read.cash Log in
@Anghe

"PAGTATAPOS" Ano pa bang saysay Nitong buhay Kung lahat ng bagay Kawalang halaga mo ang isinasaysay? Hindi naman masamang magpahinga Kung ika'y pagod na Kamatayan ay naghihihntay Huwag kang matakot humimlay. Wala nang rason upang lumaban Hindi ka na nila kailangan Kaya't mismong ika'y niyuyurakan Ba't di ka pa lumisan? Walang araw Na aking natanaw Na naging totoo ang iyong mga ngiti Bakit kailangan mong magkunwari? Hahayaan mo na lamang ba sila Na ika'y hialahin pababa? Natural kung minsan tayo'y nadarapa Nguniht hindi kung tayo'y sisilain ng iba. Panahon na para sumuko Ipahinga ang sarili mo Ika'y yumuko Bitawan pag-asang sa iyo ay lumalayo. Wag nang umiyak, tahan na Sakit ay matatapos na Isa, dalawa, pati hininga At buhay ay iiwan kana. Sa alaala'y ngumiti ka Sa mundo'y magpaalam na Pagtitiis mo ay matatpos na Ika'y hindi na muling lkuluha pa.

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.