read.cash Log in

@Anghe

Joined 2 January 2023 · 35 posts

SPOKEN WORD POETRY WRITER

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Anghe

"SA BILANG NA LABING-DALAWA" Nakaupo sa ibabaw ng bato Tanim sa tuhod ang siko Habang nakapatong ang baba sa braso Sa kawalan ang titig ng mga mata Naghahabulan bawat butil niring luha Ang patak ay dumidilig sa buhanginan nitong sapa Ilang dahon na ba ng ating alaala Ang inanod ng agos ng iyong pagkawala? Isa, Isang araw Isang ikaw Bakit bumitaw? Ako'y giniginaw Di makagalaw Sa ako at ikaw May pag-asa pa bang lilitaw? Dalawa, Dalawang taong pinaglayo Matapos tayong ipagtagpo Dalawang tayong naglaho Matapos na ika'y magloko Dalawang matang luhaan Kailangan ko nang magpaalam. Tatlo, Tatlong ulit nagloko Paano mo pa masasabing totoo? Mahal mo'ko? Ilang tawa ba ang gusto mong ialay ko? Iaalay ko sa birong ito. Apat, Apat na letrang pumatak Mata ko'y mistulang nag-alat Ginawa ko naman ang lahat Ngunit, subalit, datapuwat Bakit tila hindi pa rin saspat? Lima, Limang tagpong madaya Tadhanang magpaubaya Ika'y akin nang pinapalaya Sa ika-anim Na alaalang bibilangin Bago mo'ko lisanin Ako ba'y minahal din? Pito, Pitong pilit pinagtanto Alam kong hindi na ako Sheesh di nga pala naging ako Bakit kaba kasi nagbigay motibo? Di naman pala ako yung gusto mo. Walo, Makawalong natalo Bago ako sumuko Bakit nagkaganito? Siyam, Siyam na kalatas nitong abakada Ito ba ang GANTIMPALA Ako ba'y dapat nang MAGPARAYA? Sampu, Sampu nitong mga huling tagpo Sumugal ako kahit alam kong talo Huling tagpong iimik ako Ngayong ubos na ako Mahal ko, kahit di mo sineryoso Ikaw, ako, ang tayo Umabot sa labing isa Labing-isang pag-asa Ngayo'y bibitaw na Hindi na maghihintay, aasa Na ako'y pipiliin pa Kahit pa na Sa bilang na labing dalawa Ay mahal pa rin kita SOBRA😥 Open for criticism!!! Plagiarism is a crime [RA10175] @Anghe_012

@Anghe

"BILANG SA BAWAT ABAKADA" Isa, isang Araw na puno ng pag asa Pag asam na kapag pwede na Baka sakaling maging ako na Sa letrang A -ako sana'y lingunin tuwina Kahit malabo'y bigyang sulyap sinta Sa mga panahong ako'y nag iisa Tabihan, kausapin at iyo nawang bigyang halaga. Dalawa, dalawang taong sa pagkakaibigan Nanghahawak, baka sakaling matakpan Sakit Ng pakiramdam na lubhang himala Kung magkakatuluyan Dahil BA-Bago ko pa mapagtanto Na hindi Ako Ang gusto Ay binigyan mo na Ng motibo Singkwenta porsyento Baka pwedeng maging Tayo. Tatlo-tatlong oras akong naghintay Ngunit Araw Ang naging agwat Ng bawat mong reply Ano bang aasahan ko gayong kahit Anong lumbay Hindi pinapansin kahit pagkatamlay KA- kala ko ba Ayaw mo pa Ngunit bigla nalang mayroon palang iba Hindi Naman pala ako, oo, ano pa nga ba Apat, apat na sulok Ng silid Ang tanging nakinig Sa bawat Kong hibik maging akin ka lang kahit saglit Pakiusap, Hindi man maaari'y acting ipilit. Da- dampian mo Ng halik Noo nitong binibining di man marikit Di ka kailanman ipagpapalit. Lima, limang kalatas Ng karagatang binabagtas Araw man ay lumipas Nadarama para sa iyo'y di kukupas, I- Ikaw ba'y kailangan nang bitiwan Kahit malabong makayanan O may pag- asa pang maaaring panghawakan Baka sakaling pakinggan Ng Tadhana kahit Minsan lang 💙 @Anghe_012 Open for criticism!!! Plagiarism is a crime!!! RA[10175]

@Anghe

"REWIND" Sana meron ding rewind sa totoong buhay Babalik lang Sana Ako sa panahong Hindi pa Tayo magkakilala Sa panahong Ako lang mag Isa Tahimik pa Ang paligid at walang pagdusa Walang hikbi at sakit na nadarama Babalik lang Sana Ako sa panahong Hindi pa Ikaw Panlalamig mo'y Hindi pa siyang dahilan Ng nadaramang Ginaw Walang humahawak, kaya't walang bumitaw Babalik lang Sana Ako Sa nakaraang Ang pag iisa ay langit pang maituturing Tahimik na paligid, nakabibinging halinghing Ng payapang Mundo bago mo ginulo Buhay na pinasok mo nang buo Matatag, Hindi alam Ang salitang pagsuko Bago mo nilisang gumuguho Isang Ako na nakapagtatayo Walang pangamba Walang takot na binabagtas Ang tuwid na landas Bago mo kinabig paliko Nais Kong bumalik Sa yugtong inosente pa sa halik Ng kalungkutang pumapanhik Sa dibdib na unti- unting nang tumitirik Pagkat hapding dulot mo'y lubha nang matarik Pagbabalik na nais Sa panahong ngiti ay dili lubhang mabilis Nauuna pa sa alas kwatrong umalis Emosyong walang pares Kundi yaring asukal na walang tamis. Open for criticism!!! Plagiarism is a crime [RA 10175] @Anghe_012

