauce naman ay parang yung sauce ng nagtitinda ng Fishball. Yung matamis na sauce ni Manong Magfifishball. Super sarap ito lalo pag bagong luto. Bihira kasi ang nagluluto nito kaya ito ang aming naisip ibenta. Hehe! Try nyo nadin gumawa! For sure magugustuhan ito ng bata man o matanda! Ingat guys!

@Pandariezl

MY HUSBAND’S COFFEE JELLY ❤️ Currently, we are in some lowest point ng buhay namin. Problems keep arising side by side. Kapag talaga may nagkakasakit sa pamilya, uubusin ka tlaga hanggang sa kahuli-hulihan. So eto nga, si Hubby ay nagpeprepare ng mga meryenda and foods na pde nya ibenta sa subdivision. Since may ow facebook group naman ang subdivision, pinopost nya lang dun para may mag-order. At ito nga ang isa sa paninda nya. Ang coffee jelly in cupsz ❤️ 25pesos ito per cup. Yung gnagamit na cup is yung pang salad. Maraming salamat sa Diyos kasi kahit paano ay may nag oorder. Pinagdarasal ko na laging may mag order para makadagdag sa aming perang panggastos. Alam ko may awa ang Diyos at patuloy nya kaming gagabayan palagi. ❤️ Godbless everyone! 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

@Pandariezl

Sobrang busy nitong mga nakaraan araw. Sobrang nakakalungkot lang kasi yung aso namin na si Shiro ay nadetect na may Distemper Virus. Sobrang nakakadevastate yung feeling. Kasi 1month palang sya sa amin pero ayun nga at may malalang sakit pala sya na pwede nyang ikamatay. Ang distemper virus ay walang gamot. Ang maaari lang gawin ay tutukan ng pag aalaga at pagmamahal ang aso. May mga nakakasurvive daw at meron din hindi. Nakakalungkot isipin kasi parte na sya ng pamilya namin. Pero sumali ako sa group ng mga nag aalaga ng aso na may mga asong may ganitong sakit. Napagaling naman nila ang mga aso nla kaya lang meron parin naiiwan na pagseseizure. Panalangin ko na sana ay wag kunin sa amin si Shiro dahil mahal na mahal namin sya. Sana humaba pa ang buhay nya.

@Pandariezl

Ito ang bago namin alaga na aso. Ang pangalan nya ay Shiro. Kaya Shiro ang pangalan nya kasi sya ay kulay puti. At sa Japanese, ang Shiro ay nangangahulugan na puti. Higit isang buwan na din sya sa amin. Ang dami na nga nyang napagdaanan sa amin. Nabili namin sya sa isang pet tiangge. Nag iikot ikot kami ng makita ko sya. Sabi ko kakaiba syang aso. Napukaw talaga ang mata ko sakanya. Hindi pa kami nagdecide agad agad na bilhin sya. Kasi syempre mejo may kamahalan at wala kaming sapat na perang dala. Pero inilaan siguro sya sa amin. Kasi bago kami tuluyan makauwi, tinawagan pa kami ulit ng nagbebenta para tanungin kung gusto ba daw tlaga namin. Basta to cut the long story short, alam ko para sya sa amin. Hindi sya sobrang kulit. Sakto lang at mabait sya. Di din sya maingay at palatahol na aso. At lagi din sya natutulog. Sana tumagal sya sa amin. :)

@Pandariezl

Yung inaantok ako pero ayoko matulog kasi mahihirapan nanaman ako makatulog mamaya. Haha! Grabe na ito. Kaya kung anu ano nalang binubutingting at sinesearch ko online eh. Sila tulog habang ako pinipilit ko maging gising. Hahahaha! Sakit sa mata sa totoo lang kaso mas okay na ito kasi mas mahirap pag puyat. Tapos wala naman magagawa magdamag kundi magcp lang ng magcp. Tapos kinabukasan maaga gigising dahil papasok si junakis. Hehe. Onting tiis pa at mamaya maaga naman makakatulog. Hay buhay. Hirap din talaga ng nasa bahay lang. Wala magawa, abang lang sa paglipas ng araw. Pero ganun talaga ang buhay. Pasalamat nalang at buhay at humihinga pa. Oh sya, browse muna. Hehe

@Pandariezl

Magandang Umaga! Hay buhay. Buhay tambay! Hahahaha! Hirap naman ng nasa bahay lang maghapon. Sana makabalik na sa negosyo sa lalong madaling panahon. Hehe! Btw, magtatahi muna ako. Yung short kasi ni mister ay may built-in mini aircon. Charot! May butas kasi sguro sa kalumaan na din. Tagal nadin kc nitong short na ito. Pero okay pa naman e. Kaya pa resolbahin ang butas. Kami tlaga basta nagagamit pa, go lang. Bihira kami bumili ng gamit lalo sa damit unless kailangan. Ewan ko ba. Nakakahinayang di naman kasi ang damit na di nasusuot e. Pero ayun nga, dami padin nakatambak. Osya tahiin ko na ito at baka mmya matapos na yung ikot ng labahin ko. Good day everyone!

