read.cash Log in
@Anghe

"MULA SA OBRA NG MAKATANG BALAGTAS" Wala na ang ganda ng Piedras Platas Naging bato na ang lahat ng rosas Ang kulay ay tuluyan nang kumupas Dalita at sakit, sa mukha'y mababakas Kahapong saya, tuluyan nang kumupas. Kulang na lang gumapang sa habag na kalagayan Panaghoy ay tila higit kaysa Don Juan Bakit paulit-ulit kung pagtaksilan? Awit ng ibong Adarna'y ninais pakinggan Baka sakaling bigyang lunas itong kalagayan. Tadhana'y higit na lilo kaysa Don Pedro Walang awa't di na umaayon sa gusto Paano pa kaya gagaling yaring puso, Kung ayaw na maghilom sugat na tinamo? Lulubha pa ba't di gaya ng Don Fernando, Walang lunas, Adarna'y naglaho. Kapalara'y ala Konde Adolfo ang lupit Bakit tila bato ang pasakit May iba pa bang Laura-ng sasagip Sa kapanglawan niring Florante-ng nagtsasakit? Sumisila'y hindi ang tigre kundi pighati, Gapos sa matinik na dalamhait Naririnig kaya yaring mga hikbi? Sa madilim na sikat ng araw, nagbabakasakali Luwagan ang pagkakasakal nitong dawag ng pagkukunwari Kalagan nawa yaring tali Sa selda ng pag iisa, paano palalayain ang sarili? Muling ngingiti Pinipilit kahit di maaari. *AYN- ANGHE

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.