@Anghe

Bulok na tayo dine sa boarding house haha san ba kasi pwede gumala 😂

@Anghe

"Sa Gitna Man ng Kalungkutan" Bakas ang lungkot sa mga mata mo Hayst! ayan na naman tayo Bakit ba kasi halos pasanin mo na ang mundo Libangin mo naman ang sarili mo Hayaang problema ang mamroblema sa'yo. Tila isang bulaklak na nalalanta Halamang hindi nakakikita Ng sikat ng araw tuwing umaga Ano ba kasing problema? Araw-araw nagpapakalunod sa luha Sapagkat ika'y tila isang tigang na lupa Sabik sa bawat butil ng tubig Kahit pa na sa mata ito nagmula. Walang oras Na lumipas Na minsang bumakas Ang kasiyahang walang kupas, Ang pisngi na dati'y kulay rosas Sa mga luha'y naging landas Ngiting kumupas Sana'y magbalik pagsapit ng bukas. Subalit teka lang Bigla mo yatang nakaligtaan Hindi ba't ika'y hinirang Bakit hindi Siya ang iyong tawagan Nang mabigyang kalunasan Sakit mong dinaramdam Kapatid, paalalasng lagi mong dapat tandaan Sa gitna man ng kahirapan May Ama na handa kang tulungan Sa gitna ng mga kabagabagan May Ama na handa kang saklolohan Sa gitna man ng mga kalungkutan May Ama na handa kang damayan. @Anghe_012 Open for criticism😉 PLAGIARISM is a CRIME!!! [RA 10175]

@Anghe

"LARAWAN" Nakaupo't nakatulala Iniisip kung kamusta ka na kaya? Pumapatak ang mga luha, Wala akong magawa Kundi ang magsulat na lamang ng tula Magmukmok sa tabi at isipin ka Maya't maya'y ngingiti sa mga alaala Na di ko alam kung muling babalik pa Ipihit ang ikot ng mundong madaya Patungo sa mga sandaling malaya, Malaya pa tayong makapagsasaya Kasama't kausap ang isa't isa Kahit hindi ko alam kung paano ba Ang hirap at sakit ng pag- iisa, Na ngayon ay laging nadarama Pilit ko na lamang binabalewala, Ang kirot ng pangungulila Pilit iniinda. Sa madayang mundo ako'y humihiling Na sana'y landas natin paglapitin Ikaw sana'y ibigay sa akin Pangarap nati'y sabay nang tuparin Pagluha't pagtangis sana'y mapansin Tubig ng mata sa pag agos 'di na kayang pigilin Maging umaga't tanghali ay tila madilim Init ng araw ay 'di na nadarama sa lamig nitong hangin Hiling sa katanghalian tapat Kung maaari lang sana'y mawala ang agwat Na namagitan sa ilog at dagat Maaari bang ibalik sa dati ang lahat. Habang nakaupo sa isang tabi Pilit inaaliw ang sarili Napadpad sa eksenang di makawiwili Pilit pinipigil ang luhat paghikbi Så likod NG makulay na ngiti Ano pa nga ba't di mapakali Pilit isinisigaw na tayo nalang muli Habang larawan mo'y tinititigan ng huli Alam ko, ang ipilit ang tayo ay hindi maaari Ngunit gaya nga ng tula Hindi ba tayo maaaring maging malaya? Asan na pangakong kalatas, Na noo'y binigkas Sa ninirang pantas, Na ngayo'y wala nang luha pang mailalabas Dahil sa paghikbing walang kupas? Bakit? Bakit hinayaan mong lumipas Ang ganitong mga oras Na ang matitira ay larawan mong maaaring kumupas. Bakit bumitaw? Ako'y giniginaw Di makagalaw Sa ako at ikaw May pag-asa pa bang lilitaw? Dalawang taong pinaglayo Matapos tayong ipagtagpo Dalawang tayong naglaho Muli pa kayang mabubuo? Mata ko'y mistulang nag-alat Ginawa ko naman ang lahat Ngunit, subalit, datapuwat Bakit tila hindi pa rin saspat? Ngunit di na bale, Bago ako mag paalam, salamat Mula sa umpisa hanggang sa kung paano tayo nagwakas. Saan man nakapako mga mata mo Ako man o hindi ang iniisip mo Naaalala mo man o hindi ang tayo Sana'y hayaan mo Manirahan sa mapagpantasyang mundo Patungo sa dating tayo Maglalakbay ako Habang binubuo ang ating mga plano Na nagmula sa ikaw at ako Kasama ng larawan mong ito Na tumatakbo hanggang sa panaginip ko.

@Anghe

embrace the power of nature @ ILAH NATURE PARK Located at Sitio Sabloyon, Brgy. Amtic, Ligao City

@Anghe

"SABLAY" Namulat, nasanay, pero heto nabibigla Away, bati, lungkot 😢😢 at saya😂😂😂 Hanggang sa bigla kang nawala😭😭 Ano ba ang mali na aking nagawa?🤔🤔 Sa dami ng akda at tula✍️✍️ Na ikaw ang tema at paksa❤ Tila ba gustong sabihin na,🤔 "Huli na 'to"😥😢😭 pero Sa tuwing lalapat ang tinta✍️✍️ Ng pluma🖋🖊 sa sulatang niluluma📋🗒 Na nang panahong mapagparusa Ikaw at ikaw at ikaw ay naaalala.😉😍😍 Gusto kong sabihing huli na 'to😥 Pero bakit parang mabigat pa sa bato Timbang ng pagmamahal sa'yo😍❤❤💏💖 Gusto ko nang sumuko💔 Pero bakit nanghahawak parin ako sa pangako mo🤦‍♀🤦‍♀ Na di ko alam kung totoo O isang bahagi lamang ng laro⚽🏀⚾🏐 Na kung saan wala akong tyansang manalo.💔💔 Nagising ako sa panglaw ng umagang humahalimuyak Samyo ng nalalantang bulaklak🌹🌹🌹🥀🌷 Tubig sa mga mata'y sabay- sabay pumapatak😭😭 Mapaglarong tadhana ay humahalakhak😂🤣 Pag- asang haligi ng pagmamahal mo ay winasak💔💔💔 Sakit at sugat sa buhay itinarak.💔 Lambing, pag aalala at bait mo ay nagwakas Lahat unti- unting kumukupas Inilibing ng buhay pusong talastas, Kung paanong ikaw at ako ay nagwakas Hanging pumapagaspas Ipinapahiwatig kung paano gumuho ang bukas. Sa gitna ng mapang- aping buhay Ako ay iniwang nalulumbay Hindi alam kung paano iwawagayway Bandera ng kasiyahang isinampay Sa balikat na unti- unting binabaon sa hukay Umaasang sasagipin mo pusong bihag- bitay Ng libingang naghihintay Na aking tanggaping ako ay mamamatay Kasama ang pangako mong "SABLAY"😥💔 @Anghe