@Pandariezl

So ayun, kanina galing kami sa palengke. Ang dami talaga mabibili sa palengke kahit simpleng araw lang. Ang sarap mamakyaw kung marami lang pera. Haha! Kaso hindi marami kundi sapat lang para sa ilang araw na pang ulam. Puro okay lang din kasi atleast meron padin pambili. Puro isda at prutas ang binili namin kasi may mga karne pa sa loob ng ref. Since ayaw naman namin na araw-araw magkarne at para din masustansya kahit paano para sa mga bata na may isda din na maiulam. At para di din sila masanay na puro karne. Yung gulay di kami gaano namili kasi baka mabulok lang. Minsan sobra kasing init ng panahon eh. Kaya mas mainam na kung kailan nalang kailangan tsaka bumili. So ayun, ngayong araw ang ulam namin ay Tortang Dilis at Sotanghon. Para balanse lang kaya nagluto kami ng sotanghon. Sabaw at gulay nadin sa mga bata. Mamaya ipopost ko kung maalala ko para mashare ko sainyo. Hehe! Magandang araw sa lahat.

@Pandariezl

ANG CUTE NG INA MO Just watching sa Netflix. Tagal na ng movie na ito at napanood ko na noon, pero may mga part na nakakatawa padin talaga. Nakakamiss lang yung buhay noon. Nakakamiss din ang mga comedy noon. Ngayon kasi puro kalaswaan na ang mga palabas. Halos mga palabas puro di na pwede sa mga bata. Kaloka! Kaya namimiss ko manood ng mga ganitong palabas. Kahit luma na at napanood ko na, natutuwa padin akong panoorin. Hehe! Sarap din manood kasi maulan ngayon. Ingat po tayong lahat!

@Pandariezl

Linggo nanaman tapos bukas Lunes ulit. Jusko napakabilis talaga ng araw. Ganun ganon lang yun? Hahahaha! Kalurkey tlaga! Tapos bukas makalawa, di mo mapapansin pasko napala. Susme! Ano panghanda natin? Napakataas ng presyo ng bilihin. Hehe! Stress yarn? Hahaha! Pero wala magagawa, tuloy lang ang buhay kahit mahirap. Hehe! Osya kain na at ng makadagdag sa lakas. Chicken with Pork n Beans sauce ang ulam namin. Kayo ba? Ingat po lahat!

@Pandariezl

NOISE.APP AYUN NGA! Meron napalang bagong noise.app! Thanks kay Ms @ScarletDoll at dahil saknya ay nalaman ko. Hehehe! So di ka basta basta makakasign in kay noise.app. Need mo ng invitation. So nagbrowse ako dito sa NC kasi for sure naman may magshare ng invitation. Yung unang invitation na napindot ko is used na daw. So ayun, ngangaers tayo. So scroll ulit and then nakita ko yung invitation ni Ms @Charlotte! Sorry po kc ginamit ko yung invitation mo kahit sa iba mo po ito pinost :( So ayun, sa mga gusto po sumali, here po ang invitation link >>> https://noise.app/invite/lfef2mxa 10person po ang pwede gumamit so tara lets na guys! Register na!

@Pandariezl

Kamusta ang lahat? Grabe tagal kong di nag open dito. Ano na ba ang balita sa NC? Gusto ko maging aktibo pero napakaraming pangyayari ang naganap sa buhay ko. Ewan ko nga ba. Up and Down ang mga pangyayari. Minsan gusto mo na sumuko. Minsan mapapaisip ka kung okay paba mabuhay. Minsan nakatulala kanalang. Hahahaha! Pero sana ay makuha ko ulit ang determinasyon at sipag na binuhos ko noon dito sa NC. Sana kung ano man ang nawala o kulang sa akin ngayon ay mahanap kong muli para maibalik ang hilig ko sa paglikha ng mga akda. Ingat tayong lahat!

