Excited na ba kayo?, Bago niyo basahin ang article na ito, gusto ko munang alalahanin natin sabay-sabay ang mga dating palabas, na ating napapanood. Yung kahit may pasok tayo bukas, ang importante ay mapanood natin at matapos kung ano man ang pinapanood natin.
Isa to sa mga naabutan kong palabas nung ako'y bata pa, mga palabas na minsang nagpaantig ng aking puso sa murang edad, na ngayon ay alaala nalang.
Mga TV shows na palaging pabalik-balik saaking isipan, tara na't atin itong isa-isahin itong alalahanin, kasabay ng ating pagtanda.
Wansapanataym(1997-2005,2006-2007,2010-2019)
Napanood ko to nasa limang taon siguro ako, nasamanila pa ko nung unang napanood ko yung palabas na ito. Tandang-tanda ko pa yun, manika pa yung gumanap saka di ko kilala yung artistsa, pero yung manika kalag humiling ka ay tinutupad lahat ng mga kagustuhan mo, dito rin nagumpisa yung childhood ko na sobrang saya. Yung tipong, takasan ko tong palabas na ito para makalimot sa puro away ng magulang ko. Di ko maiwasang mapangiti kapag naaalala ko to.
Batibot (1991-1994)
Naaalala niyo pa ba to? Naaala ko lagi ko ito inaabangan sa tv, naalala ko alasotso to palagi pinapalabas, todo abang ako dito lalo na at ayaw nilang binubuhay ng maaga yung tv. 2001 ako pinanganak pero naabutan ko sa cable to.
Sineskwela (1994-2004)
Sinong hindi makakalimot dito? Isa to sa pinakamagandang palabas sa ABS-CBN kung saan may matututunan ka talaga, dito ko nga nalaman kung pumuputok bulkan saka yung iba pang bagay tulad ng pagdaloy ng kuryente. Sobrang saya mapanood to tuwing umaga. Lagi ako inuutusan noon, kapag eto pinapanood ko di ako nakikinig kaya laging napapalo, Pero ayos labg atleast napanood ko. (Sayang, di ko alam kung bakit nila inalis to.)
Mathinik (1997-2004)
Sa totoo lang palagi ako nanonood noon dito pero bobo parin ako sa math hanggang ngayon 🤣.
Joaquin Bordado (2008)
Hindi naman ako mahilig sa action, pero eversince mapanood ko to noon sa GMA halos naging mahilig ako sa action, thriller. Jusko dzai, hanggang ngayon.
Elementary days eh, magmamadali ka pa makauwi mapanood lang to sila.
Majika (2006)
Aminin ko man o hindi, oo dito ako unang kinilig. Napapagalitan ako kasi may pasok bukas tapos puyat ako dito, minsan pinapatay nalamg nila bigla tv eh.
Mulawin
Dito ko unang nagustuhan is Richard Gutierrez, halos di ko pinalampas to. Lalo na nung iniligtas niya si angel at dun sa labanan nila. Jusko mga sis nakakamiss!.
Encantadia (2006)
Sa totoo lang, sa lahat ng pinakagusto kong version, 2006 pa rin yung pinakadabest sakin. Habang pinapanood ko to noon kada gabi, di ko maiwasan kung paano nila isacrifice yung isang bagay. Although bata pa ako nun, pero sobrang mahal na mahal ko yung palabas na ito.
Zaido
Jusko dzai ayaw kong aminin na isa to sa sinubaybayan ko noon HAHAHAHA.
Dyesebel
Saan ka nakakita ng makulit na sirena? Pero aminin man natin o hindi, isa tayo sa kinilig sa palabas na ito. Nakakatuwang alalahanin, nakakatuwang maalala.
10 Super Twins
Naalala ko to, nung kinalaban nila nanay nila kasi kontrolado siya ng kasamaan. Tapos pinipilit kontrolin ng nanay niya dahil niya kasi aware siya na anak niya yung dalawa. Sobrang naantig ako dito HAHAHAHA.
Closing Thoughts,
Ang daming mga alaala na ang sarap balikan, yung kapag uwian sa hapon nagmamadali tayo dahil nga sa gusto natin mapanood na at maabutan yung mga primetime sa hapon, swertehan kung maabutang umpisa palang.
Panigurado akong magkakaroon to ng part 2, ang dami kong naaalala pero hindi ko maisa-isa.
Wansapanataym, Batibot and Sineskwela lang napanuod ko, mga replays pa. Di kasi ako mahilig manud ng tv, pero nakakamiss nga naman balikan yung mga nakahiligan natin gawin noon:D
Mulawin din pinaka fave ko haha tsaka encantadia pero napanood ko yung version 2006 last year pa ata nung my recap sa FoxFilipino haha
Ang nasubaybayan ko ay yung latest na encantadia na
Batibot ,mathinik at wansapanatym talaga Yung fave ko sa mga Yan hahahah🤣 Sayang lang mas emote on YouTube na mga bata ngayon and kukunti na lang yang ganyang mga palabas.
OMG YUNG SINESKEWELA MISS NA MISS KO NA TALAGA. Yan ung favorite kong panoorin nun eh. Pati nung elem yan madalas na pinapanood samin tuwing science class kapag tinatamad magturo yung teacher HAHAHA. Tas gusto ko rin jan yung super twins pati encantadia hehe
Ang di ko lang napanood or nasundan dito is 'yung batibot kasi alikabok pa lang ako n'yan. 🤣 Kasalukuyan pa lang siguro na naglalaro ng Chinese garter si Mother Earth 'nung mga panahon na 'yan. Hahahaha! Pero ang pinaka-dabest for me is 'yung Encantadia at JBordado. Ito 'yung first time na napanood ko si Kylie Padilla eh. Grabeee. Ang galing n'ya dito. Napakalambot ng katawan.
Asan yung kokey at pedro penduko? Gustong gusto ko talaga yung pedro penduko, yung wansapanataym lagi kong pinapanood dati kasi puro power power at nagbibigay leksyon.
Uyy Bebe yung Hiraya Manawari at Bayani asan lol Antanda ko ko na talaga. Never akong nanood ng 7 (GMA) kaya di ko alam yang Encantandia lol Solid kapamilya sa bahay. hahaha
Naku! Halos na ata na shows naabutan ko pa hahaha sign naba ito na matanda naku? Haha wansapanataym at sineskwela lagi kong inaabangan nong bata pa ako hehe
Majika at mulawin talaga ang gusto ko jan, wala pa jan ang darna ni angle locsin, saka un lobo nila ni john lloyd, hehehe.. Yun sinekwela at mathtinik eh paborito ng mga pamangkin ko..
Yung Wansapanataym at Encantadia pinapanood namin dati sis. Nakikinuod lang kami dati kasi wala pa kaming TV. Minsan sinisilip pa namin kung may palabas ba o wala. Hihihi
ganun talaga... pag hindi na nakita ang isang show need na nila alisin at palitan. yung isang bida sa sineskwela naging ofcmate ko sa tv5 si palikpik hihi
Hindi ako familiar sa iba😂 mabuti pa noon may aabangan pag uwi galing school pero ngayon wala na kasi halos puro kabit ang scene😂waiting for the part 2🙈
Wansapanataym, Batibot and Sineskwela lang napanuod ko, mga replays pa. Di kasi ako mahilig manud ng tv, pero nakakamiss nga naman balikan yung mga nakahiligan natin gawin noon:D