@Anghe

High School friends, BLOCK-A G11 Batch 2019-2020 LCNTVHS namiss ko sila

@Anghe

Hindi lahat ng bagay nakukuha sa simpleng sorry. May mga bagay na sadyang kapag nawala na hindi na maaari pang mabalik. Pero for the sake na maayos na ang lahat, I forgive you. Yes, you heard it right! You're forgiven. Pinapalaya na kita. HAHA sounds crazy but yes! Nakamove on na ako. Salamat na lang sa mga magagandang alaala na ibinahagi mo at sa mga ginawa mong nakasakit sa'kin, dahil doon natuto ako, naging matapang. I do even learn na mahalin at pahalagahan ang sarili ko. We might not have our own happy ending together but I know makakikilala tayo ng taong magbibigay kahulugan sa salitang HAPPY ENDING... HAyst pag-ibig nga naman minsan hindi mo makikitang darating pero kapag aalis na bukas mata mo pang mapagmamasdan. HAHA! PArang nakakabaliw yung sakit, tipong para kang tanga na umaasang maayos pa ang lahat, para kang naghihintay sa taong hindi na kailanman babalik. PS: Hindi ko alam why I posted this eh hindi naman ako broken hearted, pero sabi kasi ni MARCELO SANTOS III "PARA SA BROKEN HEARTED" daw ang title ng novel na iyon. @Anghe reading list

@Anghe

"IGNORE"🤔 HIRAP UMAASA SA RELASYONG WALANG LBEL SINTA, PERO MAS MHIRAP ANG I-IGNORE KA😓 I-SEEN ANG SUNOD- SUNOD MONG MENSAHE SA KANYA😓 LALO KUNG MISS MO NA😭 PERO WALA KANG MAGAGAWA KASI DI IKAW ANG PRIORITY NIYA😭 TAMA NA, TAMA NA WAG KA NANG UMASA😜 MAY MAHAL NA SIYANG IBA.😭 PARA KANG TANGA✌️ PILIT INIINDA, SAKIT NA NADARAMA SA TUWING ONLINE SIYA PERO NI LIGAW NA HI O KAYA'Y HELLO AY WALANG NAPUPUNTA😓 SA CHATBOX MO'Y NEVER PANG NAKITA. IKAW LAGI ANG NAUUNA GREETINGS PAGKAGISING SA UMAGA GOOD MORNING WITH ALMUSAL KANA TAPOS SIYA II-IGNORE KA😭 KAWAWANG BATA😂✌️ DI PA NADALA ALAM NANG PINAPAASA DI PARIN NADARAMA. TAMA NA, TIGILAN MO NA IKAW NA NASASAKTAN, NAGPAPAKATANGA KAPA IKAW NA INIWAN, BAKIT HINAHABOL MO PA?😭 IKAW NA NILISAN BAKIT UMAASA KAPA? UMAASANG BABALIKAN PERO KELAN NGA BA?🤔 TAMA NA INIGNORE KA NA KAYA TIGILAN MO NA TROPA NALANG MUNA BAGO CHAT SA KANIYA NA CERTIFIED PAASA😜

@Anghe

"TAWAG" Nakaupo ako't naghihintay Ngunit ako'y nalulumbay, Sa pangako mong nagmistulang patay Ang katuparan ay tila itim ang kulay, Hindi makita sa kalagitnaan ng gabing matamlay. Asan na pangakong kalatas, Na noo'y binigkas Sa ninirang pantas, Na ngayo'y wala nang luha pang mailalabas Dahil sa paghikbing walang kupas? Signal parin ba ang problema O sadyang ako'y limot mo na Dahil may iba nang nagpapasaya? The subscriber cannot be reach, please try again later Mauubos na load ko ngunit di parin macontact. Ubos narin pati halimuyak Na kanina pa nalalanghap sa katabing bulaklak Pati dibdib ko'y may kung anong kirot na di maipaliwanag Dahil napako na ang pangako mong tawag. Tawag mo'y hintayin tulad ng iyong sinabi, Sa pagsapit ng alas otso ng gabi Ngunit lumipas na ang ilang gabi pagtawag mo'y di parin nangyari, Hanggang sa huling sandali Di parin makuhang ngumiti, Dahil umaasa paring muli Na darating tawag mong inaantay ng huli...