@Pandariezl

*GINISANG TOGE * Nung bata pa ako, madalas si Mama nagluluto nito. And pag nagluto sya nito, lagi akong nalulungkot kasi ayoko tong ulam. Di ako ginaganahan. Kasi katulad ng ibang bata, ayaw ko ng gulay. Pero nung tumanda tanda na ko, naging paborito ko na sya. Pag nakikita ko na ito, natutuwa ako. Sarap na sarap ako. Gustong gusto ko sya. And I realized, its not only the taste kaya gusto ko sya. It also bring back memories. Memories made it taste good. Coz it brings back happy memories.

@Pandariezl

Good Morning! Sana wag na mag uulan. Sobrang hassle kapag tlagang maulan. At hindi din kami makakapag offer ng delivery kapag umuulan. Kaya sana wag na tlaga umulan. Hehe! Sayang din ang benta kung di maaccomodate dahil di makapagdeliver. Ayaw kasi ng iba sa Lalamove/Grab ksi mas mahal kapg thru online booking app ang gagamitin pangdeliver. Hehe ShAre langs!

@Pandariezl

Yung minsan pang hihinaan ka ng loob pero maaalala at maiisip mo, kung kaya ng iba, kung kinaya nila at kung kinakaya nla, bakit ikaw dmo ba kaya? Syempre kaya! At ang lagi kong pinapaniwalaan na, walang hindi kaya lalo na sa taong nag iisip lagi ng paraan at diskarte. Tunay nga naman na minsan kailangan mo ikalma ang puso at isip mo at itaas sa Panginoon lahat ng problema at nilalaman na bigat ng dibdib mo. Ganun tlaga e. Kaya ayun. Hinga ng maluwag. Relax kalang. Lahat ng problema ay talaga nga naman na may solusyon. :)

@Pandariezl

Pag pagod kanapala, pwede pala magpahinga. Pero hindi ang sumuka. Tigil kalang saglit. Kasi hindi pwede na titigil ka ng tuluyan. Okay lang kung magbigay ka muna ng oras sa sarili mo. Okay lang kung gusto mo magpahinga, magpahinga ka. Pero pag okay kana, bangon na ulit. Gawin mo na ulit lahat ng kaya mo. Kasi hindi pwedeng sumuko. Dahil kapag sumuko ka, talo ka!

@Pandariezl

Magandang Umaga. Maganda nga ba? Hanggang ngayon naliligaw padin ang utak ko. Hindi ko na alam gagawin sa buhay ko. Sabi ng iba, relax lang. Sabi ng iba, ipaubaya mo lang lahat sa taas. Pero di din pala ganun kadali no? Kasi marami kang takot. Takot na ganito ganyan. Hindi ko na maintindihan. Lord sana gbayan mo po ako. Masyadong malabo ang utak at paningin ko. Hindi ko na alam ano ba ang tama. Nagtitiwala naman ako pero di ko maiwasan mangamba. Napakabigat sa dibdib. Hays! Pashare lang mga ka-NC. Mejo mabigat kasi tlaga. Ingat po tayong lahat!

@Pandariezl

* NALILIGAW * Grabe! Ilang araw nadin ako di nakakabisita dito. Parang naliligaw kasi ang isip ko. Wala sa konsentrasyon. Gusto huminto saglit ang oras pero hindi naman pupwede iyon. May gusto akong gawin pero dko matukoy kung ano ba ito. Nawawala minsan sa focus pero tuloy tuloy lang tayo. Ang hirap man ng buhay, di susuko. Basta alam ko isang araw, matatagpuan ko din sa sarili ko kung ano ba tlaga ang hnahanap ko. Salamat sa mga bagay na ibinibigay ng Diyos sa akin, sa amin. Mahalaga ang bawat sandali na ito. Sana makamtan ng puso ko kung ano man ang nawawala dito.

@Pandariezl

* AND THE WORLD’S GONNA KNOW YOUR NAME * Sobrang namomotivate tlaga ako kpaag naririnig ko tong song na ito. Hall of Fame ang title ng song na to. Sobrang naiinspire tlaga ako pag naririnig ko to. Feeling ko na eenergize ako tlaga. Yung feeling na alam mo sa sarili mo na magtatagumpay ka. Na makikilala ka sa larangan na pinili mo. Lakas maka goodvibes. Lakas din maka apekto tlaga nh kanta sa nararamdaman ng tao. Hahaha! Sharelangs!

@Pandariezl

* GRABENG ULAN * Lakas ng ulan, grabe! Nagtutuluan sa dining area ng mga customer. Buti nalang wala gaano customer, at isang table lang ang occupied. Kaso yung table na inoccupy nla ang natamaan pa ng tutuluan ng tubig ulan. Jusko, nakakahiya. Kaya lang wala magagawa. Nireport ko na sa may-ari ng pwesto. At sana maaksyunan agad kasi di uubra yung ganito. Dahil magtatag ulan nadin naman e. Kaya sana maayos na tlaga. Hehe! Hirap din tlaga kapag maulan e. Ang dami naman kalaban. Mapa mainit o maulan, may problema padin. Wahahaha! Pero okay lang yun kasi lahat naman ng problema ay may solusyon. :)

@Pandariezl

* BAKANTENG ORAS * So eto, petiks muna kasi wala pa gaanong tao. Wala pa masyado naakyat sa pwesto namin. Haha! May time ako magpost. Pero sana mamaya maya dumami na ulit ang tao. Grabe langs! May time tlaga na kakabukas palang puno na. Meron naman na maggagabi na pero wala pa naakyat. Hirap din magtantya ng tao. Pero ganun tlaga ang buhay e. Need lang magtyaga ng magtyaga hanggang sa makuha ang goal. Di naman tyo pababayaan ni Lord e. Nakagabay lang Siya. Need lang natin Siya pagkatiwalaan at tawagin. :)

@Pandariezl

* TADAIMA MINNA ~ * Grabe! Ilang araw nadin sobrang busy. Lagi blockbuster sa store. Hindi na magkandaugaga para mapagservan yung mga umoorder. Pero ang saya, worth it tlaga ang pagod. Sana lagi ganito. Pag kasi ganito, hindi mo na maiisip mga bumabagabag sa utak mo e. Ang hirap kasi sa panahon ngayon na mag-negosyo. Pero pag nakikita mo na may nagtitiwala sayo, napakasarap sa pakiramdam. Sa totoo lang pagod ako pero di ako nakakaramdam ng gutom. Hahahaha! Nalipasan nadin kasi e. Pero okay lang, mataba naman ako. Wahahha joke! Masaya lang kasi talaga at magaan sa pakiramdam. Goodnight sa lahat. Sharelangs!

@Pandariezl

* DAMING GAWAIN * Ayan', bungad sa umaga ko ay paglalaba. Hahahah! At paghuhugas ng plato. Pag busy ka tlaga dmo na namamalayan na tambak napala lahat ng kalat. Pagtapos nito ay gagawa naman ng Cheesestick at Dynamite para sa store. Daming gawain! hahahah! Nakakaloka itetch! Nagkaubusan kahapon ng stocks kasi ang daming tao. Si Hubbybi naman ay umalis para bumili ng iba pang supplies. Sana laging sold out para makaipon na ulit at makapg restock ng madami. Di kasi kami makapagrestock ng marami kasi pinapaikot lang ang puhunan. Pero ganun tlaga ang negosyo, swertihan lang tlaga! At tyagaan lang! Osya, ingat po ang lahat! Fighting!

@Pandariezl

* TIPIDITY TO THE HIGHEST LEVEL * So nung nakaraang sabado, nagpabili ako ng tumpok na pusit. Kasi nakakasawa nadin yung baboy. At grabe lang tlaga kasi di na kasinlaki nung nabibili namin noon. Dati kasi pag nabili ng tumpok na pusit, yung iba pwede mo pang gawin Squid Butterfly tapos ipiprito. Ngayon sobra liliit na. Nasa 8-9pcs yata yun na may maliit at mejo may kalakihan. Kaya gnawa ko hinati ko sa dalawa. Yung iba inadobo ko at yung iba na mejo malaki ay pinafreezer ko. Yung pinafreezer ko ay iluluto ko ngayon. At gagawin na calamares. Nagpabili nalang ako ng crispy fry para sa breading. Sana matapos na ang kalbaryong pasan ng bawat mahihirap na Pilipino. Sana bumaba na muli ang presyo ng bilihin.

@Pandariezl

* LUNES NANAMAN * At ayun, lunes nanaman nga! Balik nanaman sa trbaho ang kalahatan! Sana naman ay maging maganda padin ang pasok ng swerte sa tindahan namin ngayong araw. Hahahaha! At sana magtuloy tuloy na din. Ang dami ko kasi bayarin na need bayaran wahahahaha! Bat ba ganorn? Hahaha! Bat ba ang daming need bayaran. Kaloka. So ayun, need magsipag para may pangbayad. Nag iisip pako ng iba pang pwedeng pagkakitaan para naman madagdagan ang ating kita. Ano kaya no? Baka may masheshare kayo jan na online pagkakitaan na walang puhunan. Yung free langs. Hahahah

@Pandariezl

* SHAVED ICE WITH STRAWBERRY TOPPINGS * So eto nga, nagluto ako kanina ng Paksiw na Pata kasi yun ang favorite ni Tatay eversince. Hehe! Tapos eto, gumawa din kami ng Shaved Ice at nagdala ako ng strawberry in can kasi nga favorite din ito ni Tatay. Wala masyado budget kaya ganito lang muna. Hindi na kami nakapaghanda masyado dhil sa kakulangan ng budget. Pero pinapangako ko, babawi ako. Magsusumikap ako muli para mabgyan sila ng magandang selebrasyon sa susunod. Nahihiya ako sa totoo lang. Pero wala e, nasa rough days. Pero eto yung magging motivation ko para lalo magsumikap tlaga. Hehe! Sharelangs!

@Pandariezl

* FATHERS DAY * At ayun nga, fathers day ngayon. Kaya happy fathers day sa lahat ng ama pwera kay Skusta Clee. Charizzz! Biro lamang! hahaha! Matibay ang pamilya lalo na kung matibay ang ama at kaya magresist sa temptasyon na dulot ng mga higad sa paligid. At matibay din ang pamilya kapag matibay ang ama na haligi nito. Kaya be proud kapag mabuting tatay ang tatay mo. Dahil sa panahon ngayon, marami ang anak lang ng anak pero di naman kaya magpakatatay sa anak nla. Hehehe! Saludo sa mga masisipag at mapagmahal na ama sa mundo. Mabuhay po kayo!

@Pandariezl

* SIGAW NI MANONG * Kanina pa ko gising, mga 7am. Tapos narinig ko may sumisigaw ng taho. Bihira na kasi ako makarinig ng sigaw ng magtataho samin e. Kaya nagmamadali ako na sinabihan si Hubbybi na bili sya ng taho. HAHAHAHA! Namiss ko lang. Pero parang iba yung lasa ng taho dito sa Bulacan. Hahaha! Sguro yung pagkatimpla nila ng arnibal. Pero okay lang din kasi masarap padin. Nung bata tayo, nakaabang din tyo lagi sa labas kasi inaantay ang magtataho. Pag hindi natin naabutan, mejo malungkot. Hahaha! Nakakamiss! Tapos ayun, nkabili nga si Hubbybi at inakyat nya sa kwarto. Breakfast in bed yarn? Charrizzzz! Hahahahah!

@Pandariezl

* AND WE ARE NOW CLOSED * Ayan, sarado na ang tindahan. Lagari naman pauwi ng Bulacan kasi mommy at daddy duties naman sa nag iisa namin bebe. Salamat sa Diyos at marami ang nag order ngayon. Sana tuloy tuloy na ang blessing na ito. Kapit at tiwala lang sa Ama. Hindi nya kami pababayaan. Nag usap na nga kami magkaibigan e, na kapag wala tlaga benta sa buwan na to, tuluyan na kami magsasara. Pero nung pinag usapan na yun bgla nagdagsa ang customer! Ibig sabhin ayaw ni Lord na magsara na kami. Sguro ito tlaga ang para sa amin. Darating din tlaga ang time na lalakas ang negosyo basta maniwala at magtiwala lamang. Osya, sharelangs! Ingat :)

@Pandariezl

* ULIT ULIT YARN? * Kayo din b? Yung paulit ulit na nagcopy paste ng seed phrase para mkita ang laman ng wallet. Hehehe! Dko alam bat ganun kaso kasi nakakapagod magcopy paste. Wahahaha! Parang nadidisconnect lgi yung wallet. Pero wala naman mggawa. Ganun tlaga ang buhay e. Kahit mahirap need padin copy paste, heheh! Pero grabe ano? Tuluyan na bumabagsak ang halaga ng BCH. Sana umangat din ulit sa susunod. Huling tingin ko nasa 10k pa eh. Pero ngayon nasa 6k+ nalng. Mejo nakakalungkot lang. Anyways, bawi muna ng pahinga bago magpunta ng store. Ingat guys!