"BASANG UNAN" Nakayuko. Walang imik, tahimik. Mabigat ang mga hakbang nang ikaw ay iluwa ng parihabang lagusan na hindi nais kaligtaang sarhan. Ilang araw ka nang napagmamasdang ganiyan. Ngunit sa pagkakataong ito para bang ayaw mo na ulit buksan ang pintuang daan patungo sa mga kabanatang pinapangarap mong ilimbag. Ano pa at mas pinipili mong magkulong sa apat na sulok nitong katahimikan na tayo lamang ang nakaririnig. Habang dahan-dahan kang umuupo ay nag- uunahan ang pagpatak ng kulay kristal na likido mula sa iyong mga mata. Ang iyong maaamong mukha ay tinatakpan ng dalawang mga kamay habang nananaghoy. Sa gitna ng pagtangis mo ay itinatanong kung bakit napakalupit ng mundong ginagalawan mo. Hindi mabilang kung makailang ulit isinigaw kung gaano kadaya ng tadhana sa alrong sarili mo mismo ang ipinusta. Batid kong napakabigat ng nararamdaman mo ngunit wala akong magawa, malibang hayaan ang aking sarili sa iyong mga bisig ay masakal at samahan kang malunod sa dagat ng pighati na bumabaha. Paulit-ulit mong ibinubulong na hindi mo na kaya. Sabagay masyado nga talagangmabigat pasanin ang pang- aalipusta ng iba,mahirap ding pagtagpi-tagpiin ang pagkatao mong pinagpira-piraso nila. Paano mo pa nga naman bubuuin ang sarili mong durog na durog na dahil sa palo ng mga katagang ibinabato nila. Magagawa pa kayang maghilom ng mga sugat sa pusong dulot ng patalim na itinarak buhat sa kawalang halaga at dignidad naniyurakan ng iba. Makalipas ang mahabang oras ay kusa akong binitawan ng iyong mga kamay upang punasan ang luha mong taglay. Agad akong napangiti nang ikaw ay tumayo. Muling iniangat ang ulo at inihakbang ang mga paa. Ito na marahil ang tanda na ikaw ay handa nang muling harapin ang panibagong hamon at pagsubok sa buhay. Unti-unting sumilay ang nngiti sa iyong mga labi sa pagkakataong napasulyap ka sa dulong bahagi ng iyong silid kung saan naroon ang mesang kinalalagyan ng lumang litrato. Larawan marahil ng iyong kamusmusan. Ilang segundo lamanmg ay tangan na ito ng iyong kaliwang kamay. Naaalala mo pa ba kung paano ka ngumiti at tumawa noon? Namilog ang aking dalawang mga mata habang pinapanood ang pagkakabasag ng salaming bumabalot sa larawang inihagis ang mga pahina sa nakaraang kuwento na puno ng masasayang kaganapan. Bakit mo pinalipad ang larawang iyon? Nasasaktan ka, oo. Pero. Ahh ewan! Ewan ko. Hindi ko alam. Subalit ako ay nasasaktan sa eksenang aking nasasaksihan. Ang kanina ay nakayukong ulo at malungkot na mga mukha, ngayon ay nakatingala at wala nang emosyon pang mababakas. Sa pagbaling ng dalawang mapupungay na perlas na sumasalamin ng aking kaluluwa ay halos gumuho ang aking mundo. Umagos, at patuloy na umaagos ang pulang likido mula sa iyong palapulsuhan. Ang kanina'y tahimik na silid napalitan ng nakaliliyong ingay, hiyawan at iyakang nagsisilbing malungkot na musikang aking napakikinggan, kasabay ng hindi mabilang na paalam sa aking matalik na kaibigan. Sino na, at lumisan ka, ang magdidilig sa akin ng luha at sasakal ng yakap gabi-gabi? Bakit hindi ka lumaban sa halip ay sumuko? Ngayon ay papaano mo pa mnapapatunayan na mali sila sa ginawang paghuhusga? Paano mo pamaipapakita na may mararating ang isang tulad mong kanilang minamaliit, niyuyurakan at winawalan ng halaga. Paano mo pa maipapakita na kakayanin mo kahit wala ang kanilang suporta? Paano ka pa mananalo kubng nagpaapekto ka sa iyong mga problema? Wala na! Tapos na! Bakit mo iniwan ang iyong mga basang unan sa ganitong kalagayan?
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
4 comments
Ang hirap. Parang gusto mo ng mahigpit na yakap at magsasabing keep moving forward.
siguro nga po
Sobrang nakakalungkot naman yan mate mabigat sa dibdib.. nakakaiyak.
muntik na nga komaiyak habang nasusulat