@Anghe

"BATO" ISA, DALAWA, TATLO, APAT, LETRANG SUSUKAT SA ISANG SALITA K UNG PANO KITA ILALARAWAN SINTA WAG KA NANG MAGTAKA KUNG BAKIT ITO IYONG PINAKA - PABORITO KO PABORITONG SALITA NA INIHAHALINTULAD SA IYO KASI ALAM MO NA UNA PALANG KUNG BAKIT GANITO KUNG ILARAWAN KO ANG TULAD MO. ILAG KA NA LANG KUNG AYAW MONG TAMAAN ILAG KUNG AYAW MO MASAKTAN BAKA KASI AKO NA NAMAN ANG IYONG SUMBATAN BAKA SA'KIN NA NAMAN MAPUNTA ANG KASALANAN NA 'DI KO NAMAN TALAGA KAGAGAWAN TULAD NG PANG- IIWAN, PANGDE- DEDMA AT PANGBA- BALIWALA MO NA AKO 'YONG SINISISI MO SABI MO 'DI MO KASI RAMDAM NA MAHAL KO ANG TULAD MO PUSANG GALANG CHANAK NA LAMIRAN 'TO MANHID KALANG KAYA 'WAG MONG ISISI SA TULAD KO ANG TIGAS KASI NG PUSO MO KALA KO NOON YELO MALAMIG MAN AT MATIGAS MATUTUNAW DIN SA HULI PERO TACKS! BAKIT NAGING BATO BATO OO BATO WALANG PAKIRAMDAM WALANG PAKI ALAM OO WALA... WALANG HALAGA ORAS NA SINAYANG KO PARA MAHALIN KA PANAHONG GINUHOL KO PARA MARAMDAMAN MO 'YON SINTA... KALA KO NOON PWEDE PANG MAGBAGO BUTI PA ATA 'YONG BATO NADUDUROG NG MAKINA NI PEDRO EH YONG PUSO MO?DUDUROG BA? MAGDURUGO BA? K UNG ANG RASON AY ANG PAGKWALA NG TAYONG DALAWA? SIGE SCROLL KA NA WAG MO NANG BALAKING TAPUSIN PA KASI BAKA MALAMAN MO PA MALAMAN KO PA ANG ISANG RASON KUNG BAKIT BATO ANG NATIPUHAN KONG DESKRIPYON PARA SA TULAD MONG MINAHAL KO NOON NGUNIT KINAMUMUHIAN KO NGAYON. BUTI PA ATA YONG BATO NKAKATULONG SA PAGLIGO KO TUMATANGGAL SA PESTENG LIBAG SA KTAWAN KO EH IKAW IMBIS NA PESTE YONG ALISIN MO DINAGDAGAN MO PA LALO. OH BAKIT MO PA BINABASA DIBA SABI KO WAG NA WAG KA NANG MANGANGAKO KUNG DI MO TUTUPARIN WAG KNANG MAGMAHAL KUNG SASAKTAN KO LANG DIN WAG KA NANG MAGBABASA KUNG BABALEWALAIN KO LNG DIN GEH SCROLL KANA BAGO PA KITA PATAYIN, LUNURIN SA PAGMAMAHAL KO AT MULING ANGKININ GAWIN MULING AKIN😜

@Anghe

"AH PINSAN PALA KITA" Unang araw ng makilala ka Akoy tila iisang lovestruck teenage girl na natulala Pagkat hinahangaan ko ay nakausap ko na Narinig na sa wakas ang boses niya Na tila anghel na pusang gala sa ganda Naaalala mo pa ba? Lumipas ang mga araw Sa chats mo akoy nauuhaw Ninanais na laging matanaw Ngiti mong pumapawi sa aking uhaw Na tigang na lupang di nanaisin pang bumitaw. Bigla akong napa ouch ng di inaasahan Tayo raw ay magpinsan? Totoo ba yun? Apelyido mo raw ay middle name ko Tapos bigla akong napaisip pre ang layo! Asan ang 'E' sa palma mo? Bigla akong napaisip ng malalim Gonggong na Alexa to iba pala ang ibig sabihin Middle name lang pala yung halos same sa spelling Pinagtitripang lang pala ako ng aking mga kaibigan at kamag anak Nais lamang makakita ng isang balde ng luhang pumapatak Sa aking matang di kailanman nakitaan ng kahit konting galak... Wews pinsan daw kita?

@Anghe

"QUATRO UNO" ANO MANG ORAS ALAALA MAAARING LUMIPAS NGUNIT ANG PANGAKO KO SA ABAKADANG KALATAS NA MAMAHALIN KA NG WAGAS MAMAHALING WALANG KUPAS ASAHAN MO NA DI MAGWAWAKAS. PWEDE AKONG LUMINGON SA IBA NGUNIT PAG- IBIG KO'Y SA IISA LANG TALAGA OO, 'DI AKO FAITHFUL KASI LOYAL AKO SINTA TITINGIN SA IBA PERO DI NA MAGMAMHAL NG IBA KASI PAG SINABI KONG IKAW LANG TALAGA, IKAW LANG TALAGA AT WALA NANG IBA PA. BINAGO MO ANG BUHAY KO HINDI SA PARAANG NAGING MAGULO KAYA'T WALA NANG IBA PANG GINUSTO KUNDI ANG IKAW NA SAKIN AY BUMUO. MAGTATAMPUHAN, MAG- AAWAY PERO PANGAKO HINDI AKO MAWAWALAY MAGKAKPIKUNAN, MAGSASAGUTAN PERO KAHIT KAILAN DI KITA SUSUSKUAN. SA QUATRO FOR LETRANG BUMUBUO SA ISANG SALITANG TUMUTUKOY SA'YO BILANG AY HINDI DOS KUNDI UNO PAGKAT NAUNA KQ SA MGA TAONG NAKILALA KO N ASA AKIN AY BUMUO😍

