"Sa Gitna Man ng Kalungkutan" Bakas ang lungkot sa mga mata mo Hayst! ayan na naman tayo Bakit ba kasi halos pasanin mo na ang mundo Libangin mo naman ang sarili mo Hayaang problema ang mamroblema sa'yo. Tila isang bulaklak na nalalanta Halamang hindi nakakikita Ng sikat ng araw tuwing umaga Ano ba kasing problema? Araw-araw nagpapakalunod sa luha Sapagkat ika'y tila isang tigang na lupa Sabik sa bawat butil ng tubig Kahit pa na sa mata ito nagmula. Walang oras Na lumipas Na minsang bumakas Ang kasiyahang walang kupas, Ang pisngi na dati'y kulay rosas Sa mga luha'y naging landas Ngiting kumupas Sana'y magbalik pagsapit ng bukas. Subalit teka lang Bigla mo yatang nakaligtaan Hindi ba't ika'y hinirang Bakit hindi Siya ang iyong tawagan Nang mabigyang kalunasan Sakit mong dinaramdam Kapatid, paalalasng lagi mong dapat tandaan Sa gitna man ng kahirapan May Ama na handa kang tulungan Sa gitna ng mga kabagabagan May Ama na handa kang saklolohan Sa gitna man ng mga kalungkutan May Ama na handa kang damayan. @Anghe_012 Open for criticism😉 PLAGIARISM is a CRIME!!! [RA 10175]
2 comments
Kalungkot naman yan pero nagustuhan ko yung sa dulo. True.
Hehe thank you