read.cash Log in
@Anghe

"MALI KAHIT IPILIT MO!" Pagtatakwil ng pamilya, napagtiisan, Pang-iiwan ng barkada, hinayaan PAg-iwas ng iba, binayaan Sandamakmak na problema, nalampasan Lahat ng sakit, pinilit maalpasan Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon Sinasadya man o hindi ng panahon Sa pagkakalimot ay nabaon Kaway ng sanlibutan bakit mo tinutugon? "Sa kaniya kasi sumaya, Nahulog lang ng 'di sadya, Dahil gwapo/ maganda?" Ngunit hindi kaanib sa Iglesia Maraming nagpaalala Bawal yan diba? Ngunit matatag ang alibi mo "PADODOKTRINAHAN KO'TO!" Hanggang dumating sa punto Makasama lang siya Pagsamba'y pinabayaan mo na Huwag lang iwan Kasiglahan ay nilisan Ngunit matapos ang ilang linggo Halos gumuho ang iyong mundo Ang sakit bigla siyang nagloko Kapatid, MALI KASI KAHIT IPILIT MO! #INCPosting

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.