@Anghe

"SABLAY" Namulat, nasanay, pero heto nabibigla Away, bati, lungkot 😢😢 at saya😂😂😂 Hanggang sa bigla kang nawala😭😭 Ano ba ang mali na aking nagawa?🤔🤔 Sa dami ng akda at tula✍️✍️ Na ikaw ang tema at paksa❤ Tila ba gustong sabihin na,🤔 "Huli na 'to"😥😢😭 pero Sa tuwing lalapat ang tinta✍️✍️ Ng pluma🖋🖊 sa sulatang niluluma📋🗒 Na nang panahong mapagparusa Ikaw at ikaw at ikaw ay naaalala.😉😍😍 Gusto kong sabihing huli na 'to😥 Pero bakit parang mabigat pa sa bato Timbang ng pagmamahal sa'yo😍❤❤💏💖 Gusto ko nang sumuko💔 Pero bakit nanghahawak parin ako sa pangako mo🤦‍♀🤦‍♀ Na di ko alam kung totoo O isang bahagi lamang ng laro⚽🏀⚾🏐 Na kung saan wala akong tyansang manalo.💔💔 Nagising ako sa panglaw ng umagang humahalimuyak Samyo ng nalalantang bulaklak🌹🌹🌹🥀🌷 Tubig sa mga mata'y sabay- sabay pumapatak😭😭 Mapaglarong tadhana ay humahalakhak😂🤣 Pag- asang haligi ng pagmamahal mo ay winasak💔💔💔 Sakit at sugat sa buhay itinarak.💔 Lambing, pag aalala at bait mo ay nagwakas Lahat unti- unting kumukupas Inilibing ng buhay pusong talastas, Kung paanong ikaw at ako ay nagwakas Hanging pumapagaspas Ipinapahiwatig kung paano gumuho ang bukas. Sa gitna ng mapang- aping buhay Ako ay iniwang nalulumbay Hindi alam kung paano iwawagayway Bandera ng kasiyahang isinampay Sa balikat na unti- unting binabaon sa hukay Umaasang sasagipin mo pusong bihag- bitay Ng libingang naghihintay Na aking tanggaping ako ay mamamatay Kasama ang pangako mong "SABLAY"😥💔

@Anghe

"DI MABIGKAS NA KALATAS NG INANG PILIPINAS" Habang aking pinagmamasdan, Sinisiyasat, pinag-aaralan Paligid na puno ng kasamaan Mundong lugmok sa kaghuluhan Bayang binalot nang kasakiman Lipunang nasa biongit na ng kamatayan Dahil sa cancer na lunas ay di malaman Aking napagtatanto Nilalaro mo na lamang pala ang tayo. Nung una tayong magkita Agad kang nagbida-bida Niligawan mo'ko na parang ako na Walang bahid ng kawalang pag-asa Napakaganda ng mga plataporma Idinaan mo pa sa matatamis na salitang nakapang gagayuma Pangarap na pagbabago at pag-unlad tuwina Ang siyang sa'kin ay ipinakilala. Dumating ang araw ng paghatol sa'yo At dahil naaaliw ako Nadala sa mga pangako mo Agad akong napa-oo Naging tayo Pumailalim ako sa'yo Nadarang sa init na dulot mo Nahibang sa apoy na ikaw mismo ang nagsindi Sumugal akong muli Inakalang maitatama pa ang naging pagkakamali At sugat kong may hapdi Umasang malulunasan sa'yong mga ngiti. Mali pala! Maling ako'y nagpadala Kahinaan ko'y iyong sinamantala Binali mong sumpa sa kasal na ikaw mismo ang nagtakda 'Pagklat tangi mong adhika Ay itanyag ang pangalan ng iyong ama Umaasa ka pa rin pala Na maibabalik pa sa puti ang balahibong naging pula Matapos na dugo'y magmantsa Nang ipaglabang minsan ang karapatang inagaw sakin ng iba. Korona't trono, Kaharia't kayamanan 'Yon lamang ba ang dahilan Kaya mo'ko nagawang ligawan Pangakong pag-unlad ay nasaan? Bakit tila mas bumubigat ang pasan kong kahirapan? Presyo ng bilihin ay nagsisitaasan Tumitindi ang mga kaguluhan May alitan sa pagitan ng mga nanunungkulan Ito ba ang katuparan ng pangako mong binitawan? Malimit nna paglipad Tungo sa ibayong dagat Naghahanap kamo ng solusyon sa pag-unlad? Ng bagong oportunidad? Kay Pluto nakikipagkasundo Nagtatanong kung may maibibigay na trabaho? Para sa kapuwa Pilipino? Teka muna! Oo maganda ang hangarin mo Ngunit sa puntong ito Tila yata ipinagbibili mo, Ipinambabayad ng utang kay Averno Ang kababayang OFW. Lingkod na Harpias Di ba maaaring makapagbukas Ng bagong oportunidad para sa kanila ng 'di lumalabas? Hindi yaman ang kailangan ko 'Pagkat dito'y likas akong malago Mata ko'y namumugto Ako'y nahihilo't naghihingalo Lunas ay tanging kalinga mo Huwag tutulad kay Narciso Ibigin ang bayan mo Huwag ang sarili mo Buksan ang iyong mga mata Alisin ang takip sa'yong tenga Makinig ka sa hinaing ng iyong kapwa Sa mahihina'y magsilbing pica, Sa naaapi'y tumayong adarga Sa nasasakupa'y magbigay pag-asa Ako'y ibangon mo mula sa pagkakadapa.

@Anghe

"PHILIPPINE ECONOMY FEVER" Lahat nalang nagmamahal, Wala namang nagtatagal Ops! 'Di naman sa pagiging bitter Totoo naman eh No one stay together Kasi ng walang forever Presyo nga ng bilihin paiba-iba Feelings niya pa kaya Sibuyas nga iniwan sa ere si bawang Ikaw pa kaya na pampalipas oras niya lang Hayyy!!! Sana all asukal Masyado nang matamis, wagas pa kung magmahal. Pero teka! Teka! Pansin nyo ba? Ekonomiya ng bansa? Napakaraming ekonomista Ngunit may pag-unlad ba? Wala, parang ikaw mismo Sa dami ng hinarot mo Ni isa, walang nag-stay sa'yo. Habang pataas nang pataas ang utang ng bansa Palubog naman ang ating ekonomiya May pag-asa pa kaya Kung ang pagbangon ay tila mailap na? Sa pag-asam nating umunlad ang bansa Tila tayo naghahabol sa isang tao Na kailanman ay 'di sa'tin magkakagusto Mistulang sinisisid natin ang karagatang higit pang mas malabo kaysa sa TAYO. Noon madalas kong tinutulugan Kapag economics na ang asignaturang pag-uusapan Ngayon ko lang naunawaan Mahalaga nga pala talaga Ang pagtalakay sa estado ng ekonomiya. Mataas na demand Kaya mo ba 'ko iniwan? O nasa suplay ang kakulangan Kaya 'di mo'ko naipaglaban/ Kulang sa produksiyon, Yun ba ang rason, Kaya nag-aangkat mula sa ibang nmasyon? O hindi kalang marunong makontento Kaya nakukuha mo pang maghanap ng iba kahit nandito naman ako, Ang likas na yaman ng bayan mo. Lupang sakahan Pinatatayuan Estrukturang nangaglalakihan Ganun mo na lamang ba talikuran Ang agrikultura Ang pagsasaka Kung gaano kataas ang tingin mo sa 'yong sarili Ganun mo din itaas ang presyo ng mga pataba at binhi Kaalinsabay pa ang mataas na taxes ng magsasaka Tapos ganon na lamang at halos hingin pa ang produktong inaani nila. Pagod, puyat, gutom maging buhay itinataya Magiging biktima pa ng pang-aabuso at pandaraya Kita nila halos wala na ni piso Sa pinagpagurang produkto Na mala-dyamante at ginto Ang presyo sa merkado Sabagay ano nga palang alam mo sa investment Kung ako nga mismo Binigay na ang lahat sa'yo Di ka pa nakontento Nagawa mo pang magloko Tapos iniwan pa ako sa dulo. Hindi ko ginawa ang tulang ito Upang manumbat sa'yo Ngunit kung marunong kalang makontento Kung natuto kalang magpahalaga May sapat na kaalaman sa PAMAMAHALA Sa LIKAS NA YAMAN nitong ating bansa Natitiyak ko Ekonomiya ng bansa ay lalago At ang tayo ay hindi maglalaho. @Anghe/AngelineAlexaPalemaBelga

@Anghe

"PAGTATAPOS" Ano pa bang saysay Nitong buhay Kung lahat ng bagay Kawalang halaga mo ang isinasaysay? Hindi naman masamang magpahinga Kung ika'y pagod na Kamatayan ay naghihihntay Huwag kang matakot humimlay. Wala nang rason upang lumaban Hindi ka na nila kailangan Kaya't mismong ika'y niyuyurakan Ba't di ka pa lumisan? Walang araw Na aking natanaw Na naging totoo ang iyong mga ngiti Bakit kailangan mong magkunwari? Hahayaan mo na lamang ba sila Na ika'y hialahin pababa? Natural kung minsan tayo'y nadarapa Nguniht hindi kung tayo'y sisilain ng iba. Panahon na para sumuko Ipahinga ang sarili mo Ika'y yumuko Bitawan pag-asang sa iyo ay lumalayo. Wag nang umiyak, tahan na Sakit ay matatapos na Isa, dalawa, pati hininga At buhay ay iiwan kana. Sa alaala'y ngumiti ka Sa mundo'y magpaalam na Pagtitiis mo ay matatpos na Ika'y hindi na muling lkuluha pa.

@Anghe

"MALI KAHIT IPILIT MO!" Pagtatakwil ng pamilya, napagtiisan, Pang-iiwan ng barkada, hinayaan PAg-iwas ng iba, binayaan Sandamakmak na problema, nalampasan Lahat ng sakit, pinilit maalpasan Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon Sinasadya man o hindi ng panahon Sa pagkakalimot ay nabaon Kaway ng sanlibutan bakit mo tinutugon? "Sa kaniya kasi sumaya, Nahulog lang ng 'di sadya, Dahil gwapo/ maganda?" Ngunit hindi kaanib sa Iglesia Maraming nagpaalala Bawal yan diba? Ngunit matatag ang alibi mo "PADODOKTRINAHAN KO'TO!" Hanggang dumating sa punto Makasama lang siya Pagsamba'y pinabayaan mo na Huwag lang iwan Kasiglahan ay nilisan Ngunit matapos ang ilang linggo Halos gumuho ang iyong mundo Ang sakit bigla siyang nagloko Kapatid, MALI KASI KAHIT IPILIT MO! #INCPosting

