"SA BILANG NA LABING-DALAWA" Nakaupo sa ibabaw ng bato Tanim sa tuhod ang siko Habang nakapatong ang baba sa braso Sa kawalan ang titig ng mga mata Naghahabulan bawat butil niring luha Ang patak ay dumidilig sa buhanginan nitong sapa Ilang dahon na ba ng ating alaala Ang inanod ng agos ng iyong pagkawala? Isa, Isang araw Isang ikaw Bakit bumitaw? Ako'y giniginaw Di makagalaw Sa ako at ikaw May pag-asa pa bang lilitaw? Dalawa, Dalawang taong pinaglayo Matapos tayong ipagtagpo Dalawang tayong naglaho Matapos na ika'y magloko Dalawang matang luhaan Kailangan ko nang magpaalam. Tatlo, Tatlong ulit nagloko Paano mo pa masasabing totoo? Mahal mo'ko? Ilang tawa ba ang gusto mong ialay ko? Iaalay ko sa birong ito. Apat, Apat na letrang pumatak Mata ko'y mistulang nag-alat Ginawa ko naman ang lahat Ngunit, subalit, datapuwat Bakit tila hindi pa rin saspat? Lima, Limang tagpong madaya Tadhanang magpaubaya Ika'y akin nang pinapalaya Sa ika-anim Na alaalang bibilangin Bago mo'ko lisanin Ako ba'y minahal din? Pito, Pitong pilit pinagtanto Alam kong hindi na ako Sheesh di nga pala naging ako Bakit kaba kasi nagbigay motibo? Di naman pala ako yung gusto mo. Walo, Makawalong natalo Bago ako sumuko Bakit nagkaganito? Siyam, Siyam na kalatas nitong abakada Ito ba ang GANTIMPALA Ako ba'y dapat nang MAGPARAYA? Sampu, Sampu nitong mga huling tagpo Sumugal ako kahit alam kong talo Huling tagpong iimik ako Ngayong ubos na ako Mahal ko, kahit di mo sineryoso Ikaw, ako, ang tayo Umabot sa labing isa Labing-isang pag-asa Ngayo'y bibitaw na Hindi na maghihintay, aasa Na ako'y pipiliin pa Kahit pa na Sa bilang na labing dalawa Ay mahal pa rin kita SOBRA😥 Open for criticism!!! Plagiarism is a crime [RA10175] @Anghe_012
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet