So ayun! Maaga ako nag off sa office. Sabi ko kay Hubbybi ipagluluto ko sya ng Homemade Burger Steak. Para naman hindi puro luto sa labas ang kinakain nya. Hehe! Tsaka mas matipid kasi pag nagluluto sa bahay. So ayun nga, nagpabili ako sakanya ng ground beef, mushroom at sibuyas. Naiprepare ko na yung mga burger patties. Bale ang nilagay ko lang sa patties ay yung ginayat na sibuyas, asin at paminta lang. Di na ako nagdagdag ng harina para hindi maglasang harina. Hehe! Masarap kasi pag pure beef. Haha! 7pcs din yung nagawa ko. Yung iba, ulam namin mamaya at yung iba pwede din gawin burger para sa breakfast bukas. :) Nasa freezer na sila, papatigasin muna bago iprito. Mga 1-2hrs pwede na yun. Pahinga na muna! Hahahaha!
No comments yet