@Anghe

Hindi lahat iiwan ka Hindi lahat aalia sa tabi mo May mga pagkakataong pinilit mona Pinilit mo na syang umalis ngunita anhan parin at pinipilit na manatili sa piling mo Pamagat ng tulang ito ay "TATLONG BAGAY NA MANANATILING NASA TABI MO" Isport kultura at sining Isport, kultura at sining Tatlong bagay na dapat pagyamanin Dahil ang wakas nito ay hindi darating kung ito ay panghahawakan at mamahalin Di naman kasi ito tulad ng taong mahal mo na ginawa mo na ang lahat iniwan ka parin Hindi rin ito tulad ng pangako nya sayo Namananatili hanggang dulo Ngunit wqla pang isang linggo sya'y nawala na sa piling mo Di kasi itO tao at hibdi rin pangko Isport ito bagay na magbibigay ng lakas Sayo Di tulad nya na naging dahilan ng kahinaan mo Isport ito na magpapalakas ng resistensya mo PaRa maiqasan mo ang madapa at masaktan ng lubusan Isport ito na magtuturo sayo kung panu tumayo sa sariling mga paa mo Mula sa pagkakadapa ay makabangon ka Bago pa magkrus ang landas nyong dalwa At ipamuka sayo kung ganu ka kahina ng mawala saya at mapunta sa iba Isport, kultura at sining Tatlong bagay na di dapat limutin Di tulad ng sinabi mo noong una Na kailan man ay di ka magpapakadesperada Ni di ka magpapakamartyr pagnawala sya Ngunit ng makita mo syang may mahal ng iba Lahat ng sinabi mo ay kinalimutan mo na Di naman ito tao na maglalakad palayo Kultura ito, kulturang mananatiling nasa tabi mo, sa tabi ko, sa tabi nating lahat at ng susunod pang henerasyon Paniniwalan tatak sa mahabang panahon At hindi malilimutan ng biglaan Dahil ito ang ating kinagisnan at pagkakakilanlan Parang araw na sisikat Sayong daan ay magliliwanag. Isport, kultura at sining Tatlong bagay na dapat mahalin Pakaingatan at pagyamanin Tatlong bagay na dapat mong panghawakang mahigpit At wag kang bibitaw sa pagkapit Wag kang mag alala di naman ito tulad ng iyong ex Na habang patuloy kang kumakapit Ay lalo mong mararanasan ang sakit At patuloy na malalasap ang pait...

@Anghe

"ML" Nakaupo sa isang tabi May Hindi mapawing ngiti Na nakaukit sa mga labi Cellphone ay di mabitawan kahit sandali Naghihintay Ng tamang tiyempo para sa ulti Isang barahang alas mula Kay Harley Ang sakin ay nagpatigl sandali Natutunang di dapat magmadali Ang mga Plano dapat pauntiunti Ilang Bala kaya Ng baril ni Lesley Ang sakin ay tumama at nagsabi First Blood, ako ang unang biktima Biktima Ng pagkahulog sayo sinta Dumanak Ang dugo, bumuhos Ang luha Mula sa mga matang kagabi pa ay mugto na Dahil chats moy nanlalamig na Our turrent is under attack Luha koy sunod sunod Ang pagpatak Tila ulang ayaw tumugil sa pagbagsak Puso koy until unting binibiyak Ng labingdalawang punyal Ng nakatarak Hindi sigurado Kung nacrushback Gusto ko sanang sumuko ngayon Kaso di ko kayang gawin Yun Dahil sa dalawampung sword no Gusion Na umagaw saking atensyon Na nqgsabing Mahal ka Rin nun Our turrent had been destroyed Labang itoy kaya pabang ituloy Kung di na ko pinapansin ni Macoy? Ganon karami Kaya Ang palasong pinakawalan Ni Miyang ako na Naman Ang tatamaan Tatamaan sa taong may Iba Naman Sakit neto per I don't care Kahit piso koy in danger Dahil sa first at ss ni Granger

@Anghe

"MULA SA OBRA NG MAKATANG BALAGTAS" Wala na ang ganda ng Piedras Platas Naging bato na ang lahat ng rosas Ang kulay ay tuluyan nang kumupas Dalita at sakit, sa mukha'y mababakas Kahapong saya, tuluyan nang kumupas. Kulang na lang gumapang sa habag na kalagayan Panaghoy ay tila higit kaysa Don Juan Bakit paulit-ulit kung pagtaksilan? Awit ng ibong Adarna'y ninais pakinggan Baka sakaling bigyang lunas itong kalagayan. Tadhana'y higit na lilo kaysa Don Pedro Walang awa't di na umaayon sa gusto Paano pa kaya gagaling yaring puso, Kung ayaw na maghilom sugat na tinamo? Lulubha pa ba't di gaya ng Don Fernando, Walang lunas, Adarna'y naglaho. Kapalara'y ala Konde Adolfo ang lupit Bakit tila bato ang pasakit May iba pa bang Laura-ng sasagip Sa kapanglawan niring Florante-ng nagtsasakit? Sumisila'y hindi ang tigre kundi pighati, Gapos sa matinik na dalamhait Naririnig kaya yaring mga hikbi? Sa madilim na sikat ng araw, nagbabakasakali Luwagan ang pagkakasakal nitong dawag ng pagkukunwari Kalagan nawa yaring tali Sa selda ng pag iisa, paano palalayain ang sarili? Muling ngingiti Pinipilit kahit di maaari. *AYN- ANGHE

@Anghe

"LAST BREATH" Imprisoned in the night Moon shines no bright Alone in the dark, I might Losing grip, hold no tight. Stars twinkling so dull I clearly hears no call Teardrops aspiring fall Makes no comfort at all. Total black is all I see Joy and life, apparently my adversary How well, last breath defines it completely And I wish I have been me. -Ayn Anghe

@Anghe

mabait kaming estudyante noon di po kami maingay kahit tanong mo po sa instructor namin eto yung proof

@Anghe

watching Her Protector dito na lang kikiligin hahaha it made my rest time and ahh grabe sana breaktime lagi

@Anghe

"KALSADA" Littering. Overloading. Overtaking. U-turn. Sa loob ng bilog na kulay pula, May pahalang na linya Simbolo ng mga babala, Paalala Sa tabi ko ay makikita Ito ba'y napapansin pa? O dinadaan-daanan mo na lang Na parang wala lang Sabagay, lagi ka namang ganiyan Waalang pakialam. Nakita kita kanina, Lumuluha Nasaktan ka? Iniwan niya? Deserve haha Teka! Teka! Tapunan ba ko ng basura? Tissue paper matapos gamitin Itatapon mo sakin. Hep! Hep! Dinagdagan pa Plastic ng chichirya? Anak ng bruha! Marunong ka bang magbasa? BAWAL MAGTAPON NG BASURA Ulitin ko pa? BAWAL MAGTAPON NG BASURA! Porke ganito ako Ganyan mo na lang itrato Kaya naman pala iniwan ka ng jowa mo Di ka marunong magmahal MAgpahalaga, yung totoo? MAtapos akong apak-apakan Lakas pa ng loob na ako'y yurakan Ako yung daan Patungo sa nais mong puntahan Na di mo nanga pinahalagahan Iyo pang dinudungisan. OVERSPEEDING Nakakaasar! Marunong kabang lumugar? Karera without sportscar Road to heaven lang magpaandar Single man o may sidecar MArahas akong hinahalay MInu-minuto pagkabirhen ko ay inaalay. Halos 'di ka na makagalaw Sa aking ibabaw Isa, dalawa, tatlo, apat Higit kesa nararapat OVERLOADING capacity Naku naman pare May babala na sa tabi Punong-puno ka na May kabet ka pa Paubaya mo naman sa iba Matuto kang makontento Tamang bilang lang ng pasahero. Maya't mayang nakikipag-unahan, Nakikipaghabulan Simbolo sa tabi ay masdan NO OVERTAKING ang laman Iwas aksidente sa daan Antok, nawalan ng preno Drayber na marahas magmaneho Lasing OVERTAKING OVERSPEEDING Tapos minsan KATANGAHAN Maling babaan Maling tawiran Maling tadhanang pinanghawakan Akala mo tama? Tapos babalik kapa Kahit nasaktan kana? Haha TANGA! Wag na! Siya nga pala ako ito nag-iisang KALSADA STICTLY NO U-TURN, pinapaalala.

@Anghe

"BASANG UNAN" Nakayuko. Walang imik, tahimik. Mabigat ang mga hakbang nang ikaw ay iluwa ng parihabang lagusan na hindi nais kaligtaang sarhan. Ilang araw ka nang napagmamasdang ganiyan. Ngunit sa pagkakataong ito para bang ayaw mo na ulit buksan ang pintuang daan patungo sa mga kabanatang pinapangarap mong ilimbag. Ano pa at mas pinipili mong magkulong sa apat na sulok nitong katahimikan na tayo lamang ang nakaririnig. Habang dahan-dahan kang umuupo ay nag- uunahan ang pagpatak ng kulay kristal na likido mula sa iyong mga mata. Ang iyong maaamong mukha ay tinatakpan ng dalawang mga kamay habang nananaghoy. Sa gitna ng pagtangis mo ay itinatanong kung bakit napakalupit ng mundong ginagalawan mo. Hindi mabilang kung makailang ulit isinigaw kung gaano kadaya ng tadhana sa alrong sarili mo mismo ang ipinusta. Batid kong napakabigat ng nararamdaman mo ngunit wala akong magawa, malibang hayaan ang aking sarili sa iyong mga bisig ay masakal at samahan kang malunod sa dagat ng pighati na bumabaha. Paulit-ulit mong ibinubulong na hindi mo na kaya. Sabagay masyado nga talagangmabigat pasanin ang pang- aalipusta ng iba,mahirap ding pagtagpi-tagpiin ang pagkatao mong pinagpira-piraso nila. Paano mo pa nga naman bubuuin ang sarili mong durog na durog na dahil sa palo ng mga katagang ibinabato nila. Magagawa pa kayang maghilom ng mga sugat sa pusong dulot ng patalim na itinarak buhat sa kawalang halaga at dignidad naniyurakan ng iba. Makalipas ang mahabang oras ay kusa akong binitawan ng iyong mga kamay upang punasan ang luha mong taglay. Agad akong napangiti nang ikaw ay tumayo. Muling iniangat ang ulo at inihakbang ang mga paa. Ito na marahil ang tanda na ikaw ay handa nang muling harapin ang panibagong hamon at pagsubok sa buhay. Unti-unting sumilay ang nngiti sa iyong mga labi sa pagkakataong napasulyap ka sa dulong bahagi ng iyong silid kung saan naroon ang mesang kinalalagyan ng lumang litrato. Larawan marahil ng iyong kamusmusan. Ilang segundo lamanmg ay tangan na ito ng iyong kaliwang kamay. Naaalala mo pa ba kung paano ka ngumiti at tumawa noon? Namilog ang aking dalawang mga mata habang pinapanood ang pagkakabasag ng salaming bumabalot sa larawang inihagis ang mga pahina sa nakaraang kuwento na puno ng masasayang kaganapan. Bakit mo pinalipad ang larawang iyon? Nasasaktan ka, oo. Pero. Ahh ewan! Ewan ko. Hindi ko alam. Subalit ako ay nasasaktan sa eksenang aking nasasaksihan. Ang kanina ay nakayukong ulo at malungkot na mga mukha, ngayon ay nakatingala at wala nang emosyon pang mababakas. Sa pagbaling ng dalawang mapupungay na perlas na sumasalamin ng aking kaluluwa ay halos gumuho ang aking mundo. Umagos, at patuloy na umaagos ang pulang likido mula sa iyong palapulsuhan. Ang kanina'y tahimik na silid napalitan ng nakaliliyong ingay, hiyawan at iyakang nagsisilbing malungkot na musikang aking napakikinggan, kasabay ng hindi mabilang na paalam sa aking matalik na kaibigan. Sino na, at lumisan ka, ang magdidilig sa akin ng luha at sasakal ng yakap gabi-gabi? Bakit hindi ka lumaban sa halip ay sumuko? Ngayon ay papaano mo pa mnapapatunayan na mali sila sa ginawang paghuhusga? Paano mo pamaipapakita na may mararating ang isang tulad mong kanilang minamaliit, niyuyurakan at winawalan ng halaga. Paano mo pa maipapakita na kakayanin mo kahit wala ang kanilang suporta? Paano ka pa mananalo kubng nagpaapekto ka sa iyong mga problema? Wala na! Tapos na! Bakit mo iniwan ang iyong mga basang unan sa ganitong kalagayan?